"Mahal kita"
Hay, nagtweet na nama siya ng ganyan. 'Mahal Kita' pero madami ang nakakabasa, mas lalo na ang mga followers niya...at isa ako dun.
Pero kahit ganun...
Mahal din kita JUDE!
.
.
.
Tweet sent!
Last year nung third year ako, sabi ng mga ewan kong seatmates mag twitter na daw ako. Sabi ko naman sa kanila, "Anong mapapala ko sa twitter? Kaewanan sa buhay?"
Ang sagot naman nilang dalawa, "Hindi ah! Para updated ka din sa happenings tsaka may papakilala akong gwapo sayo na fina-follow ko" sabay nilang sabi. At talagang nagsabay pa sila! Okay!
"Sino naman yun? Edi siya na gwapo...
Sige na nga! Payag na ako!" sagot ko naman sa kanila. Haha! Syempre! Usapang gwapo eh. Haha! Bakit ba? Ganun talaga eh!
"Basta gwapo eh noh! Haha" asar sakin ni Neth. Lol! Kasi nga! Eeh! Haha
Nu ba kayo! Hanggang diyan lang naman ako, magfollow, mag-add, minsan iti-tweet, minsan ichachat..pero hindi ako yung talagang kagaya ng iba na alam mo na! Haha :D Shh :D
Kaya ayan! Agad-agad gumawa ako ng twitter account ko. Pero actually meron na akong twitter nung 1st year summer pa eh kaso di ko na matandaan. Ang dami ko kasing accounts eh :P Haha :D Tsaka di pa ganun ka skat twitter nun, facebook tsaka friendster pa sikat nun :P
So ayun, going back. Dahil nga dala ko rin notebook ko eh gumawa na kami ng account ko at agad na nag-follow sa gwapong sinasabi nila na nagngangalang
JUDE SINAHON.
Aba! Gwapo nga! Haha :D Mario Maurer ang dating! Astig!
Simula nung nakagawa ako ng twitter account ko, lagi ko na siyang sinusubaybayan. Lahat ng firends niya sa twitter na kinakausap niya, finollow ko na din para maka-access pa rin ako sa kanya.
Lagi nga ako nagpapapansin nun eh! Tweet ako ng tweet pero wala eh. Masyado siyang sikat kaya di niya ako napapansin </3
Dumating nga yung time nun na ayoko na siyang itweet kasi malabo naman na mapansin niya ako. Pero ang ewan ko rin eh noh! Tweet pa rin ako ng tweet kasi nagbabakasakali akong mareplyan niya ako.
Ewan ko ba! Ang baliw ko! Sabi ko hanggang follow lang tas ilang tweets, pero iba sa kanya! Nakakainis naman kasi!
Nafollow na ako ng halos lahat ng iba niyang friends sa twitter, nakakatweet ko na pero siya wala pa rin! Nakakaloka!
Pero one time, summer ata yun or nung Christmas Break nung thrid year ako, nauso yung doodle. Sabi ko sa sarili ko baka sa paggawa ko ng doodle eh mapansin niya ako at hindi nga ako nagkamali!
Shet! Kilig overload nung niretweet niya, nagfavorite siya tapos pinost niya pa dun sa group niyag JUDESTERS sa facebook! Shet! Kilig overloadness talaga nung gabing un!
At nang dahil jan, mas ginanahan na naman ako magtweet sa knya. At nung summer third year eh nagtweet ako ng
"@JudeSinahon: JUDE! ISANG GOOD NIGHT YELL LANG MASAYA NA AKO! <3" yan ang tweet ko sa kanya
Ang LUCKY ME! Sumagot siya ng
"@imlleyrecaido: GOODNIGHT YELL!" waaaah! Kilig overloadness na nga! Shet Shet na talaga!
Simula nun, tweet na naman ako ng tweet sa kanya. And lucky me na naman eh napapansin niya na ako.
Nagkakatweet na kami although hindi yung talagang narereplyan niya ng bongga unlike sa friends niya talaga sa twitter. Pero okay lang yun! At least diba?! Napapansin niya na ako!