20

127 6 0
                                    

[YARA'S POINT OF VIEW]

* * *

Magkatabi kami ni Thomas na nakaupo sa gitnang pwesto ng sasakyan. Magkatabi sa driver's seat sila Lucas na nagmamaneho ng sasakyan at si Synthia na panay ang yakap sa braso niya. Nasa likuran naman namin sila Elvie at ang boyfriend niya.

Hindi ko magawang kumibo habang nasa biyahe kami at habang katabi si Thomas. Hindi ako kumportable na nasa tabi ko siya. Panay sa pagkausap sa'kin si Thomas pero hindi ko siya magawang pansinin.

“Hoy, Yara! Pansinin mo naman si Thomas. Grabe ka naman ka-cold diyan! Kanina pa nagsasalita yung boyfriend mo, ikaw nakatanaw lang sa bintana,” nagulat ako nang bigla akong sabunutan ng mahina ni Elvie at talakan.

“Baliw ka talaga, Elvie. Hayaan mo nga kami rito,” saad ko.

“Hoy, gaga ka! Ako yung naaawa diyan kay Thomas,” saad ni Elvie.

Nakita kong umiling si Thomas at pilit na ngumiti. “Hindi, ayos lang sa'kin yun, Elvie,” sabat niya.

Inirapan ko si Thomas at ibinalik sa unahan ang tingin ko. “Siya na yung nagsabing ayos lang sa kanya.”

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa rear-view mirror at inaasahan ko nang nakatingin rin dun si Lucas. Nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya. Hindi ko alam kung masaya ba siya nakikita akong ganun tratuhin si Thomas o ano.

Nakita kong hinaplos-haplos ni Synthia ang braso ni Lucas. “Malapit na ba tayo, Lucas?” malambing na tanong niya.

Lumingon si Lucas kay Synthia at tumango. “Malapit na.”

Kinalabit ako ni Thomas at mahinang binulungan. “Are you really okey, Yara?”

Tumango ako at bahagyang nilayo ang sarili ko sa kanya. “Oo, ayos lang ako.”

Napakunot ako nang noo nang marinig ang paghaharutan nila Elvie at ng boyfriend niya sa likuran namin. May hampasan pa na akala mo sila lang yung tao sa loob ng sasakyan.

Lumingon ako sa likuran namin at tinaasan ng kilay si Elvie. “Ang landi ah,” natatawang saad ko.

Tinaasan rin ako ng kilay ni Elvie. “Gaya kayo ni Thomas sa'min para hindi ka mainggit,” natatawa ring pang-aasar niya.

“Tsk! Wag na!”

* * *

“Nandito na rin tayo sa wakas!” masayang saad ni Elvie bago maunang lumabas ng sasakyan.

Tumigil ang sinasakyan namin sa kung saan. Isa-isa kaming nagsilasan sa loob ng sasakyan. Bahagya pa kong inalalayan ni Thomas at hinawakan sa ulo para hindi mauntog. Alam kong nakikita ni Lucas yung ginagawa ni Thomas.

“Daddy, uupa ba tayo rito ng beach house?” nakangiting tanong ni Elvie.

Tumango si Lucas at nginitian si Elvie. “Yes.”

Mabilis na yumakap ng mahigpit si Elvie sa daddy niya habang masayang-masaya. “Thank you, Daddy! Akala ko hindi na matutupad 'to! Sayang nga lang, hindi na natin kasama si mommy.”

Niyakap pabalik ni Lucas ang anak niya at hinalikan sa noo. “I love you, Elvie. Kahit hindi natin kasama ang mommy mo, alam nating masaya siya ngayon dahil nakikita ka niyang masaya.”

Nakita naming yumakap sa braso ni Lucas si Synthia habang malapad ang ngiti. “Tama ang daddy mo, Elvie. Masaya ang mommy mo na nakikita kang masaya ngayon.”

“Ang sweet niyo pong dalawa, Auntie at Daddy!” kinikilig na saad ni Elvie.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang tatlo at ibinaling ang tingin ko sa dagat. Hindi ko napigilang mamangha sa lugar na pinuntahan namin. Akala ko sa isang simpleng dagat lang, sa ganito kagandang dagat pala.

My bestfriend's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon