10

272 4 0
                                    

[YARA'S POINT OF VIEW]

* * *

Habang bitbit ko ang dalawang maletang dala ko, hindi ko mapigilang pagmasdan ang malaking bahay nila. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na dito na ko titira.

Nagulat ako nang biglang agawin sa'kin si Elvie ang isang maleta at mahina akong hampasin sa braso. “Akin na nga 'to! Ang bigat-bigat, oh!”

Napailing na lang ako at bahagyang natawa sa ginawa niya. Naunang pumasok sa loob ng bahay nila si Elvie at pinasok ang maletang inagaw niya sa'kin.

“Where's Yara?” boses ng daddy niya.

“Nasa labas si Yara, Daddy. Dala niya yung isang maleta niya,” sagot ni Elvie sa daddy niya.

Hindi na ko nagulat pa nang tumambad sa'kin ang nakangiting mukha ng daddy ni Elvie. Naglakad siya palapit sa'kin at mabilis na kinuha ang maletang bitbit ko. Para akong nakuryente nang magdikit ang kamay naming dalawa.

“Ah, ako na lang diyan, L-Lucas,” ani ko kasabay ng pag-agaw sa handle.

Mabilis na hinawakan ni Lucas ang kamay ko at hinaplos-haplos. Hinapit niya rin ako sa bewang ko at bahagyang hinalikan sa leeg.

Agad ko siyang pinigilan sa ginagawa niya at seryosong tinitigan. “Wag dito, Lucas. Baka may makakita sa'tin dito, baka makita tayo ni Elvie.”

Bahagyang tumawa si Lucas at tumango. “Yeah...”

Hindi na ko nakipag-agawan pa sa maleta ko at hinayaan na lang siyang bitbitin yun. Nauna na siyang pumasok sa loob habang ako, nahuhuli na sa paglalakad.

* * *

“Bakit hindi mo ginagalaw yung pagkain mo, Yara?” tanong ni Elvie.

Lumingon ako sa kanya at pilit siyang nginitian. “Wala lang. Na-miss ko lang bigla yung mga kasama ko sa condo.”

Malapad na ngumiti sa'kin si Elvie at tumango. “Ayos lang yan, nandito naman na ako, oh! Palagi mo na kong makikita at palagi ka na ring maiinis sa kakulitan ko.”

Bahagya akong natawa sa sinabi niya at napailing. “Ay, balik na lang ako sa condo namin.”

“Hoy, Yara! Walang bawian! Dito ka na kaya!”

“Biro lang 'no! Syempre, hindi kita iiwan 'no. Tatanggihan ko pa ba 'tong pagpapatira niyo sa'kin rito?” bigla akong napalingon kay Lucas na nakatitig sa'kin ngayon. “Syempre, hindi na...”

Nakita kong napailing si Lucas at bahagyang napangisi bago siya sumubo ng kinakain niya. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Elvie at nginitian siya.

Nagpatuloy kami sa pagkain namin habang panay sa pag-kwento si Elvie. Paulit-ulit niyang binabanggit at pinagmamayabang yung boyfriend niya. Napapailing at napapangiti na lang kaming dalawa ng daddy niya dahil dun.

“Kung pabango lang yang boyfriend mo, malamang isa na yan sa brand ng pabango sa ibang bansa. Grabeng pagpa-pabango ba naman! Halatang hindi ko mararanasan,” natatawang biro ko pa.

Natawa naman si Elvie sa sinabi ko at napapailing. “Ikaw ba kasi, Yara! Ke'lan mo ba balak mag-boyfriend, ha?”

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at tinaasan ng kilay. “Nandito na naman tayo sa tanong na yan. Ang pagkakaalala ko, ilang beses ko nang sinagot yan, ah?”

“Alam ko, pero ke'lan mo ba kasi balak magka-boyfriend? May balak ka pa ba o wala na?” sunod-sunod na tanong niya.

Napalingon muna ako kay Lucas bago sumagot sa tanong ni Elvie. Nakita kong ngumunguya sa kinakain niya si Lucas na halatang umiiwas sa mga tingin ko.

My bestfriend's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon