Brotherly Pleasures 12
"Sino naman yan?"
Tanong ni Gov. Juancho dela Vista kay Kuya Pogs nang makasalubong namin ito.
Kumabog ang dibdib ko. First time kong makita si Juancho dela Vista- ang sinasabing tunay ko daw na ama.
Nilalabanan ko ang sarili ko, ano ba ang dapat maging reaksiyon ko? Hindi ko alam kung paano magrereact? Ngingiti ba ako o uupakan ko na lang tong gagong 'to pero sa huli naisip ko, pucha hindi pwedeng maging warfreak, kasisimula ko pa lamang sa plano ko.
Tawagin ko kaya siyang daddy. Sabihin ko kayang anak niya ako. Hindi pwede, hindi iyon ganun kadaling gawin.
Parang tanga ako na lihim na nag-wish na sana maramdaman ni Gov. Juancho na anak niya ako, yun bang tinatawag nilang lukso ng dugo. Pero sa malas ay hindi nangyari ang wish ko. Kung tingnan pa nga niya ako ay para akong mababang nilalang. Tsk, kung alam mo lang anak mo din ako.
"Bagong staff po Gov ni Boss Jako." Sagot ni Kuya Pogs.
"Bakit asan na si Dominic, umalis na ba?" Kunot noong tanong ni Juancho dela Vista. Nakapamulsa pa ito at kung tingnan ako mula ulo hanggang paa na akala mo sinusukat ang pagkao ko.
"Pinagpapahinga po muna ni Boss Jako si Dominic, Gov."
Tumango-tango lang si Gov. Juancho dela Vista. Muli ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Alam ko naman na kinikilatis niya ako.
"Kailan ang event ni Jako?" Tanong ni Gov kay Kuya Pogs.
"Hindi pa po napag-uusapan ng team Gov. Balita ko ay sa maka-apat na buwan pa."
"Okay... kayo na bahala sa Boss Jako ninyo." Tumingin sa akin si Gov pagkatapos. "Ikaw pagbutihin mo ang trabaho mo sa kanya. Galingan mo."
Tumango ako kay Gov.
"Opo, gagawin ko po." Kabado kong sabi at halos mabulol pa ako. Gusto ko sanang sabihin, opo daddy, gagawin ko po.
Nilampasan na kami ni Gov. Juancho dela Vista.
Pasimple kong tiningnan ulit ito. Guwapo si Juancho dela Vista, matipuno ang katawan. Matangkad. Matangos ang ilong, makapal ang mga kilay. Bata pa pala siya, akala ko kasi matanda na. Yung hitsura ni Gov. Juancho dela Vista mukhang babaero. Macho at gwapo nga kasi. Tsk, humanda ka. Tatargetin din kita. Iisa-isahin ko kayo.
Dumeretso kami ni Kuya Pogs sa pinaka ground flour. Underground na nga ata ito. Subrang laki talaga ng mansion ng mga dela Vista, siguro ilang weeks pa bago ko magamay ang pasikot-sikot dito. Baka nga kung mag-isa lang ako ay siguradong maliligaw ako.
"Pagbutihin mo ang trabaho mo dito Mackoy. Yung mga sinabi ko sayo tandaan mo lang. Yung mga dapat mong gawin. Bukas ay mamaya magstart na ang 5 days training mo para matututo ka ng tamang pagmamasahe, magiging personal masahista ka ni Boss Jako mula ngayon. Dapat may knowledge ka kung paano ang tamang pagmasahe ng wala kang ugat at muscle na madamage. Mag-focus ka lang sa trabaho mo, yung ibang bagay at panganga-ilangan ni Boss Jako ay huwag mo nang alalahanin. May ibang nakatoka dun kagaya ng inumin niya, may taga-timpla dun, kahit sa pagkain ay may nakatoka din, sa pag-asikaso sa mga gamit niya ay meron din. Iba ang trabaho mo sa kanila. Basta kapag kinailangan ka niya dapat handa ka. Dapat laging malinis yang puwet mo."
Tangina, medyo nahiya ako sa huling sinabi ni Kuya Pogs. Maigi na lang walang reaksiyon ang mukha niya, hindi siya nang-iinsulto. Kaswal lang ang pagkakasabi niya. Pero kahit na dyahe pa rin, alam niya kung ano ang isang magiging trabaho ko dito.
"Oo kuya Pogs, tinandaan ko lahat." Sabi ko bagamat ang totoo sa dahil sa dami niyang habilin ay hindi ko natandaan lahat. Bahala na, in the long run sigurado naman akong magagamay ko din ang mga dapat kong gawin dito.
BINABASA MO ANG
Brotherly Pleasures
RandomThis is story is Erotic story and not for Minors. For adult readers only.