Kabanata 1

2 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay  ng paligid, ngunit diko muna binuksan ang aking mga mata

"Ang OA naman ng bruhang yan, nagpapanggap langyang nahimatay para mapansin"boses iyon ng mahal na reyna, diko mapigilan masaktan gusto kong magsalita pero mas minabuti kong tumahimik nlng.

"Tama ka jan ina papansin langyan wala nman yang kwenta, sana nga matuluyan" andito din pala si angel, pinsan ko na inampon nina ama't ina kasi namatay ang mga magulang nito sa digmaan. Angel nga pangalan demonyo naman yung ugali napabuntong hininga nalang ako ng makarinig ng pag sarado ng pinto.

Napatingin ako sa aking kabuoan diman lang nila ako naisipang ilapag sa kama. Nakahiga ako sa sahig sa pwesto kong saan ng kasagutan kami ni ama.

Tumayo ako at naglakad patungo sa aking higaan. Paano ako makakalabas sa impyernong ito? Wala akong alam na pasikot sikot dito sa palasyo kasi halos sa tanang buhay ko sa silid Lang ako namamalagi well dati lumalabas naman ako para Makuha ang atensyon nina amat ina at mga kapatid ko. Naalala kopa dati na halos lumuhod nako sa harapan nina ama para lang ipaghanda ako sa aking kaarawan kahit anong iyak at pagmamakaawa ko pero wala paring nangyari na kahit man lang don maramdaman kong mahalaga ako sa kanila pero Wala e balewala lang ang lahat. Simula nong sinabi nila na kailan man ay di nila ako ituturing na pamilya e tumigil na ako. Diko naman sila mapipilit sa pagtrato nila sakin.

Balik sa topic so pano ngaba ako makakatakas rito? Tama si Mateo, siya yung naging kaibigan at karamay ko kapag ina api ako nina ina.

Isa syang kawal dito sa palasyo namin kahit na ilang beses akong saktan ng aking ina nanjan sya upang ako ay damayan para kona syang nakakatandang kapatid, sakanya ko lamang nadama and pagmamahal ng isang kuya. Sya din yung nagbabantay sakin simula pagkabata kaya malaki ang tiwala ko sa kanya at sigurodo akong matutulongan nyako.

Napangiti ako sa aking naisip ngunit ang tanong san naman ako pupunta? Hayts bahala na, siguro sa ibang kaharian nalang yung walang makikilala sakin.

Tears of a Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon