Chapter 2

3 0 0
                                    

Flashback!

Nasa likod ako ng counter ng grocery store ng mga magulang ko dito sa Crissolo, at habang pinagmamasdan ko ang mga customer at naririnig ang tunog ng cash register, hindi ko maiwasang maalala ang dati naming buhay. Ilang buwan pa lang ang lumipas, pero parang sobrang tagal na nung thriving pa ang negosyo namin sa city. Pero pagkatapos ng bankruptcy, napilitan kaming lumipat dito, sa tahimik na bayan na halos hindi ko pa naririnig noon.

Maliit lang ang grocery store namin—simpleng hanapbuhay pero sapat na para makaraos kami, at para sa tuition ko. Alam kong hindi ito ang inasahan ng mga magulang ko para sa amin, pero proud ako sa kanila. Hindi ko malilimutan nung sinabi ni Papa habang iniimpake namin ang mga gamit, “Ang hirap ng buhay, pero kaya natin 'to.” Ngumiti lang si Mama at sumang-ayon. Paano nga ba ako mawawalan ng pag-asa kung sila mismo, hindi sumuko?

Hindi sila nagpadaig sa problema. Kahit nawala lahat sa kanila, nagawa pa rin nilang ngumiti. “Hindi mahalaga kung saan tayo napunta o kung anong meron tayo," lagi kong naririnig kay Mama, "ang importante, buo tayo.”

Minsan, naiisip ko, dapat ba akong mahiyang lumipat dito? Pero sa totoo lang, proud ako. Proud ako sa kanila dahil kahit sobrang hirap na ng sitwasyon, hindi nila ako pinabayaan. Hindi ako maarte, dahil sila ang nagturo sa akin na ang tunay na halaga ng buhay ay nasa kung paano mo hinaharap ang mga pagsubok.

Ngayon, kahit nandito ako sa bago kong unibersidad, sa lugar na hindi ko pa kabisado, alam ko sa sarili ko na kaya ko 'to. Na kahit ano pa ang mangyari, magiging okay din. Hindi ko kailangan ng marangyang buhay; sapat na ang pagmamahal at suporta ng mga magulang ko.

End of Flashback

I'm standing in front of our store, I took a deep breath and felt a wave of nostalgia hit me. The familiar scent of freshly baked goods from the bakery next door mixed with the earthy smell of the groceries we sold. It felt comforting, like a warm embrace from the past.

I couldn’t help but smile as I watched the people coming and going. Life in Crissolo was slower, quieter. Everyone knew each other here. It was a far cry from the bustling city we used to call home, but I had grown to love this town. This place wasn’t just where we ended up after the bankruptcy—it was where we rebuilt our lives. It became the symbol of our resilience, the foundation of the new life my parents worked so hard for.

"One day, I'll make you even prouder of me," I whispered to myself, imagining how happy my parents would be when I finally reached my dreams.

Every weekend, I came back home, but I made sure to surprise them. Hindi nila alam na umuuwi ako tuwing Sabado at Linggo. Para sa kanila, busy akong nag-aaral at abala sa unibersidad. Pero ako, alam kong kahit gaano kahirap, gusto ko silang makita lagi. Para hindi nila ako masyadong nami-miss, para hindi sila mag-alala.

Pagbukas ko ng pinto, sasalubong sa akin ang masayang mga ngiti ni Mama habang nagluluto siya ng paborito kong sinigang. Si Papa naman, abala sa tindahan, pero kapag nakita niya ako, bitaw agad sa lahat ng hawak at yayakapin ako ng mahigpit, na parang isang linggo kaming hindi nagkita. Nagtatawanan kami sa hapag-kainan, walang bumibitaw ng kwento, kahit ang mga simpleng pangyayari sa tindahan ay nagiging malaking bagay kapag magkasama kaming lahat. Iyon ang mga sandali na kahit gaano kalaki ang problema sa buhay, nawawala ang bigat dahil sa pagmamahalan namin sa isa't isa. Lagi nilang sinasabi na sila ang lakas ko, pero ang totoo, sila ang nagbibigay ng dahilan para magpatuloy ako.

Pagkatapos naming kumain ng hapunan, mag-iigib si Papa ng tubig, at si Mama, kukunin ang gitarang matagal nang hindi ginagamit. Umupo siya sa maliit na bangko sa harap ng bahay, sa ilalim ng punong mangga na itinanim nila noong bata pa ako. Ang malamig na simoy ng hangin, kasabay ng paghalik ng dapithapon sa aming maliit na bakuran, ay parang yakap ng kalikasan sa aming simpleng buhay. Sa bawat hampas ng hangin, dinadala nito ang mga alaala ng masayang kabataan ko, kasama sila—ang mga kwento ng aming pagsasama, pagtawa, at simpleng kaligayahan.

Wave's of Fate Where stories live. Discover now