Chapter 1

5 0 0
                                    

"Hindi ko nga 'yon crush, bat ba ang kulit mo?" irita kong tugon sa paulit-ulit na tanong ni Maverick.

Last week kase ay in-assume ng blockmates namin or should I say ng mga 'chismosa' na may gusto raw ako kay Jeanne Patrick C. Velasco. Ang lalaking pinagpala. Cliché man as it may sound pero totoo talaga. He's part of the Dean's list and never na-remove doon, representative ng Second Year of Business Administration, and part pa siya ng Men's Volleyball team ng university.

"Grabe ka daw kase makatitig sa kanya kanina and you even volunteered to assist him sa org," litanya niya nang hindi inaalis ang kaliwang kamay sa bewang ko.

Itong makulit naman ay si Liam Maverick B. Cortez. He's the only closest male friend I have since our Senior High School days. Part din siya ng Men's Volleyball Team. I did not even want to befriend him dahil super ingay. Mostly girls ang friend ko because I'm more comfortable with them than with boys, but it was late when I found na almost every time na kami nitong magkausap.

Anyway.

"Excuse me, it's our responsibility na tumulong ano. Part tayong lahat ng org and besides, how did my staring and my volunteering naging proof na gusto ko si Pat?" sinubukan kong alisin yung kamay niya dahil any moment baka bumulagta ako rito sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero mas hinigpitan pa ng siraulo.

"Tingnan mo may nickname ka pa sa kanya, how in the world did the two of you became close?"

May mga bagay talagang madaling mag-summon ng galit ko. Isa na ang bestfriend ko.

"Bahala kayo sa gusto niyong isipin, not like I will earn money from that. Pwede ba Mave yung kamay mo, nakikiliti akong bwisit ka!" inis kong sabi kase hindi ko na kaya, bingi na yung tenga ko sa tunog ng puso ko at feeling ko nilagyan na ako ng blush tulad ng kay Sasa Girl sa pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Tinanggal na niya at last kase uupo na kame sa cafeteria. Ano, hanggang pag-upo may seatbelt?!

Per usual, siya na naman ang bumili ng pagkain ko dahil napapayatan at naliliitan yan siya saken. Eh hindi naman niya ako kasing takaw. Hindi naman ako actually maliit, I'm 5'4" while he's 5'11". Oh, maliit ba yan?!! Sadyang matangkad lang ang papa niya at namana niya ang height dito.

Hindi niya yata kilala sinong kaharap niya. Kayang kaya ko kaya siyang itumba-gamit ang baril-kidding.

"So hindi mo talaga crush 'yon?" ulit niya.

Mamumura ko na lang talaga to dahil paulit-ulit. Hindi ako magkakagusto kay Patrick dahil matagal nang nabihag nitong sirang-plaka na to ang puso ko.

Yes, I have romantic feelings for my bestfriend. Cringe? I know. It started noong Grade 12 kame. I tried distracting myself para lang hindi yon maramdaman. Ilang na ilang ako sa kanya talaga, pero disguise yong pagiging masungit ko sa kanya to mask it.

Though alam niya na ganon talaga ako sa mga lalaki, ilang at iwas kaya hindi niya talaga malalaman na siya ang tinitibok ng puso ko. Na ngayon ay tinitibok na rin ng ulo ko sa galit dahil tinawag niya si Patrick at pinaupo pa sa tabi niya.

Gusto kong bigwasan right now itong nang-aasar na tingin ni Mave.

"Bro, 'san si Brix?" tanong ni Mave kay Patrick nang maka-upo na ang huli.

"Nasa room pa bro eh, sinusuyo girlfriend niya," si Patrick sabay tingin sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung ngingitian o kakawayan ko ba pero ang siguradong nagawa ko ay mag-iwas ng tingin. Hindi ako komportable as in.

"Hi Eleazel! Bukas na pala yung briefing sa mga gagawin sa org," tango lang ang isinagot ko sa sinabi ni Patrick.

Binilisan ko ang pagkain dahil biglang babae na ang naging topic nila. Nakalimutan ko palang sabihin na magtropa ang dalawang ito. Parehong manlalaro ng Volleyball at ng puso ng mga babae.

Tumayo ako at ibinalik ang tray sa counter. Bitbit ang bag ay hindi nako nagpaalam na aalis at hinayaan na ang dalawa kasama ang mga tropa nilang nagsidatingan.

Palabas nako ng door nang biglang humabol si Patrick. Diretso lang lakad ko at hindi siya dinadapuan ng tingin.

"Anong oras matatapos last class mo? Invite sana kita, may practice team namin later sa gym. Aren't you bestfriends with Mave? In-invite ka na ba niya?"
Sunod-sunod niyang tanong.

"Yes, he's been pestering me with that kaya I have no choice, I'll be watching your practice."
Paakyat nako ng hagdan nang bigla namang may pumulupot na kamay sa bewang ko.

What's with these people today, bigla-bigla at walang pasabing nanghahawak. Si Maverick pala with his usual cheeky smile plastered on his face. Ang gwapo talaga tangina.

"Huy! Muntik nako malaglag ano ba?" Saway ko sa kanya. Kinurot ko ang biceps niyang mala-bato sa tigas at talaga namang nanginig ang kalamnan ko nang bigla niya akong paluin sa pwet.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kakulitan ng hayop na si Maverick. Nakakahiya, mabuti sana kung walang tao eh. Hindi talaga kilig ang naramdaman ko, ibayong hiya. Kaya naman tinakbo ko na ang classroom at umupo sa bakanteng seat na napapagitnaan ng dalawa naming blockmate para hindi ako matabihan ni Mave.

Natapos ang klase na hindi ko pinapansin si Mave. Inis pa rin ako sa ginawa niya. Bumili akong art materials dahil vacant ang last class at may emergency si Doc(our Instructor) at pagkatapos ay dumiretso ako sa gym.

Hindi ko inaasahan ang pangyayari na mas nagpasama ng noo'y irita ko ng nararamdaman sa tinatangi ng aking puso.

Say It AgainWhere stories live. Discover now