Chapter 4

24 0 0
                                    

(R18+ ahead)

"Matataas po pamilya namin," sabi ko.

"Hahaa, sige, magpahinga ka na. Papadalhan na lang kita ng pagkain kay Arne."

"Salamat po." At pumasok na ako sa kwartong pinanggalingan ko.

Hindi pala kalakihan itong kwarto; mas malaki pa ang kwarto ko sa mansion kaysa dito. Pero okay na rin—may isang sofa, isang kama, isang mesa, at isang silya.

Nilibot ko muna ang kwarto at sinuri ang paligid. Ang kama, hindi malambot; yung kama ko, bouncy eh, pero mapagtityagaan na rin. Binuksan ko ang isang pinto, maliligo na lang ako. Pumasok ako sa banyo at naligo; may shower dito, hehe, maganda! At ang salamin, kita ang refleksyon ko. Kinuskos kong maigi ang katawan ko, lalo na sa private part ko. May toothbrush dito kaya nag-toothbrush ako. Ah, yung mouthwash ko pala—lagi akong may dalang personal na gamit. Kinuha ko muna ang mouthwash ko at ginamit. Pinatay ko na ang tubig nang matapos ako. Walang robe? Hayst, nagtapos na lang ako ng tuwalya at lumabas.

Magsusuot na ako—patay! Wala nga pala akong dalang damit! Anong susuotin ko nyan?! Walang damit dito. May kumatok kaya binuksan ko ang pinto.

"Pasok ka."

Si Arne pala.

"Bakli?" tanong ko habang nagkukuskos ng buhok na basa pa.

"Ah, wala lang. May abs ka pala, hindi halata ha," sabi niya.

"Bakit, ikaw, wala?"

Tinaas niya ang damit niya. Hahaa, maliit!

"Tinatanggihan mo dyan! Hoy! Hindi basehan ang abs at ganda ng lalaki noh! Psh, ikaw nga mukhang buhay na doll."

"Gwapo naman!"

"Yabang! Oh, itong pagkain mo, kumag!"

"Makakumag toh! Arne! Pahiram pala akong damit, hehee."

"Kapal mong kumag ka ah! Wala, ayokong magpahiram! Bahala ka dyan!" sabi niya na aalis. Hahaa, mataas ako sa kanya ng unti.

Pinigilan ko siya at hinawakan sa braso.

"Pahiramin mo na ako pre! Sorry sa nagawa ko kanina... pasensya na talaga," sabi ko.

Pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang lambot ng kamay mo ah," sabi niya tapos hinawakan ang balat ko sa braso.

"Whoa! Naol! Makinis at madulas ang balat!"

"Gwapo nga eh," sabi ko nang nakangiti.

"Psh, yabang!" sabi niya sabay hampas sa tiyan ko.

"Pahiram na nga kasi pare," sabi ko.

"Aba, sumunod ka, ikaw ang kumuha."

"Ikaw ba lalabas akong nakaganito?!!"

"Oo!"

At lumabas na siya. Gago, palalabasin ako ng nakatapis. Wala naman akong ibang masusuot. Binuksan ko ang pinto at sumilip.

"Hoy! Dito lang ang kwarto ko!" sabi niya. Ah, dalawang kwarto lang ang layo, buti malapit. Nag-ssh ako sa kanya at dala ko ang bag ko na nagspeed doon.

"Dapat kinuha mo na lang ako," sabi ko na sinara ang pinto at humarap sa kanya.

"Ah, butiki!" gulat kong ani na napasandal sa pinto!

"Akala ko mag-isa ka lang!" sabi ko.

Kasi may kasama siyang tatlong lalaki at dalawang babae. Nakatitig sa akin yung dalawang babae. Nakakahiya naman ako.

CLINT: Harem in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon