PART 1- vacation turn to disaster

91 2 1
                                    

While on the lawn.

“ Iha, ano na bang plano mo sa buhay mo?” Don Alfonso.

“ What do you mean Pa?” Charlotte. Heto na naman po tayo. Alam ko na naman tong topic na to e.

“ Ang ibig sabihin ng papa mo ay kung kailan ka ba mag- aasawa. Anak, maawa ka naman sa amin ng papa mo. Tumatanda na kami, gusto rin naman naming makalaro ang mga apo namin sayo.” Donya Esmeralda.

“ Can’t you understand my dearest parent? Im waiting for the right guy. Ayoko naman na kung sinu-sino lang diyan noh.” Charlotte.

“ We’re just worried Iha. You’re not getting any younger kahit kami. We just want to see you got married. Why don’t you try to date the son of our business partner, what’s his name again?” Donya Esmeralda.

“ I don’t have plans on dating that guy. Alam niyo ba kung gaano siya kayabang? Duh! Akala mo kung sinong napaka- gwapo. Hindi ako makakatagal na makipag- usap sa kanya.” Charlotte.

“ Lahat naman ng ireto namin sayo may pintas ka. If that’s what you want. But be sure before your birthday next month ay may maipakilala ka na sa amin ha?” Don Alfonso.

“ Okey, deal. I have a strong feeling na malapit ng dumating si Mr. Right.”Charlotte.

“ But if Mr. Right didn’t came, you will consider our suggestion of dating our business partner sons.”Don Alfonso.

“ Fine, basta promise me na kahit sinong ipakilala ko sa inyo, you will accept him kahit sino at kahit san pa siya galing.” Charlotte. ( what will i do? I only have 6 weeks to find him,haizt help me Lord.)

=====================================================================================

At the mall with her BFF

“Cha, join ka sa akin.” Mildred. Ang pinaka hyper niyang bestfriend.

“ Saan naman yan?” Charlotte

“ Out of town. Mag island hopping tayo. Enough na muna sa work kahit one week lang. You know naman kung gaano nakaka- stress sa office. Tutal kakatapos lang ng fashion show. Time naman siguro para magrelax.” Mildred.

“ Saan naman?” Charlotte. Game din dahil totoong nastress sila masyado sa huli nilang project.

“ Sa Cam.Sur, sabi nila maganda daw ang mga island dun. Ano join ka? Para makapagpabook na ako ng flight ppapunta dun.” Mildre.

“ Okey. Best pwede bang ikaw na mag- asikaso ng pagpunta natin doon? May mga tatapusin pa kasi ako sa office e.” Charlotte.

“O sige, kaw pa e ang lakas mo sa Globe.” Pabiro nitong sagot.

After a week ay natuloy nga sila sa out of town vacation nila. Nagrent sila ng villa sa isang sikat na resort sa Caramoan.

“ Ang ganda dito noh. Relaxing ang ambiance. Ang sarap sigurong tumira dito noh? Masyado nga lang expensive. Buti ikaw keri mo to friend. The sole heiress of Gonzaga Group of Company.” Nang- aasar na banat ni Mildred sa kanya.

“ Im not into business, you know that. I love Fashion. It’s who I am.” Balewala niyang sagot.

“ Naku friend, kung ako ikaw, tatanggapin ko ng buong puso at yayakapin ko pa. Kasi hindi naman mayaman ang family namin. You know naman, life is not fair.” Mildred na medyo emotera.

“ Hindi naman lahat ng bagay ay kailangan ng pera, pag nasa isang isolated na lugar ka, money is not important. Diskarte ang kailangan para ka mag- survive, diba?” Charlotte.

“ Yeah you’re right, pero sa sitwasyon natin na lahat ng nakapaligid sa atin e need ng takwarts noh.” Maarte pang sagot nito.

“ Okey fine. Let’s stop this money topic thing. What do you plan this afternoon ba? I thought we’re gonna go island hopping?” Charlotte.

“ Yeah, pero bukas pa yun, may offer silang dinner sa yacht. Habang nililibot ang buong island. Gora ba tayo o room service na lang?” Mildred.

“ I think maganda yung dinner while sailing. What do you think?” Charlotte.

“ Okidoki. So magpapareserve na ako. Then rest muna tayo. Medyo maaga pa naman.” Mildred.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

At the Yacht

“ Wow ah, nahiya naman ako sa suot ko.” Mildred na inaasar na naman siya.

“ Bakit naman? E simple dress lang naman ang suout ko. Ikaw nga itong bongga.” Charlotte. Natatawa siya dahil parang aattend ng party ang bestfriend niya.

“ Kaya nga. Bongga na nga ang suout ko. Ikaw pa rin ang stunning ngayong gabi. Look at them. Halos lahat ng nandito sayo nakatingin. Kahit ano yata isuot mo, agaw- pansin lagi.” Nakapout nitong litanya.

Aminado siyang agaw- pansin siya kahit saan siya magpunta. Kasi sa mamula- mula niyang balat, sa taas niyang 5’9” ay masyado ng matangkad para sa isang babae. Kaya ng hirap siyang makahanap ng boyfriend dahil isa sa pinakamahala niyang basehan ay ang height.

“ Just don’t mind them Best. Let’s just enjoy the view.” Charlotte na walang pakialam sa litanya ng kaibigan.

Maganda kasi talaga ang tanawin,dinagdagan pa ng papalubog na araw. Na-inlove talaga siya sa nakikita. Nang biglang umulan ng malakas. Kaya nagmamadaling pumasok ang mga tao. Hinayaan niya lang na mauna ang mga ito sa loob at sumilong lang siya sandali sa gilid para hindi mabasa ng mabangga siya ng isang lalaki at nahulog siya sa boat.

Sigawan ang mga tao ng makitang may babaeng nahulog. Nataranta si Mildred at hindi na alam ang gagawin. Umiiyak siya habang nakikiusap na iligtas ang kaibigan niya. May mga nagmagandang loob na tumulong pero bumalik din agad dahil sa lakas ng alon. Hindi na nila nakita ng gabing iyon si Charlotte.

PARADISE ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon