Matapos ang araw na iyon ay hindi pa rin sumuko si Hiraeth, sana’y na siya sa ganoon. 20 years old pa lamang siya ay nagta-trabaho na siya kasabay ng pag-aaral niya kaya’t hindi na bago ang ganoon sa kanya, 28 years old na siya at hindi siya hihinto sa paghahanap ng trabaho ng ganoon-ganoon lamang, hanggang isang araw ay nagising na lamang siya dahil sa tunog ng cellphone niya.
“Hello?”
“Hi! Magandang umaga, ito ho ba si Hiraeth Elayne Lacuna?”
“Oho, ano ho ang kailangan nila?”
“Available ka ho ba bukas? Maaari sanang pakihanda na ng mga requirements mo at pakipasa iyon bukas sa amin.”
“Sino ho sila?”
“Ah, pasensya na, nalimutan kong magpakilala. Alice po, from Tacenda Group of Company.”
“Tanggap ho ako?”
“Opo ma’am, kung maipapasa niyo bukas ang mga requirements ay maaari na kayong makapagsimula.”
“Okay po, maraming salamat!”
“Walang anuman ho,”
Pagkapatay ng tawag ay agad niyang tinawagan si Asramae.
“Asraaaa! Omyghad! May goodnews akooooo!”
“Teka! Huwag kang sumigaw! Nabibingi ako!”
“Ay sorry! HAHAHAHA!”
“Oh siya, anong meron?”
“May trabaho na akoooooo!”
“Saan?”
“Hulaan mo!”
“Saan nga? Wag mo kong paghulain, kagigising ko lang!”
“Sa Tacenda!”
“Tacenda?”
“Oo!”
“Ha? Paano nangyari yon?”
“Ewan ko din e, pero tumawag ngayon-ngayon lang, magpasa na daw ako ng requirements bukas at pwede na akong magsimula.”
“Iba din ang sapak ng utak ni Enigma Kalon Tacenda ano?”
“Hindi naman kasi siguro siya ang pumili.”
“Nalimutan ko bang sabihin na ang balita, si Enigma Kalon Tacenda mismo ang umuupo para mag-interview at pumili ng aplikante para maging sekretarya niya?”
“Kung ganon, mukhang wala na akong mukha na maihaharap sa kanya.”
“Magpanggap ka na lang na hindi mo naaalala ang lahat, tapos alamin mo na rin kung bakit sa lahat ng aplikante, ikaw pa ang napili. Anyway, babalik muna ako sa paghimlay, gisingin mo ko pagkailangan mo ng tulong o kasama ha.”
“Thank you, sleepwell!”
Pagsapit ng kinabukasan ay maagang pumasok si Hiraeth.
“Hiraeth Elayne Lacuna, tama?”
“Opo.”
“Ako yung nakausap mo sa telepono, Alice Cynthia Barcelona.”
“Magandang umaga, Ms. Alice.”
“Nako, Alice na lang. Anyway, handa ka na ba?”
“Oo naman po,”
“Nako, siguro naman hindi mo iniisip na madali lang maging sekretarya ng isang Enigma Kalon Tacenda ano?”
“Bakit ka ho bumubulong?”
“Mahirap ng marinig, hindi mo ba alam na iniilagan siya ng lahat?”
“Iniilagan?”

BINABASA MO ANG
Shrouded Voices | Lies Between Lines Series #8
RomanceThey say, a liar don't deserve to find a true love but if a liar has to lie just to hide the most painful piece of his heart, would you risk to give a shot?