Rain's
Kasama ko si Shanaya na nagj-jog sa may BGC, naglalakad lakad muna kami para huminga nung nakita ko syang naka cellphone at parang may kausap.
for sure, si Gideon kausap neto, pati ba naman sa gala namin ako pa rin pala third wheel?? hindi nagpa awat? awa nalang sa single.
“shan, paawat ka naman oh? pati ba naman sa gala natin kahati ko pa rin si Gideon?” pag tampo ko sa kanya binaba nya naman agad yung phone nya at tumawa.
“tama nga lang na tawagin ka namin nina ate Adi na bunso, napaka clingy mo.” pang aasar nya pa.
“excuse me? ilang months lang ang pagitan nating dalawa! two months lang ang pagitan natin noh, hello?” irap ko sa kanya.
“nga pala, nalaman ko kay ate Adi na nagiging close na daw kayo ni Lim?” tanong nya habang nakatingin sa akin.
“I mean, yeah? we're closed na especially this past few weeks.. bakit?” sabi ko sa kanya.
“alam mo? si Lim? she's not that good on socializing daw sabi ni bebe. she's quiet and priority nya volleyball, ni hindi nga raw yan masyadong active sa social media tapos kapag nim-mention lang nagr-reply sa mga chats sa gc nila.” pag kwento nya.
“oo nga, shinare nya yun sa akin, na hindi nga raw sya marunong makipag socialize kasi awkward daw.” tawa ko at natawa naman si Shanaya.
“do you like her ba? or is it too early to tell?”
napatingin nalang ako kay Shanaya at hindi na nakapagsalita.
It's been a few weeks since we started talking, yes it feels nice having new people around me na hindi lang sina ate Adi, Yana, Shan or si Sab. it's nice rin knowing MJ, she's fun to be around with and I feel safe around her.
but do I like her? I've been convincing myself na me and MJ are just platonic.
“it's too early to tell..” bulong ko, at nakita ko naman si Shanaya na biglang kumunot noo.
Shanaya's
Nakita ko yung mukha ni Rain nung binulong nya yun, kitang kita ko rin na medyo nagaalinlangan sya sa mga sasabihin nya.
Knowing Rain, lagi nyang pinipressure sarili nya even sa mga decisions na ginagawa nya especially sa life. Lagi dapat kapag nag decision sya maayos at hindi sablay, dapat mabilis kaya minsan, nasasaktan talaga sya.
“Rain..” tawag ko sa kanya.
“don't be too hard on yourself.. it's okay to feel confused sometimes. diba nga sabi ni ate Adi? hindi mo kailangang mag desisyon agad lalo na kapag hindi mo naman talaga alam kung paano gagawin?” bigla syang tumingin sa akin.
“ang serious mo naman masyado! tara na nga!” Pilit nyang sabi at bumalik sa pag takbo.
~~~~~~~
medyo nagtagal din kami sa kapehan para magpahinga at nakita ko si Rain na medyo namumutla.
“okay ka lang? Uwi na kaya tayo, namumutla kana ‘e.” sabi ko sa kanya.
“shan.. tignan mo nga yung ano.. yung inhaler ko sa bag if nandyan.” sabi nya sa akin.
medyo napapansin ko na rin kasi na medyo hirap na si Rain huminga, base palang dun sa taas baba ng dibdib nya hindi na normal.
agad kong kinuha yung bag nya at ang nakita ko lang is yung phone nya, towel, tissue at kung ano ano pero yung inhaler nya wala.
“wala dito yung inhaler mo, saan mo nilagay?” pag alala kong sabi.
“si ate s-shan.. pakicontact..” hirap nyang sabi, agad ko namang kinuha yung phone ko at tinawagan si ate Adi.
agad naman sumagot si ate at narinig ko yung boses nya sa kabilang side ng phone.
“oh, shan? bakit?”
“ate adi, si Rain po kasi.. namumutla parang inaatake po sya ng hika, wala po syang dalang inhaler dito.”
“tinignan mo ba ng maayos?”
“opo ate Adi wala po talaga dito..”
“sige open mo location mo, pupuntahan ko kayo, as of now please bigyan mo ng tubig o itapat mo si Rain sa mahangin.”
“sige ate Adi..”
Binaba ni ate Adi yung call at binuksan at sinend ko agad yung location ko sa kanya habang kinuha ko yung e-fan ko at tinapat ko kay Rain.
“padating na si ate Adi okay? hintay lang tayo.” sabi ko sa kanya, nakita ko naman na paunti unti yung hinga at hirap talaga syang huminga, pinunasan ko rin sya ng pawis at patuloy hinihimas yung likod nya at nagdadasal na sana makatulong yung ginagawa ko.
YOU ARE READING
Our Angel
RomanceCome join the journey and the story of Addison Arceta's little sister, Rain Arceta. A short story.