CHAPTER 20: Revealed

539 19 1
                                    

Hindi na bumalik pa ang mga group mates ko at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami ng D’Beasts sa booth. Simula nang kumalat ang balitang may na-food poison matapos kumain ng pagkaing tinda namin, wala nang kahit isang customer ang nagawi rito. Ang ilang nagbabalak ay hinaharang pa ng ibang mga estudyante sa paligid habang nagbubulangan ng kung ano, tapos ay bigla na lang silang aatras. Doon pa lang, alam ko na kaagad kung anong sinabi ng iilang mga nakatambay malapit sa amin. Ilang ulit na ganoon hanggang sa inabot na kami ng hapon.

“Sabi ko naman sa inyo, puwede na kayong umalis. Ako na lang ang maiiwan dito para bantayan ang mga gamit namin. Mamaya ay magliligpit na rin naman ako,” sambit ko habang nakaupo at tina-tap ang mga daliri sa lamesa. “Hindi na kayo nakapanood sa field. Balita ko pa naman malakas ang soccer team natin ngayon.”

“Ang init, Seven. At saka, ayaw ko munang makipagkapwa-tao ngayon.”

“Who would want to go when all I’m thinking is still what happened with those dumbass?” iling ni Bry. “Wait, you know what? I change my mind. I think I should go. Aalis muna ako ng school, I have to go somewhere else.”

Nagtaka ako kung saan siya pupunta at bakit kailangan niyang umalis ng school. Gusto ko pa sanang magtanong nang kaagad na siyang tumayo at sinuot ang crossbody niyang bag bago naglakad palayo. Nevermind, baka na-miss lang bigla si Top kaya naisip dalawin. He’s always like that kaya hindi na ako magtataka.

“Seven, I have a question…” seryosong tanong ni Tan kaya napatuon ang atensyon ko sa kaniya. “Hindi naman sa gusto kong ipaalala ulit ang naging sagutan niyo kanina ng mga ka-grupo mo pero gusto ko lang malaman kung anong mangyayari sa grades niyo after discontinuing this booth? A-Are you going to fail this subject?”

Bumuntong-hininga ako at mapait na ngumiti. “I guess so. Noon pa naman kasi ay nasabihan na kami tungkol dito. I don’t think our professor is kind enough to let us pass despite what happened. That’ll be unfair for other groups.”

“Pero kung sakaling nagsisinungaling si Wesley at napatunayang tama ang hinala natin, may chance ba na makapasa pa rin kayo?”

“Siguro puwede naming mapakiusapan ang prof kapag ganoon nga. Isang linggo naman ang celebration ng sports kaya kapag lumabas kaagad ang totoo, may natitirang araw pa kami para magtinda ulit at bumawi.”

Iyon ay kung makakabawi pa ba kami. Baka nga kahit mapatunayang wala naman akong kasalanan ay wala na rin bumili sa amin.

“Then we have to do something now. Habang mas maaga pa, we need to find out the truth,” tugon ni Damien. “I’ll talk to the dean right now to get some info about what really happened and why they’re not taking action when this issue is something we shouldn’t be sleeping about. Give me the samples of all the remaining food, and I’ll let it be tested if it’s possible.”

“Ayaw na ayaw ng school admin na masira ang reputation ng school and yet wala silang ginagawa para malinis ang pangalan mo. Kahit sa social media, kalat na ang nangyari,” dagdag pa ni Akiro habang umiiling-iling. “Sasama ako, Damien. You know, two heads are better than one.”

“Talagang sasama ka sa akin. Kailangan ko ng moral support. Besides, I already have two heads; you have too. So I guess four heads are better than two.”

I almost laughed while listening to their conversation. Maya-maya pa ay umalis na rin silang dalawa. I thought they weren’t serious, but they are. Ang sabi nila ay babalik daw sila mamaya para sa update. Nang kami na lang ang natira, inumpisahan ko nang isa-isahing ligpitin ang mga kalat para puwede na naming iwan ang booth mamaya. I just have to keep all the things that can be stolen. Ang ilan pa naman sa ginamit naming pangluto ay mga gamit namin sa bahay.

DBS#4: Ceasing the RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon