PROLOGUE

528 4 1
                                    


"LET'S break up, Charlene."

Parang bombang sumabog sa tainga niCharlene ang mga salitang narinig mula sa nobyong si Jude.

Binitawan niya ang hawak nakubyertos at mangiyak-ngiyak na sinalubong ang mga mata ng kaharap.

"J-jude, I don't understand."Hinawakan niya ang kamay nito sa ibabaw ng mesa. "W-why are you breaking upwith me?"

"I'm sorry, Charlene..."

"What went wrong wrong? May nagawaba akong mali? May naging kasalanan ba ako sa'yo? Tell me, please!"

"It wasn't your fault, Charlene. Itwas mine."

Mariing kinagat niya ang ibabanglabi at pumikit. Muli niyang naramdaman ang pamilyar na kirot sa puso niya.

Hindi niya inaasahang maririnig angpamilyar na linyang iyon kay Jude.

Sa loob ng halos isang at kalahatingtaong pagsasama nila ni Jude bilang magnobyo ay maayos naman ang takbo ngrelasyon nila. Kaya naman labis na ikinabigla niya ang panlalamig sa kanya ngbinata nang magkita sila nang gabing iyon sa restaurant kung saan siya madalasdalhin ng lalaki.

Bumuntong-hininga ang lalaki. "I'msorry, Charlene...Hindi kita gustong saktan."

"May ibang babae ba, Jude?" tanongniya sa binata.

Mariing umiling ito. "Wala,Charlene."

Mariing tiningnan niya si Jude bagobumuntong-hininga. Alam niyang nagsasabi ito ng totoo. Wala sa karakter ni Judeang mangaliwa. Masyado itong mabait para gawin ang bagay na iyon.

In fact, sa loob ng isang taongrelasyon nila, kahit minsan ay hindi pa sila nag-away ni Jude. Smooth-sailingang pagsasama nila. Mabibilang lang sa daliri ang pagkakataon na nakita niyangnagalit ang lalaki. Palagi itong mahinahon kung magsalita.

"Then, what Jude?" Lumunok siya.Nahihirapan siyang maghanap ng dahilan kung bakit nakikipaghiwalay sa kanya anglalaki.

"I can't love you anymore,Charlene..." Pinisil nito ang kamay niya. "Not anymore when I decided to go toseminary."

Pansamantalang umurong ang mga luhaniya sa narinig. "Nagbibiro ka ba, Jude? Ikaw, papasok sa seminaryo?" hindimakapaniwalang bulalas niya.

"Hindi ako nagbibiro, Charlene,"seryosong sagot nito. "Gusto kong pumasok sa seminaryo. Gusto kong maglingkodsa Diyos."

"Pero...paano ang trabaho mo?"Architect si Jude sa construction firm na pag-aari mismo ng pamilya nito. Hewas renowned in his career. Paano nito magagawang iwanan ang trabaho nito paralang pumasok sa seminaryo? "Ang career mo?"

"Wala akong magagawa kundi talikuraniyon."

Lalo siyang nabigla nang pagmasdanang seryosong mukha ni Jude. Wala siyang makitang kahit na katiting na bakas ngbiro roon. Kung ganoon ay talagang hindi nga ito nagbibiro.

Kaya pala...kaya pala napakabait nglalaki. Kaya pala ganoon ang ugali nito.

"I'm sorry, Charlene..." sinserongwika ni Jude. "Mahal kita...pero mas mahal ko ang Diyos."

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nangbumagsak ang luha sa mga mata.

"Charlene, I'm so sorry. Don'tcry..."

Bago pa dumapo ang kamay ni Jude sapisngi niya ay iniwas na niya ang mukha. "Ano pa bang magagawa ko...Hindi namankita mapipigilan sa pagpasok mo sa seminaryo..." mapait na sambit niya.

Gusto niyang intindihin si Judesubalit hindi niya magawa dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdamanniya.

Parang pinipiga ang puso niya sasakit. Mas gugustuhin pa siguro niya kung ipinagpalit na lang siya ni Jude saibang babae. At least, kung ganoon ang sitwasyon ay may karapatan siyangmagalit sa lalaki.

HEARTBREAK GIRLS SERIES BOOK ONE:HEARTBREAK NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon