CHAPTER TWO

201 4 1
                                    


"WHY did you come back—"

Benedict stopped midsentence when instead of Leonard, a crying woman entered his friend's clinic.

Napatayo siya mula sa sofa nang diretsong lumapit sa kanya ang babae.

"Doc!" She looked at him with her eyes full of tears. "Doctor Ocampo?"

Bahagyang kumunot ang noo niya. She thought he was Leonard. Kung ganoon ay pasyente ng kaibigan niya ang babaeng ito?

"Miss—" Bago pa niya maitama ang maling akala ng babae ay humagulgol na ito ng iyak.

"Doc...bakit ganoon? Bakit silang lahat may lovelife? Bakit ako, wala?"

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya sa litanya ng babae. Was this girl insane?

She's not going to a psychologist if she's okay, his mind answered him in a sarcastic tone.

Bumuntong-hininga siya. "Miss... calm down." Hinawakan niya ang balikat ng babae.

Inalalayan niya papunta sa session room ang babae. "Maupo ka muna." Pinaupo niya ito sa sofa bago siya pansamantalang tumalikod para kumuha ng tissue at isang baso ng tubig.

Hindi man niya pasyente ang babaeng ito, bilang isang doktor ay natural na sa kanya na siguruhing nasa maayos na lagay ang lahat ng pasyenteng nakakasalamuha niya.

"Miss, uminom ka muna ng tubig." Magkasabay na ipinatong niya ang isang baso ng tubig at tissue sa coffee table.

Huminto sa pag-iyak ang babae. Ipinatong nito ang hawak na cell phone sa coffee table at kinuha ang tissue. Siya naman ay nanatiling nakatayo malapit sa pinto ng session room.

Habang pinupunasan ng babae ng tissue ang luhaang mukha nito ay doon niya napagtuunan ng pansin ang mukha ng babae.

This lady was beautiful. She had a pair of brown, almond shaped eyes. A pointed, cute nose. A pair of pink kissable lips.

Her long and silky hair was cascading freely on her shoulders.

Even in bloodshot eyes and red nose, she still looked so pretty.

The moment she turned to him, their eyes locked with each other. And he instantly felt a jolt of electricity traveled through his veins.

"D-doc, sorry kung masyado akong naging emosyonal," mahinang usal ng babae. "Hindi ko lang talaga napigilan."

He inhaled a sharp breath before sitting on the couch across her. "It's okay. I understand, Miss..."

"Charlene...Tolentino," she added.

"So, Charlene, why did you came here? May problema ka bang gusting ikonsulta?"

What the fuck, Benedict? Don't tell me you're going to play shrink in front of this girl?

He sighed inwardly. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa sarili niya. Dapat ay tinawagan na niya si Leonard para sabihing dumating na ang pasyente nito. Subalit sa halip na gawin iyon ay heto siya ngayon at nakaupo sa harap ng babae.

He didn't know why, but a part of him wanted to know the story behind this beautiful lady's tears. He badly wanted to know...

"Doc, hindi ko alam kung saan ko uumpisahan," tila naguguluhang wika nito.

"Start it from the start, then," kaswal na sagot niya.

Huminga ito ng malalim bago nagsimulang magkuwento.

"All of your boyfriends dumped you?" Hindi siya makapaniwala sa narinig.

Tumango ito habang pinupunasan ng tissue ang sulok ng mga mata nito. "Ang malas-malas ko sa lalaki, Doc. Lahat na lang ng lalaking makilala ko, sinasaktan ako."

HEARTBREAK GIRLS SERIES BOOK ONE:HEARTBREAK NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon