His:
Nakatayo ako dito sa gate at hinihintay yung best friend na si Maureen.
Oo babae siya.
Siya yung babaeng ubod nang ganda at bait. Makulit din at maingay. Magulo siyang kasama at masakit minsan sa ulo. Payat din siya at hindi katangkaran. Trying hard siyang sumayaw at feel na feel niyang maganda yung boses niya kahit hindi naman talaga.
Yes, she is my best friend.
She's imperfect.
She has flaws.But still I love her.
"Cyriiiiillllllllllllllll!" Oh alam niyo na kung sino yun? Syempre ang maganda kong best friend.
"Oh? Ang hyper natin ngayon ah!" Tanong ko sa kanya.
"Syempre naman! Masaya ako eh!" Dapat lang! Gusto ko lagi kang masaya.
"Talaga? At bakit ka naman masaya?" Sana ako yung dahilan kaya ka masaya.
"Kasiii..." Mahilig talaga yan mambitin ng sasabihin. "May boyfriend na ako! Yiie!" Sigaw niya at saka nagtatalon sa tuwa.
I was stunned! Ang sakit. Ang sakit sakit pala na may nagmamay-ari na pala sa kanya.
Mahal ko siya noon pa, pero hindi ko lang masabi dahil natatakot akong layuan niya ako. At ngayon nga may boyfriend na siya, ang sakit pala talaga.
"Oyy tumahimik ka na diyan? Hindi ka ba masaya para sa akin?" Nginitian ko lang siya bilang tugon. Ayoko ng magsalita dahil baka maiyak lang ako.
Tangina! Kabaklaan man pakinggan pero mahal ko talaga siya.
"Oyy di mo man lang ba itatanong kung sino boyfriend ko?" No, ayoko. Masyado ng masakit kaya wag mo nang dagdagan pa, please.
"Halika na, mali-late na tayo." At nauna na akong lumakad.
Salita pa rin siya ng salita pero hindi ko na lang siya pinapansin dahil nag-iisip ako.
Iniisip ko kung papaano kaya kung nagtapat ako sa kanya? Kami na kaya ngayon? O baka iniiwasan niya na ako kung nagkataon?
Ang dami kong katanungan na hindi ko man lang mabigyan ng kasagutan.
Bakit ganun?
Lumipas ang klase ng wala man lang akong naiintindihan dahila ang lintek na puso ko ay nagluluksa! Tangina talagang kabaklaan to!
"Oy halika na! Lunch na oh." At hinila na ako palabas ni Maureen.
*Dug.. Dug.. Dug..* ayan na naman yung pesteng puso ko. Bumibilis na naman siya. Hayy bakit kasi ikaw pa ang minahal ko?
Nakaupo na kami't kumakain pero hindi pa rin ako tinitigilan sa pangungulit ni Maureen.
"Wala ka ba talagang planong malaman kung sino ang boyfriend ko?" Tanong na naman niya habang nakanguso. Oh please wag kang manukso! Hahalikan na talaga kita.
"Wala." Plain kong sagot kahit medyo nanginginig ako. Fck! Ako nanginginig? Sht!
"Eeeehhh naman Cyrill eh! Sige na itanong mo na."
"Ayoko." Please tama na Maureen. I can't take the pain anymore.
"Bakit ayaw mo?"
"Ayaw ko lang."
"Ah basta! Itanong mo na."
"Ayoko nga."
"Ayaw mo talaga?"
Umiling lang ako bilang tugon.
"Sige. Hahalikan ko na lang siya para malaman mo kung sino." WTH! Talaga bang gusto mo akong patayin sa sakit Maureen?
"You don't have to do that-" I was caught off guard when she kissed me. Hindi ako nakahuma kaya hihiwalay na sana siya when I pulled her closer to deepen the kiss. Tao lang ako at siya ang kahinaan ko.
Medyo nabitin pa ako nung humiwalay na siya. Ramdam na ramdam ko yung pamumula ng mga tenga ko! P*ta naman oh!
"Hahahahahahahahahaha.." Bakit siya tumatawa? Pinag ti tripan niya lang ba ako? Sana hindi. "Nakakatawa ang echura mo babe :D" babe? Tinawag niya akong babe?
"You mean?" Sana tama ang hinala ko.
Ngumiti lang siya at tumango.
"Yes!" Hindi ko mapigilang isigaw yun ng malakas.
"Hahahaha.. Ngayon alam mo na? I love you boyfriend ko." Sabi niya saka ako yinakap.
"I love you more girlfriend ko :)" at sinuklian ko ang yakap niya.
Best day ever.
Author:
This story is didicated to my Best friend Maureen and to his Ex na love niya pa rin. Hi bessy! :))