Noong tayo pa

43 5 0
                                    

I'd rather have bad times with you

Than good times with someone else

I'd rather be beside you in a storm

Than safe and warm by myself

Oh I'd rather have hard times together

Than to have an easy apart..

I'd rather have the one who holds my

heart.. Ohh woohh..

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang pinakinggan ang kantang ito ngayong araw.

September 13, 2015.

Yun yung petsa ngayon. Tutal linggo naman, andito lang ako sa kwarto at nagmumok-mok.

Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas mula nung naghiwalay tayo. Kamusta ka na kaya? Balita ko may iba ka na.

Nakaktawa lang dahil sa dalawang taon na yun, naghintay pa rin ako at umasang magkakaayos pa tayo.

Ano nga ba ang nangyari? Ang alam ko lang kase nun mahal na mahal mo ako kaya hindi ko alam kung papaano tayo nauwi sa ganito.

Di ba nga nung tayo pa eh hatid-sundo mo ako? Lagi nga akong tinutukso ng mga kaklase ko dahil ang swerte ko raw sa boyfriend ko; gwapo, matalino, mabait at mahal na mahal ako.

Noong tayo pa nga lagi kitang ipinagmamalaki eh! Ang sabi ko, "Mainggit kayo dahil ang swerte-swerte ko sa boyfriend ko. Ang taong hindi niyo kailanman makukuha."

Naalala ko din noong tayo pa eh napaaway ka dahil sa akin. Maiksi kase yung damit ko kaya nabastos ako, at ikaw bilang dakilang boyfriend, ipinagtanggol mo ako. Takot na takot ako nun, pero yakap mo lang pala ang nakapakalma sa akin.

Subalit pinagalitan mo rin ako nun kaya ako nagtampo sayo. Pero ikaw rin ang nag sorry kahit na ako ang may kasalanan. Mahal mo kase ako, di ba?

Ang saya saya ko naman noong tayo pa eh. Gustong-gusto ko ngang pagselosen ka noon kase ang cute-cute mong tingnan.

Noong tayo pa, lagi kong naririnig na perfect couple daw tayo. Ako nga rin akala ko perfect na talaga kahit alam kong ang dami kong kakulangan.

Tulad na lang noong first monthsary natin, nakatulog ako kaya hindi ako nakapunta sa usapan natin. Nag sorry naman ako pero nagalit ka kase pinaghintay kita ng pitong oras. Nasigawan mo nga ako nun eh kaya nagtampo ako sayo. Isang linggo rin tayong hindi nag-usap, pero end the end ikaw rin ang unang nag sorry.

Ang swerte ko talaga sayo dahil napaka understanding mo.

Noong tayo pa, lagi kang may surpresa sa akin. Naalala ko nga, laging mo akong binibigyan ng regalo tuwing monthsary natin, birthday ko, pasko, new year o kahit basta trip mo.

Pero ako? Wala akong maalalang naibigay sa iyo.

Noong tayo pa, alam kong minahal kita ng sobra pero alam ko ring di kita napahalagahan.

Noong tayo pa kase sinanay mo ako. Oo, sinanay mo ako sa presensiya mo. Sinanay mo ako na lagi kang nandiyan upang damayan ako. Sinanay mo ako sa pagmamahal mo. Kaya hindi ko na masyadong napansin na unti-unti na pala kitang napapabayaan.

Noong tayo pa kase, naging kampante ako kase alam kong secured ako sa 'yo.

Pero nakalimutan kong tao ka nga rin pala. Nakalimutan ko na sa bawat mali ko, sa bawat date na hindi ko nasisipot, o sa mga importanteng araw na nakakalimutan ko, at sa bawat lakad na late ako, nasasaktan ka pala dun. I'm sorry, ang selfish ko.

Noong tayo pa, hindi ako nag thank you, nag please o nagsorry. Napaka dominant ko.

Kaya kahit noong tayo pa, sumuko ka na. Napagod ka na at napuno ka na.

Naalala ko pa nga nun kung bakit ka nagalit. Anniversary kase natin nun, and as usual nakalimutan ko. Mga 8:30 pm na ng maalala ko. Nagmadali naman ako nung pumunta kaso huli na ako. May pumalit na pala sa akin.

Ang sakit! Ang sakit sakit lang palang makita ang taong mahal mo na may kahalikan na iba. Namamanhid ang buong katawan ko nun at nanginginig ako sa galit.

Sinugod ko kayo nun at pinagsasampal pero tinulak mo lang ako at dinaluhan mo yung babae. Natulala ako nun. Hindi ko kase expected na magagawa mo akong saktan.

I expected for you to say sorry. I waited for you to explain and tell me everything will be fine. But to my dismay, you didn't even said a word.

And wuth that, I cried. Tandang tanda ko pa nun kung papaano ako nagmukhang tanga, kung papaano ako ka pathetic at kung gaano ko kinamuhian ang sarili ko. Kase nag expect ako na lalapitan mo ako at yayakapin.

But again, I was disappointed by the thought.

"I'm sorry." You said in a cold voice na mas lalong nagpahagulhul sa akin.

Dapat maging masaya ako dahil nag sorry ka. Pero hindi eh.

I tried to make myself believe that you're saying sorry because you still want us to work things out.

Pero hindi eh. Kahit anong pilit ko, nagsusimigaw pa rin ang katotohanang nag so-sorry ka dahil ayaw mo na. You're saying sorry because your giving us up! You want to end this!

Sawa ka na! Galit ka na, pagod ka na at ayaw mo na. So your breaking up with me.

At dahil hindi matanggap ng pride ko, I walked away from you. At pinagsisisihan ko yun.

Sana pala hindi ko pinairal ang pride ko. Sana pala hinabol kita at nagmakaawa ako sayo. Sana pala humingi ako ng second chance sayo. Sana pala tayo pa ngayon.

Bigla kong pinahid ang mga luhang lumandas sa mga mata ko. ang miserable ko na. Simula kase ng naghiwalay tayo, nagluksa na ako.

Nakakatawa nga lang dahil ngayong naghiwalay na tayo, tandang tanda ko na ang monthsary natin, ang anniversary natin at ang birthday mo. Ironic, right?


Kamusta ka na pala? Naalala mo pa ba ako?

Noong tayo pa, noong akin ka pa, noong mahal mo pa ako, at noong sa akin pa umiikot ang mundo mo, sana pala pinahalagahan na kita at di binitawan. Nagsisisi ako, pero alam kong wala na akong magagawa.

Dahil lahat ng yun, kasama ng nabaon sa limot..











...ng mga ala-ala noong tayo pa. :((






AN: Hey there! Supposedly, kahapon ko dapat ipo-post to, kaso nawalan ako ng internet kaya ngayon na lang. By the way, BELATED HAPPY (Sarcastic) DEATH ANNIVERSARY SA HEART KO! HUHU 2 years ka na palang broken, heart. TT^TT

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon