Sino ako para sa'yo?

62 5 3
                                    

~*~

"Miss de Guzman! Are you listening to my discussion o nag de daydream ka na naman tungkol kay Mr. Ferer?!" Sigaw ng teacher ko habang pinapagalitan ako.

Pinagtinginan tuloy ako ng mga kaklase ko at pinagtawanan. At ang masaklap pa dun, eh nakita kong natatawa din si crush! Huhu TT^TT Nakakahiya!

Yumuko na lang ako.

Ako nga pala si Joy Ahn de Guzman. At may crush ako, I mean crush na crush na crush ko talaga siya since grade 7 at hanggang ngayong grade 10 na ako. Siya si King Ferer. Pangalan pa lang hari na eh.

Maya-maya pa ay kinulbit ako nung katabi ko, manghihingi lang pala ng papel dahil may pagagawa daw yung teacher sa amin.

"Okay class, may biglaang meeting kami kaya mag-iiwan ako ng gawain sa inyo. Aalamin niyo kung sino kayo para sa taong gusto niyong makaalam ng existence niyo. Kayo na ang bahalang pumili kung sino ang gusto niyo. At, sa lunes ang mismong napili niyo ang magbabasa kung sino kayo para sa kanya, okay? So yun lang muna, at paalam." Sabi ng teacher namin sa filipino bago kami iniwan.

Okay, is this a sign?

Tiningnan ko ang mga kaklase ko at dali dali silang lumapit kay crush, especially girls. Hay! Nakakapanlumo, sa dami nila I'm sure di na ako mapapansin ni crush.

Pero bahala na! Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa hawak kong papel. It's now or never. Total eh next year sa ibang school na ako mag si-Sr high school, mas mabuti pang masabi oo man lang, di ba? *deep sigh*

Inantay ko munang makaalis yung ibang kaklase namin bago ako lumapit. Ako, si King at yung mga barkada niya na lang ang natitira. Kahit medyo kinakabahan eh ihinakbang ko pa rin yung mga paa ko. Sabi ko nga, it's now or never.

"Ahm King.. Oh." Sabi ko ng nakayuko dahil ayaw kong makita niya yung namumula kong mga pisnge.

"Oy King! Gusto pa ni Miss daydreamer na malaman mo ang pagtingin mo sa kanya. Hahahaha nag eexist nga pala siya." Kantyaw ng mga barkada ni King kaya mas lalo akong nahiya.

Narinig ko pa yung mga malulutong nilang tawa kaya lalo akong pinanghinaan ng loob. Parang gusto ko na nga yatang tumakbo palabas ng classroom namin eh.

Tiningnan ko si King saglit. Seryoso lang yung mukha niya na para bang natigilan at nakakunot yung mga noo niya na para bang di makapaniwala.

Bakit? May placard na bang nakakabit sa mukha ko ngayon na may nakasulat na JOKE? Wala naman, di ba? Nilagay ko na lang yung papel ko at tumakbo na palabas ng classroom.

Hindi pa ako nakakalayo nang marinig kong tinatawag niya ako.

"Joy!" Natigilan ako. First time! Oo first time niya akong tinawag sa pangalan ko.

Ayaw ko sanang lumingon..


Pero tanga ako eh!

Crush ko eh!





Kaya ayun, tumigil ako at nilingon ko siya.

Dahan dahan ba siyang naglalakad patungo sa akin o ako lang talaga yung ilusyunada? O talagang ganito lang yung feeling pag nilalapitan ka ni crush? Yun bang parang slow mo at parang kayo na lang dalawa yung nag eexist sa mundo.

"Oh." Sabi niya na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"H-huh?" Medyo nagulat pa ako nung inabot niya sa 'kin yung papel ko.

"Sino ako para sa 'yo?" Sino daw siya para sa akin.

"H-huh?" Yun na lang talaga ang kaya kong sabihin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon