MELVIN'S POV
"May paparinig ako sayo." Masayang banggit ko
"Ano yun?" Tanong nya sa akin.
Kinuha ko sa gilid ang gitarang nakuha ko at nilagay sa binti ko. Pomosisyon ako at nag-strum.
Ngumiti sya sa akin "May gitara ka na rin?"
"Oo, nakita ko sa may basurahan sa labas, maayos pa kaya nilinis ko." Sagot ko.
Magtatapon dapat ako ng basura ng makita ko to. Pinakita ko pa kay nanay para alam nya na kinuha ko iyon. Ang sabi nya lang, lilipat na daw ng ibang bansa yung kabilang bahay kaya tinapon na yung nga gamit na hindi na nila kailangan.
Maganda pa naman to medyo namantsahan lang kasi nandon lang nakalagay. Siguro matagal na tong nandon.
"Sige nga parinig." sabi nya sa akin habang nakikiramdam.
Umayos ulit ako ng posisyon ko at nagsimula ng kumanta.
Kasama kang tumanda by Daniel Padilla
🎶Patatawanin kita pag hindi ka masaya... Bubuhatin kita pag nirayuma ka na... Oh kay sarap isipin... Kasama kang tumanda...🎶
🎶Ibibili ng balot pag mahinang tuhod... Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod... Oh kay sarap isipin... Kasama kang tumanda...🎶
Habang nagpapatugtog ako nakikita ko ang ngiti nya. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapangiti. Natutuwa pa ako sa kanta. Ito pa naman ang kanyang unang natutunan ko. Banayad ang bawat tono at hindi kailangan itaas ang boses kapag kinakanta na ito.
"Ang ganda ng tunog." Ngumiti ulit sya.
"Kaya nga." Tinignan ko ulit ang gitara at hinimas ito.
Kulay vintage brown ang kulay nito. Sa tabi nito ay may lagayan ng pick. Makinis na rin ito pero medyo matigas pa ang strings nito dahil luma na rin ata.
"Ah, Jeanna Kung... Pwedeng magtanong, bakit ka nabulag?" Nahihiyang tanong ko.
Nakita ko ang paglungkot ng mukha nya, ayaw nya atang pag-usapan bakit ko pa kasi tinanong?
Di ko tuloy alam kung babawiin ko ba o hahayaan ko na lang.
Ngumiti sya sa akin. "When I'm was 10 years old, dahil sa car accident." Mahinang sabi nya.
Tumango-tango ako sa kanya.
"May balak ka pa bang magpagamot?" Tanong ko ulit.
Bakit ba hindi ko mapigilang magtanong?
Siguro gusto ko rin kasing makilala ko sya kahit iilang impomasyon lang.
Hindi agad nya ako sinagot na parang nag-isip pa sya. Yumuko sya at ngumiti. Hinihintay ko rin kung sasagutin nya ba ito o hindi.
"Gusto ko... Sino ba namang hindi..." Nginitian nya ako ng pilit. "Pero... Kailangan kong pumunta sa U.S. and besides ayokong pumunta ng hindi kasama ang daddy ko." Malungkot na sabi nya.
Parang gusto nya ng umiyak pero pinipigilan nya. Pinapalitan nya na lang ng pag-ngiti ang lungkot na nararamdaman nya.
"Kung ngayon na yung panahong makakakita ka. Handa ka na ba?" Nag-aalinlangan na tanong ko.
Nginitian nya ako ng mapait "Oo? Siguro? Hindi ko alam, parang matutuwa ako pero matatakot at the same time."
Naaawa ako sa kalagayan nya ngayon, hindi nya alam kung ano na ang mga nagbago sa paligid nya ni-hindi nya alam kung nandito pa rin ang ibang nakikita nya noon... At hindi ko rin alam ang pakiramdam na dilim lang ang nakikita sa lahat ng pagkakataon.
Kahit na sabihing nakadilat o nakapikit parang wala namang pinagkaiba kapag nabulag. Kaya proud ako kay Jeanna dahil nakaya nya ang lahat... Kahit ang sarili nya lang ang madalas nyang nakakapitan.
Nalungkot din ako dahil sa mga sinabi nya, gusto nya na makakita pero bata pa sya ng huli syang makakita kaya siguro natatakot sya sa mga pwede na nyang makita ngayon
"Wag kang matatakot, nandito lang kami para sayo." Ngumiti ako.
Di nya talaga makaramdam ng takot dahil hindi kami aalis dito. Kahit na ngayon ko pa lang sya nakikilala alam ko ng hindi sya makakaramdam na mag-isa lang sya.
Nakita ko rin ang pag-ngiti nya "Syempre naman! Tama na nga hindi naman fairytale ang buhay ko para ikwento." Tumawa sya dahil doon. "Ikaw?... Kamusta ang buhay nyo ni yaya Emma sa probinsya?"
"Maayos naman, kahit mahirap nakakaya naman namin." Sagot ko.
Hindi ko kailangan na maawa sya sakin. Gusto ko lang sabihin yung mga nasa kalooban ko.
"Saan ka pumupunta kapag wala si yaya?" Follow up question nya sakin.
"Kay ninang Emily, kumare ni nanay." Nakangiting sagot ko.
Matalik syang kaibigan ni Nanay at para na rin syang nanay ko, lagi nya akong iniintindi at hindi rin nya ako iniiwan.
"Nakapagtapos ka ba ng pag-aaral?" Tanong nya.
Medyo nalungkot ako sa tanong nya. Nakatingin ako sa mga mata nya na pinapakiramdaman ang sasabihin ko. Parang ayos na rin ng hindi sya nakakakita dahil hindi nya alam kung ano ang nagiging reaction ko.
"Hindi, tinapos ko lang ang high school, nag-stop na ako." Sagot ko.
Hindi naman sa ayaw kong mag-college, gusto ko pero hindi namin kaya ni nanay, siguro mag-iipon muna ako bago ako mag-college. Gusto ko pa rin maabot ang mga pangarap ko.
"Huh?! Why? Ano bang course mo?" Nanghinayang na tanong nya.
"Mechanical Engineering." sagot ko
Nakita kong nag-pout sya, hahaha! Ang cute nya. "Sayang naman! Ang ganda ng course mo."
"Ikaw? Paano ka nakapagtapos?" Balik na tanong ko sa kanya. Ayoko na rin pag-usapan yon kaya nag-change topic agad kami.
"Tutor... Magaling mag-turo yung nag-tutor sa akin pati hindi sa pagmamayabang mabilis naman akong matuto." Sabi nya at sabay ngiti.
"Anong course mo?" Tanong ko.
Para kaming nasa talk show, salitan kami ng tanong. Nakakatuwa rin kasi sinasagot nya rin ako.
"BS Accountancy." Magalang na sagot nya.
"Wow... Diba more on numbers yun?"
"Oo, madali lang naman kapag inintindi talaga." Ngiting sabi nya ulit.
"Paano ang ginagawa nyo?" Tanong ko.
Umayos sya ng upo at ngumiti "Ganto lang yan, ako kasi kapag sinasabi ng tutor ko yung sasagutan nakikinig ako mabuti at kapag sasagutan na sinasabi ko sa kanya kung paano ko nakuha yung answer at tumatama! And ang secret... Tamang panalangin lang." Mahabang sabi nya at tumawa
Nakakahawa yung tawa nya kaya natawa na rin ako.
"Sige po, tatandaan ko yan." Natatawang sabi ko. Nginitian nya naman ako.
Hanggang kailan ko kaya makikita ang ganyang mga ngiti?
YOU ARE READING
LOVE IN MUSIC
RandomMakikita natin ang pagmamahalang nabuo sa tono ng musika Si Jeanna na isang bulag pero mayaman, mahilig sya sa musika at kumakanta pero natatakot syang makipag kaibigan sa labas ng kanilang bahay, Kaya hindi sya masyadong lumalabas ng bahay, makikil...