01

10 0 1
                                    

JEANNA'S POV

I'm Jeanna Serafica, mabait ako, pero hindi ako nakakakita, nawalan ako ng paningin nung 10 years old ako dahil sa car accident. Simula nung nawalan ako ng paningin, hindi na rin ako lumabas ng bahay, nag aral ako sa bahay namin, hindi ako nakapunta sa graduation namin ng highschool and college, mahilig akong maggitara and kumakanta din ako

I'm in our veranda and I'm decided to sing with my guitar.

Nakahiligan ko na tumugtog nito dahil bata pa lang ako tinuruan na ako nito.

Bago pa ako mabulag, solo ko na ang kailangan na diinan na notes.

I'll be there by Julie Anne San Jose

🎶First time I laid my eyes on someone like you... I can't forget the hour that moment with you...🎶

🎶Then I have realized... Love is growing deep inside... I feel the beating of my heart🎶

🎶Coz every day, every night I keep looking up the skies... And I'll pray that someday you will wake up in my arms and love will never end...🎶

🎶We belong together, always and forever... Call my name and I'll be there...🎶

I don't admit that I'm good at singing because I just found it simple.

Magaling kumanta ang mommy ko, lagi nya akong kinakantahan kapag matutulog na ako. Lagi ko rin syang naririnig kumanta sa veranda.

Kaya napamahal na rin sa akin ang music dahil sa kanila.

When I finished the song, I feel that someone is closer to me.

"Jeanna" yaya Emma's voice.

I know her voice and I'm sure that is yaya Emma.

"Yaya Emma?" I correctly.

Gusto ko pa ring tiyakin na si Yaya Emma nga ang papalapit sakin.

Hinawakan nya ang kamay ko. "Ako nga."

Napangiti ako ng sumagot sya. Salamat at nandito na sya.

•••••

EMMA'S POV

Nakaupo ako ngayon sa harap ni Jeanna, kababalik ko lang galing probinsya. Kinamusta ko ang anak ko doon.

Hawak ko ang kamay nya habang nakangiti. Naging anak ko na rin talaga si Jeanna. Naging kasama nya na ako sa lahat ng bagay.

"Kailan kayo nakabalik?" Tanong sa akin ni Jeanna

"Kaninang umaga lang, tulog ka pa kanina kaya hindi kita nakausap, ang galing mo pa rin maggitara." Ngumiti ako sa kanya at nakangiti rin sya sa akin.

"Hindi naman po gaano" Nahihiyang sabi nya.

Ayaw nya pa rin talagang kino-compliment ang mga kaya nyang gawin.

"Paano mo nalalaman ang pipindutin mo?" Tanong ko sa kanya.

"8 years old pa lang po ako marunong na akong manggitara, kaya kahit hindi ko nakikita, alam ko." Sagot nya sa akin.

Luminga-linga ako para tignan kung nandito ba ang daddy ni Jeanna.

"Nasaan ang daddy mo?" Tanong ko sa kanya, Hindi ko kasi nakita si sir sa labas.

"Out of town." Maikling sagot nya sa akin.

Kahit sanay na sya na wala dito ang daddy nya, alam kong nalulungkot sya dahil hindi nya nakakasama ang tatay nya.

LOVE IN MUSICWhere stories live. Discover now