Chapter 1

4 1 0
                                        

Hawak ko ang aking ticket habang tahimik na naghihintay makapasok sa venue ng pagdadausan ng mini concert hall nitong paborito kong banda. Sa totoo lang, kaunti ang mga tao. I expected that there's a long queue of line kasi hapon na ako pumunta. Most of the time nakikita ko sa social media, umaga pa lang andon na agad sila venue. Siguro for freebies and experience? I don't know, first time ko lang din kasi pumunta at mag-isa lang ako.

Nang makapasok at maupo sa aking designated seat, nagulat ako na VIP section at ibang seats lang ang may laman. Dito sa Gen Ad, wala akong katabi ni-isa, I mean, underrated itong artists pero hindi ko inakala na ganito kaunti ang pupunta! I am hoping to have at least someone or somebody I can talk to or be friends with kasi iba sa pakiramdam kapag nagkakaintindihan kayo sa isang bagay. Reign, my one and only friend, is not a fan of this band. Mas gusto niya ang metal rock bands, while me I'm the contrary of her favorite, mas gusto ko ang R&B, lo-fi.

One time, we're in the café near our workplace when she suddenly offers her other earbud kasi may bagong released daw itong favorite band niya.

"Isabel, pakinggan mo itong kanta nila. Kagabi ko pa ito inuulit-ulit kasi hindi ako maka-get over sa boses nila!" Excited niyang sabi habang inaabot sa akin ang isang pares ng earbud.

I took it from her hand and placed the earbud in my ear. The first few seconds of the song are a strum of guitar, followed by a loud voice. Dali-dali ko itong tinanggal dahil pakiramdam ko mabibingi ako sa kanta!

Ayoko talaga sa ganitong genre! Kasi naman, puro na sigawan sa loob ng bahay pati ba naman sa kanta na papakinggan ko ganyan din? Baka gusto naman ng kaluluwa ko magpahinga sa ingay.

Humagalpak naman si Reign sa naging reaksyon ko. Tinignan ko siya ng masama pero parang wala lang sakanya. Itong babaeng 'to parang maamong tupa sa labas pero kapag nakilala mo na, hindi mo aakalain na isang leon kung umasta

"Hanggang ngayon palagi ka pa ring nahuhulog sa bitag ko. Dapat kapag inabot ko na itong earbud tanggihan mo na!" Sabi niya na may ngisi sa labi.

"Syempre tatanggapin ko ang kinakahumalingan mo kahit ayaw ko kasi ganyan kita kamahal as a friend." Binigay ko ang pinakamatamis kong ngiti.

"Nakakatakot 'yang ngiti mo. May kailangan ka 'no?"

"Oh my God! Paano mo nalaman?" Exaggerated kong tanong.

"Ewan ko sa'yo. Kung tungkol ito sa con- "

"Please sige na Reign Samahan mo na 'ko! Libre ko na nga ang ticket, e!" Putol ko sa kung ano pang sasabihin niya.

"As much as I want to be with you, Isabel, I am not available this Friday. 3rd anniversary namin ni Edward 'yun."

"Hindi mo ba pwedeng i-reschedule 'yang anniversary ni'yo?" Biro ko sakaniya.

"Gaga ka. Next time na lang."

Kaya mag-isa ako ngayon dito. Ang saklap naman ng buhay ko. Wala na ngang kasama wala pang katabi. Maya-maya lang, nagsimula na ang mini ang concert. Biglang nagsitayuan ang mga nasa unahan kaya tumayo na rin ako. Ang saya sa pakiramdam, dati sa streaming platforms ko lang sila naririnig, ngayon live na! Pangarap ko talagang mapuntahan ang concert nila. Pinangako ko sa sarili ko na hindi pa ako pwedeng mamatay hanggat hindi ko pa sila nakikita in real life but I think ngayon pwede na... kidding.

Halos mag iisa't kalahating oras na nang magsimula ang concert. Nakakapagod din pala ang pag-upo at pagtayo, iba talaga kapag matanda na. Natawa na lang ako sa iniisip ko kasi I just turned 23 this year. Mabuti rin palang walang katabi, malaya ang galaw ko kahit ano pwede kong gawin. Katulad na lang sa pagpunta sa bathroom. Hindi ako mahihiyang tumayo at yumuko kasi nakakaistorbo ako sa mga nanonood. Kanina pa nga rin ako sigaw nang sigaw dito kaya sumasakit na ngayon ang lalauman ko pero ayos lang mawalan ng boses kung sila naman ang dahilan. Like come on, I've been waiting for them since forever ano ba naman ang ganitong maliliit na bagay. Ang boses ay babalik pero ang alaala na ganito? Palaging mananatili sa puso't isipan. It is a privilege to be part of a concert. Sa sobrang mahal ba naman ng tickets sa panahon ngayon. Ang makadalo sa concert ay isang malaking bagay na.

Nagkaroon muna ng ilang minutong break ang banda. Pinapakita sa screen ang naging proseso ng pagbuo ng album nila. Habang nanonood, naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Napasimangot ako kasi nawalan ako ng kalayaan kumilos. Sa lahat ba naman ng upuan dito pa talaga siya napunta? I mean hindi ako galit dahil hindi ko naman pagmamay-ari itong venue. Disappointed lang. Hindi ko siya tinigan dahil wala akong pakialam. Tuloy pa rin ang panonood ko sa harap. Hanggang sa narinig ko siyang magsalita.

"Hey, have they already sung 'Wake Up, Love'? "

Lalaki pala. Pero mas napansin ko ang malalim niyang boses. Parang Theo James.

I checked my phone and scroll through my gallery because I have a screenshot of their setlist. Sakto lang pala ang dating niya. Pagbalik nila sa stage, 'yung kantang tinanong niya ang tutugtugin nila.

"Not yet, they will play after they come back- "

Natigil sa ere ang salita ko dahil sumalubong ang kanyang mga mata sa akin. He has a pair of hazel brown eyes. Mas lalo pang nadepina ang kulay nito dahil tumatama ang ilaw sa kanyang mata. Napunta ang paningin ko sa buong mukha niya. He looks like a Greek god. Matangos na ilong, makapal na kilay and he has a kissable lips! Halatang pinaglaanan mabuti ng Diyos ang paghulma sa kanyang mukha.

God, he's so beautiful.

I cleared my throat. "From backstage"

Nakakahiya. Sana hindi niya napansin na natulala ako sa ka-gwapuhan niya ng ilang segundo.

"Okay. Thank you." He spoke.

May multo ng ngiti ang kanyang labi nang bumaling siya sa harap. Ano kayang iniisip niya? Mamaya akalain niya gwapong-gwapo ako sakanya. Hindi naman, sobrang gwapong-gwapo lang. May lahi kaya siya? Pero parang wala naman. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang klaseng mukha. Walang-wala sa mga artista na nakikita ko sa mga billboard. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hues of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon