7

835 44 18
                                    


"AHHHHH!!! shutaina ka teh! Legit ba 'to?? As in reyal??"

"Naks! level up na ang kabadingan mo teh!"

Hindi mapigil ang tili nung dalawa kong kaibigan, pinakita ko kasi yung text namin ni marcus kagabi. Siyempre ipagyayabang ko 'yon!

"Oo nga, mukha ba akong mag trip at mag text lang ng kung sino-sino? Siyempre si marcus lang."

"So totoo yung binigay ni bianca na number?" curious na tanong ni kisha habang titig pa rin sa phone ko

Nagkibit balikat ako... "Siguro?.." 'di ko siguradong sagot... "Pero nagreply naman, malakas ang kutob ko si marcus 'yon."

"Sabagay pagdating naman kay marcus never kang pumalpak." sang-ayon ni jess

Tinawanan ko iyon, kung sa acads hindi mo makita yung name ko sa honors. Aba! kay marcus daig ko pa with high honors, sa kaniya ako maraming alam. Siya yata ang mas inaaral ko kaysa yung mag study talaga

"OMG!!!! kyaaaahhh!!!"

Napawi ang kuwentuhan namin nang magtilian na ang ibang tao dito, karamihan babae

Nasa pag-asa gym kasi kami dito sa area ng junior high school, bukod kasi ang building and area naming senior high sa likod kaso wala naman sariling gym iyon

Ngayon din ang laban nina marcus sa basketball at kapag nanalo sila dito, pasok sila sa finals kagaya nung sa'kin, sure na ako sa finals.

Nagtilian kasi nandito na pala yung grupo nina marcus. Twelve sila, kaklase ni marcus yung iba, tapos yung tatlo doon kaibigan niya.

"Go! Marcus!"
"Marcus, I love you!"
"Pogi mo bebe Marcus!"

Tss! kairita naman ang mga boses nila, mga akala mong ibong inipit e

"Jess! Ilabas mo na nga ang pang malakasang tarpaulin natin. Nakasimangot na yung isa dito e!" si kisha na kausap si Jess sa tabi ko, napapagitnaan kasi nila ako.

Nasa bleachers kami ngayon, sa pang-unang upuan lang para kitang kita kami

"Oh sige sige..." rinig kong sabi ni jess at sinimulang ilantad ang pinagawa naming tarpaulin

"Go! Go! Marcus Cutie, Kahit hindi ka maka-shoot sa ring, sa puso ko naman shoot na shoot ❤️❤️❤️ "

Ayan ang pinalagay namin, idea naming tatlo. Dati kasi puro motivational quotes lang, parang 'di napapansin ni marcus kaya nag-iba na kami

Dahil ako ang nasa gitna, ako ang may hawak noon. Hindi naman kalakihan ito, sakto lang.

Busy sila Marcus mag warm-up. Nag mi-meeting rin sila kasama yung coach nila. Napangiti ako ng titigan ko si marcus.

Ang guwapo niya sa suot niya, naka basketball jersey uniform siya at white low top basketball shoes.

Kitang kita rin ang biceps niya dahil sa suot na jersey. Mas litaw rin ngayon ang kaputian niya, bagay talaga sa chinito nitong mata. Bahagya siyang nakatalikod kaya nakita ko yung nakasulat doon.

"M. Lim, 03"

Iyan ang nakalagay, nagtataka pa rin talaga ako kung ano iyong three? sa pagkakaalam ko, March 14 ang birthday niya.

Hindi naman siguro monthsary date or anniversary iyan? Wala naman siyang jowa e! well hindi ako sure, pero basta.... wala siyang jowa kasi ako ang future baby niya!

"Tangina girls, pagak na pagak ang braso ni Marcus oh! parang ang sarap magpasakal!" abot sa tainga ko ang sinabi nung nasa itaas naming mga grupo ng babae

Kung ako kaya ang sumakal sa kanila? Pinagnanasahan pa yung baby ko!

Nagsalubong ang kilay ko lalo ng patuloy pa rin sila sa pagnanasa kay marcus, as if namang papatulan sila

Diretso ang tingin ko sa court habang nakasalubong ang kilay. Nakakainis, gusto ko silang paalisin ngayon

Pero nagulat ako ng biglang tumama ang tingin ni marcus sa gawi namin. Naabutan niya akong nakakunot ang noo, kaya inalis ko iyon dahil sa tingin niya

Kaagad ko rin naman binalik dahil sa inis. Kanino ba siya nakatingin?? Sa akin or dito sa likod? Sa mga babaeng 'yan?

Tapos yung tarpaulin namin 'di man lang mapansin!

Sa inis ko, kinuha ko yung phone ko kay kisha at tumayo, nagpaalam akong bibili lang ng tubig

Bahala ka diyan Marcus! Magtitigan kayo hangga't gusto niyo

Dumiretso ako sa likuran ng gym, doon kasi may malapit na canteen.

"Pabili po tubig, tatlo." At inabot ko yung bayad, nakaka walang gana naman manood.

Nakuha niyang lumandi sa iba tapos sa'kin dedma? Wow ah! sa pogi kong 'to

"Thank you po." sabi ko nung inabot na sa'kin yung tubig, walang gaanong tao dito sa canteen dahil feel ko nandoon lahat nanonood

Naka round t-shirt na light brown color at cream trouser pants ako. Intrams naman okay lang kahit hindi naka uniform ngayon. May klase kami mamayang hapon pero pumayag naman na kahit ano ang isuot basta hindi lalabag sa rules.

Umupo na lang muna ako dito sa canteen, mas peaceful 'di kagaya doon. Kastress yung boses nung nasa itaas namin

Ininom ko lang yung tubig, nakakauhaw pala.... uhaw sa atensiyon niya

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at nakitang may 3 message doon

Pag-open ko halos mabuga ko iyong iniinom ko dahil..... Si Marcus! Siya ang nag text sa akin

Wait! Bago lang itong text niya, 3 minutes ago, nung umalis ako sa gym?

Inopen ko iyon at binasa...

Mr. Cutie:
Hi! Can I get a good luck from you.

Mr. Cutie:
I just think, a simple cheer from a stranger is better sometimes.

Mr. Cutie:
Hey!

Bakit sa'kin siya nagpapa goodluck? Ba't 'di sa mga babaeng iyon? Stranger 'din naman sila....

Me:
Good luck

Simple kong reply, bakit sabi niya goodluck 'diba?

Mr. Cutie:
Why so cold?

Nakunot ang noo ko, bakit nagrereply siya kaagad? Hindi ba dapat focus siya sa laro.

Me:
Kasi hindi mainit

Tumunog ulit kaagad ang phone ko

Mr. Cutie
Come on! Cheer me. I can't focus.

Can't focus daw, kung makatingin nga siya sa mga babae kanina focus na focus naman siya!

Pero sige na nga, ayoko naman matalo si Marcus. Kahit nakakatampo siya madalas, love ko pa rin naman

Me:
Sige na nga! Galingan mo. Kailangan manalo ka ah! Good luck baby :>

Pigil ngiti ako habang tina-type iyon at sinend sa kaniya. Tangina! Kaya palaging naka-cancelled ang pag momove-on ko kasi ganito e! Sobrang rupok.

Mr. Cutie:
Finally! Thanks, 03 :)

Huli niyang reply, kita mo 'yon hindi man lang binalik sa akin yung baby.... pero at least may smiley na sa dulo yung reply niya, level up na naman ako!

Pero ano iyon ba't may 03? nang-aasar lang yata siya e! Ipapamukha talaga sa'kin yung monthsary or anniversary date niya???

Sa inis ko, bumalik na lang ako sa gym baka nag start na rin kasi ang laro

"Hoy teh, ano 'yan ba't nakasimangot ka pa rin?" si kisha sa tabi ko

"Wala!!" inis kong sabi

"Hala! badtrip ang aga aga." sabat naman ni jess

Umirap lang ako sa hangin at tumama ang tingin kay marcus, nakangiti ngayon ito habang napansin kong kakatago niya lang ng phone sa bag niya

Napunta ulit ang tingin niya sa gawi namin at titig na titig ulit, nagliwanag 'din ang mukha niya

Ano 'yan? Umalis lang ako may inspiration na siya kaagad?

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at binaling sa ibang naglalaro.... Bahala siya galit ako ngayon....

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now