Chapter 2: Unexpected Encounters

10 1 0
                                    

Pagkapasok ko sa library, wala na akong ginawa kundi pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. Seriously, bakit ba ang lakas ng kabog ng puso ko sa harap ni Akihiro? Pinilit kong mag-focus, kunin ang libro na kanina ko pa hinahanap at umupo sa isang sulok para mag-aral.

Focus, Elisha.
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Pero paano ako makakapag-focus kung andito siya, sa parehong lugar, at parang abot-tanaw lang?

Habang nagbabasa ako, hindi ko napigilang magbalik-tanaw sa nakaraan. Minsan, hindi mo talaga maiiwasan, lalo na kapag may nakikita o naririnig kang nagbabalik ng mga alaala.

---

Flashback - 3 Years Ago

“Eli, you’re too focused on your studies. How about you take a break? Let’s watch a movie or something,” nakangiting sabi ni Akihiro habang hawak-hawak niya ang mga libro ko.

"Nako, Hiro, alam mong kailangan kong mag-aral para sa finals. Kailangan kong makuha 'yung scholarship, remember?" sabay kuha ko ng mga libro sa kanya.

“But Eli, you need to have fun sometimes too. Sige na, one movie lang, then balik ka na sa books mo,” he pleaded with those irresistible puppy dog eyes.

And I gave in. As usual. Nanonood kami ng movie noon sa bahay nila, habang ako naman, secretly excited dahil kasama ko siya. Sobrang saya ko nun, hindi lang dahil sa simpleng movie, kundi dahil sa feeling na may someone who genuinely cared for me.

Pero... hindi ko inakala na ang lahat ng ito ay magbabago. Bigla nalang dumating ang nanay niya at kinausap ako privately.

"Elisha, you're a good girl, but I hope you understand that my son needs someone who is on the same level as us. Akihiro has a bright future ahead, and you... well, you have your own dreams too. Let’s keep it that way."

---

Binalik ko ang sarili ko sa kasalukuyan, naiinis dahil bumabalik na naman ang alaala ng sinabi ng nanay ni Akihiro. Mula noon, hindi na kami nagkita o nag-usap. Kaya naman, sobrang awkward nang makita ko siya ngayon, and to make things worse, nandito pa kami sa parehong school.

“Miss Cañeza, mukhang malalim iniisip mo ah.” Biglang lumitaw si Akihiro mula sa likuran ng shelf kung nasaan ako.

Gulat na napatayo ako, sabay hawak sa dibdib ko. “H-Hiro, bakit ba lagi kang sumusulpot na parang multo?” nagbibirong sabi ko, pero halatang kinakabahan pa rin.

Tumawa siya. “Well, hindi ko naman sinasadya, but I couldn’t help but notice you’re still the same Eli I knew back then—masyadong focused at seryoso. Hindi mo man lang ba ako na-miss?”

“Hah, funny ka talaga,” sinubukan kong maging nonchalant kahit sobrang awkward na ng sitwasyon.

Naglakad siya papalapit, at bigla niyang kinuha ang isang libro mula sa shelf. “I remember when we used to study together. Madalas kitang kinukulit para mag-break. Looks like nothing has changed.”

“Akala ko ba... hindi ka na babalik dito?” Hindi ko napigilang itanong, kahit na matagal ko na 'tong pilit na iniiwasan.

Nagbuntong-hininga siya, at para bang may bigat sa kanyang tinig. “I had to leave for personal reasons, Eli. And now that I’m back, gusto ko lang linawin... things didn’t end the way I wanted them to.”

Tumahimik ako saglit. Gusto ko siyang tanungin, pero may bahagi ng sarili ko na natatakot. Natatakot malaman ang totoo.

“Pero enough of the past,” bigla niyang sabi na parang binabalewala ang bigat ng conversation namin. “How about lunch together? Para lang tayong dati, just catching up.”

"Uh, sorry, I have to—"

"Baka isipin ng mga tao, iniwasan mo pa ako." He smiled playfully, making it even harder to say no.

Napa-face palm ako nang mahina. "Fine. But this is just lunch, okay?"

“Of course,” sagot niya na may pilyong ngiti, sabay bigay ng libro na nahulog ko kanina.

Habang magkasabay kaming lumabas ng library, hindi ko mapigilang isipin—hindi ko ba talaga siya na-miss?

Hire of My HeartWhere stories live. Discover now