Ilang araw na ang nakakalipas at hindi parin ako makamove-on na nakausap ko si Ethan mylabs! Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dahil unang-una galit siya noong kausap niya ko. Pero di ko talaga mapigilan maging masaya dahil napansin niya ko for the first time in forever!
Naglalakad ako kasama ang pinakapanget kong bestfriend na si Carla. Papunta kami ngayon sa faculty room para ipasa 'tong project na pinapagawa ng teacher naming mala-Enchong Dee ang boses sa EarthSci. Halos tapalan ko ng sanitary napkin 'tong ilong dahil nakaka-nosebleed ang pinagawa niya. Pero kahit ganoon, taas noo at todo ngiti akong naglalakad papunta sa faculty.
"Uy babaita!" Tawag niya na nilingon at ginantihan ko lamang siya ng ngiti.
"Uy!" Pagtawag uli niya.
"Oh? Bakit nga?" Tanong ko na abot tengang ngiti.
"Nakadrugs ka ba at ganyan ang ngiti mo?" Tanong niya na may pagtataka.
"Oo. Si Ethan ang drugs ko." Sabi ko sabay halakhak na nagpatingin sa mga taong nakakasalubong namin.
"Ay buang nga to. Nako! Hanggang ngayon ba naman di ka parin makamove-on doon?!""Bakit? Ano namang masama kung di ako makamove-on? Yun na nga lang ang kaligayahan ko!" Sumbat ko.
"Anong masama? Nakausap at pinansin ka niya pero galit naman siya sayo!" Pagsermon niya.
"Basta wala akong pakialam! Basta ang importante pinansin niya ko! Once in a blue moon lang yung mangyari ah!" Pangangatwiran ko.
"Tsk! Baliw ka talaga sa lalaking yun noh!"
"Di lang baliw! Baliw na baliw!" Dagdag ko bago pumasok sa loob ng faculty room.
"Hay nako. Tsk tsk." Rinig kong bulong niya.
Maaga kaming pinaglunch dahil bukas na ang simula ng sembreak namin. Sinisilip ko ang laman ng lunchbag habang naglalakad. Ang food of the day ko para sa mylabs ko ay bacon and egg with fried rice! Tadah! Lowbudget kasi ako, dahil nagbayad ako ng utang ko kay Carla. Dapat nga di ko na babayaran yun! Pero ang loka, grabe kung makapangsingil! Sabado ng umaga ay pumunta sa bahay at ginising pa ko para bayaran lang yung utang ko! Ayun, narinig ni mama at kinaltas sa allowance ko. Minsan naiisip ko bestfriend ko ba tong bruhitang to!
Habang naglalakad ako sa building nila Ethan ay naririnig ko ang mga usap-usapan, mapalalaki man o babae. Seryoso? Ganun ba talaga ako kaganda?! Charot! Assuming ang lola niyo! Puro naririnig ko ang paulit-ulit lamang.
"Grabe! Ang ganda ni Reena, pre." Maputi lang naman!
"Oo nga ang bait-bait pa!" Sabat nung babae. Sure kayo?!
"Tapos ang talino! Ang galing-galing sa lahat ng bagay!" Edi siya na!
Binilisan ko ang paglalakad ko dahil ayokong marinig na pinag-uusapan nila ang karibal ko sa mylabs ko! Pero aamini ko. Maganda siya. Yung tipong malayo palang mapapatingin ka na sakanya. Ang puti-puti pa niya! Di naman kasi ako maitim pero mapaputi talaga siya. Kapag nakita mo siya iisipin mong nababad siya sa gatas o sa harina.
Kaya ayokong marinig ang pinag-uusapan nila dahil kung makikinig ako nang makikinig parang pinapababa ko lang ang self confidence ko at ang pag-asa kong magkaforever kami ni Ethan at ayoko nang ganoon! Ayokong sumuko! Di ako susuko!
Sobrang nakakapagod ang araw na to pero medyo maaga natapos ang klase namin ngayon. Halos lahat kami ay excited na matapos ang klase. Sila, excited dahil sa sembreak. Pero ako, excited dahil umaasa ako na kinain niya ang hinanda ko para sakanya.
Nagmadali akong pumunta sa building nila at agad na binuksan ito. Imbis na magulat ako sa tuwa, nagulat ako sa lungkot. Kahit isang butil man lang ng kanin ay walang nabawas. Para akong sawi na naglalakad. Parang di na ko nasanay dito ano?
Habang naglalakad paalis ay nakasalubong ko ang babaeng kinaiinggitan ko, si Reena. Lumingon siya sa direksyon ko at mukhang namukhaan niya ko kaya nginitian niya ko imbis na ngitian ko siya ay umiwas ako ng tingin at umirap. Hindi ako pwedeng maging mabait sakanya, di ako pwedeng makipagkaibigan sakanya. Dahil oras na lumambot ang puso ko para sakanya baka makalimutan kong karibal ko siya at ipaubaya nalang si Ethan sakanya. Dirediretso akong naglakad nang biglang may humigit sa braso ko ata agad ko namang nilingon kung sino ito, si Kaizer.
"May nagreserved na ba niyan? Gutom na kasi ako." Sinabi niya ng may ngiti.
Ewan ko ba anong pumasok sa isip ko at agad ko siyang niyakap at umiyak.
***
Hello! Sensya na ang tagal ko mag-update. Medyo busy po kasi.
BINABASA MO ANG
Oh! Mister Oh! Notice Me! (Slow Update)
HumorNasubukan mo na ba magkagusto sa taong di ka naman pinapansin, walang pakialam o hindi alam ang existence mo? Oh well.. In na in ka sa storyang to!