Pagkatapos ng kamustahan ni Kaizer at ni Ethan maylabs, agad na kaming dumiretso sa garden kung saan ginaganap ang mismong party. Dahil sa aking curiosity ay naisipan kong tanungin si Kaizer.
"Kaizer, kaano-ano mo yun?" tanong ko.
"Sino?" ani Kaizer.
"Yung lalaki kanina." sagot ko.
"Ah. Si Ethan, pinsan ko. His mom is my mom's twin sister." sagot niya.
Akalain mo yun! Magpinsan pala si Maylabs at Kaizer. Ang liit nga naman talaga mg mundo.
Simple at di ganoon ka engrande ang party pero makikita mo parin kung gaano ito ka-elegante. Naupo kami sa isang table na may limang upuan. Tanaw na tanaw ko dito ang engrandeng pool nila Kaizer.
Lumingon ako sa aking gilid at nakikita ko kung gaano kabigatin ang mga guests, karamihan dito ay mga doctor at mga business men. Ganito ba talaga sila kayaman? Wow.
"Are you okay?" tanong ni Kaizer sa tabi ko na tanging tango lang ang sagot ko.
"Sabihin mo lang sakin kung di ka komportable." ani Kaizer.
"Hindi. Ayos lang talaga ako! Pramis!" sagot ko nang may ngiti.
"Are you sure? Basta sabihin mo lang sakin." tugon niya.
Limang minuto na ang nakalilipas ay wala parin nakaupo sa natitirang mga upuan.
"Kaizer? Tayo lang ba uupo dito?" tanong ko.
"Ayaw mo ba?" tanong niya na nagpapula ng pisngi ko.
"H-hindi naman." sagot ko.
"Paparating na rin yung mga yun. He is still waiting for his date." ani Kaizer.
Wala pang isang minuto ay dumating na ang mga inaasahan ni Kaizer.
"Hala! Sorry talaga! Did I made you wait?" tanong ni Reena.
Tumitingkad ang ganda niya sa simpleng suot niyang gray peplum skirt na tinernuhan ng white top.
"Kanina pa kami, Reena." seryoso ngunit pabirong sabi ni Kaizer.
"Naku! Ikaw talaga Kaizer!" natatawang sabi niya.
"You made your boyfriend wait, Reena. Kawawa naman. Right Ethan?" tanong ni Kaizer sa nakaupo sa harap namin.
Boyfriend ni Reena si Ethan? Wala pang isang buwan simula noong malaman kong nanliligaw si Ethan tapos ngayon boyfriend na! Huli na ba ako sa balita?
"Tsk." tanging sagot ni Ethan.
Sungit talaga ni Maylabs ko!
"Naku! Kaizer! I told you already that Ethan is not my boyfriend. I am not his type and definitely he is not my type!" natatawang tugon nito.
"Sus. Pakipot pa kayong dalawa. At ano ka ba Bro! Si Reena na yan ah! Matalino, talented, at maganda. Wait, maganda ka ba Reena?" pabirong sabi ni Kaizer.
"Walanghiya ka Kaizer!" sabi niya habang nag-aambang hahampasin si Kaizer.
"Both of you are so childish." sabi ni Ethan.
"Dapat pala nagpalit muna ako bago pumunta dito galing pa kasi ako sa charity work ni Mommy at ang mas matindi nakalimutan ko magdala ng gift para kela Tita!" sabi ni Reena kay Ethan.
"It's fine. I'm sure Mom and Tita will understand." sagot ni Ethan.
Nanahimik nalang ako at pinagmasdan silang dalawa kung paano sila mag-usap. Alam mo yon? I have this urge to say hi to Ethan at ipamukha kay Reena na akin lang si Ethan pero nauunahan ako ng confidence ko na sobrang baba.
BINABASA MO ANG
Oh! Mister Oh! Notice Me! (Slow Update)
HumorNasubukan mo na ba magkagusto sa taong di ka naman pinapansin, walang pakialam o hindi alam ang existence mo? Oh well.. In na in ka sa storyang to!