Sa Sakayan

210 10 2
                                    


Makakabuti talaga kung meron tayo sariling sasakyan na gagamitin para sa araw2 at sa trabaho lalo lalo na sa problima at pahirapan ng sakayan papauwi pag gabe.

Isang isolated ang lugar ng aking pinapasukan isang pabrika, itoy pagawaan ng guma kaya medyo malayo ito sa kumunindad. Sadyain ito at binihira lang masasakyan. Mga trabahante sa pabrika lang makikita mo sa kalsada. Iilan lang mga namamahay na taga roon at halos namn paupahan sa mga nagtatrabaho sa nasabing pagawaan.

Tag ulan noon, nagkaroon ng overtime sa trabaho. Madalas natatapos at nagsiuwian after ng OT halos gabi na at halos wala ng sasakyan sa kalsada, at wala ka na rin makasama sa pilahan sa sakayan..

Papunta na kami sa sakayan noon kasama ko si Cristine, iisa lang ang boss namin, madalas magkasama kami halos araw2 sa pag uwi kapag hindi siya nasusundo ng asawa nya sa loob.

Bigla tumila ng kaunti ang ulan at tumahimik ang paligid, tanging ingay lang ng mga sapatos maririnig namin.

"Bwisit naman to si Puldo alam nya naman nag OT ako at hindi nya pa naisipan sunduin ako, tinext ko na siya kanina" naiinis ani ni Cristine na maubusan ng load.

"Okay lang yan Tin, hindi ka pa nasanay sa asawa mo at tsaka ayaw mo pa noon exercise na rin to, iilang kilometro na rin naipon mo araw2 para mabawasan namn natitinggang sebo iyang dala mo" pang asar ko sa kanya.

Nakagawian na namin mag asaran at mag lukuhan habang pauwi hanggat hindi na namin namamalayan na malapit na sa sakayan..

Isang waiting shed sa tabi ng kalsada na may pumipiraw pang ilaw ang tanging matambayan namin habang naghihintay ng masakyan.. Iilan lang mga posti na may ilaw sa lugar na yun kaya tila kunting liwanag lang makikita sa aming kintatayuan habang nag aabang ng masasakyan..

"kung may malilipatan lang talaga ako pre, ito talaga problima ko sa trabaho natin e, ang pag uwi, ikaw bakit hindi ka pa kumuha ng motorsiklo mo, e di sana kahit wala si Puldo may masakyan tayo, e d na sana tayo na tengga dito" pangungulit ni Cristine sakin.

"Plano ko na kumuha talaga Tin, wala lang talaga ang gusto kung motor sa shop, at sasadyain ko pa sa bayan at mag apply ulit ng pautang, another credit invstigation na namn, at malamang nababagsak ako don.. hindi bali makakuha rin ako" sagot ko sa kanya.

"tiyaga lang talaga muna, balak ko talaga e cash na lang pag kumuha ako ng motor, ang hirap magbayad, luluwas ka pa ng bayan, tsaka malaki ang interest pag inutang" dagdag ko

"wow e cash, grabi siya oh, pero tama ka, mahirap na magkautang" payo ni Cristine

Kung sino man kasing baguhan na makadayo o mapapadpad sa sakayan ay sigurado ayaw na magpaabot ng gabi.. Sa sobrang dilim ng paligid, tahimik at halos tunog ng insikto ang ungol ng aso lang ang maririnig, magkalayo mga bahay at halos iilan pa lang naabot ng kuryente doon pwera na lang malapit ka sa pabrika.

Inabot kami ng kalahating oras habang naglilibang kami sa cellphone namin ng may bumusina ang isang kotse galing sa loob ng pabrika

"oi si boss Tin, dali!" hila ko sa kanya

"Alam ko na nandito pa kayo sa sakayan kaya sinadya ko na umuwi na rin alam ko maabutan ko pa kayo dito" paliwanag ng boss namin

"sir salamat po ng marami" sabay sagot namin..

Pinasakay kami ng isang boss namin sa kotse nya palayo sa lugar ng sakayan.

"Kasanayan lang ano? " pangugulat ng binitawan ng boss namin

"Hindi ba kayo natatakot sa isang kwento tungkol jan sa waiting shed? " dagdag nya paulit ulit na kwentong barbero

"Ay sir halos dalawang taon na rin kami dito at halos dalawa kami ni Cristine madalas last standing diyan ni minsan wala pa namn kaming napapansin kakaiba" pagbibiro ko sa boss namin..

"yes sir, minsan nga po ako lang mag isa jan wala akong nararamdaman takot o pag alala, maliban lang siguro kung meron tao na hindi ko kilala at lagi naman ako nakahanda" paliwanag ni Cristin

Bigla ko lang siningit ang naranasan ko nakakaiba...

"Maliban lang sa isang grupo na nag poprosesyon alas otso ng gabi, habang ako nakaabang sa waiting shed, hindi ko ito pinansin kasi simana santa rin ata noon kaya binaliwala ko, pinagtataka ko lang habang naglilibang ako sa cellphone ko parang kanina ko pa inabangan na dumaan sakin ang nagpoprosesyon na yun bakit hindi pa nakalapit harap ko, tapos noong tingnan ko ulit nandon pa rin sila kung saan ko unang nasilayan mula sa aking kinatatayuan. Ang weird d ba? pero d ko na inintindi yun, nakasakay na ako noon e." kwento ko sa kanila..

Tumahimik kaming tatlo habang nagmamaniho si boss ng..

Nagkwento si Cristine..

"hay pare, hindi ko nga naekwento sayo ano, kami dalawa ni Puldo, noon sinundo nya ako, mag aalas otso na rin yun, bagong renovate pa ang waiting shed na yan, habang palapit na kami palabas ng pabrika, nakita namin mag asawa, mag ama ata yun o magkapatid basta, para bagang pareho yatang wala silang mga mata, ilong at labi, walang mukha baga. Sabay namin napansin ni Puldo ng dumaan kami sa waitingshed non.. "
"Pa, nakita mo ba ang nakita ko kanina sa waiting shed, yun dalawa pag daan natin?"
"Napansin mo rin pala yun ma? Kaya nga kunwari binirit ko na at binilisan ko ang takbo e, kinalibutan ako sa nakita ko" sabi ni Puldo kay cristine.

"Ang malas talaga ng gabing iyun, dahil may nakalimutan ako noon sa pabrika at kailangan namin balikan, napilitan kaming mag Uturn pabalik ulit sa pinag uusapang waiting shed kung saan namin nakita yung dalawa.
Dahan dahan na papalapit na kami sa waiting shed, nawala na lang ang kaba namin dalawa noon ng sumigaw ka noon pre, ikaw na yun nadatnan namin na nakatayo sa waiting shed, nakalimutan lang namin dalawa ni Puldo itanong sayo noon kung napansin mo ang dalawang tao nakita namin" Kwento ni Cristine

Sa SakayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon