Sa Sakayan pa rin

138 8 2
                                    

(Pasensiya natagalan)

"Ano kamo?? Noong araw na ginagawa ang waiting shed kamo? Tandang tanda ko yun, muntik pa nga kayo mahulog sa sapa noon sa bilis ng takbo ng motor nyo" paliwanag ko.

"Nandoon ako Tin kumaway pa nga ako at tinawag ko kayong mag asawa at talaga naman siguro hindi nyo ko nakita..  Ang totoo hindi ko makakalimutan ang araw na yun, isang araw bago ng gabing iyun, kitang kita ko paano araruhin ng isang van ang ginagawang  waiting shed, at nasaksihan ko kung paano naghahabol at nag aagaw buhay ang mga pasahero at ang driver ng van.." Kwento ko sa kina boss at Cristine habang nasa byahe.

Sa sobrang gulat ko siguro natulala ako't natigilan sa aking kinatatayuan noon ng ilang sigundo, nang marinig ko na sigaw" saklolo!!! Tulong!!"  sa loob ng Van,  kaya mabilis ako lumapit sa naaksidenting sasakyan at tinulungan ko ang pwede ko lang mailabas mula sa sasakyan, mag isa lang kasi ako nang oras na yun, nagbabantay ng masakayan pauwi, pero nakakalungkot man pero meron iilan talaga hindi ko na kayang mag isa ilabas at  mailigtas sa disgrasya.. Halos ilang oras pa na may dumaan para mahingan ko ng tulong. Pagsasalaysay ko kanila.

"Yun na nga sabi ko kay Puldo pare baka ang nakita naming dalawang tao na yun sila ang mga biktima ng aksidente" singit ni Cristine

"Kung totoo ang multo, e magmumulto nga naman talaga sila sa lugar na kung saan nangyari ang aksidente kaso, sandali lang ha, lumang kwento na ni lolo't lola yan oi!! AlDub na ang uso ngayon oyy!! " pabiro ng boss namin

Nagtawanan na lang kami sa loob ng sasakyan at nabaling sa kwentong kalyiserye.
Si Cristin at si sir ang nasa harap at ako ang nasa backseat, habang minumuni muni namin ang episode ng kalyeserye..

Kulang kulang isang kalahating oras ang regular na byahe namin pababa ng bayan mula pabrika.

Noong panahon na binabaybay namin kalsada pababa ng bayan ay halos mag isang oras na kami sa daanan..  Nang  ....sabay naming tatlong  napansin at tahimik na nagkatinginan..

"Sir ba....kit... ? Kanina dumaan na tayo dito ah..." Tahimik  na dahan dahan na bulong ni Cristine

Walang kibo si sir habang mahigpit na nakahawak sa manebela..

"Teka teka... Iba to" bulong ko sa dalawa.

"Sir parang...  naengkanto tayo..." Mabilis ko naiisip yun..

"Hindi kaya minumulto tayo ng mga biktima, tiyak ko parang ganito rin nangyari sa kanila, siryuso ako hindi ba parang nasa sine na iksina na ito" sabi ko

"Ano ka ba pre!! Nanakot ka pa e, teka sir dahan dahan na lang sa pagmamaneho, o tigil mo muna sa sandali sir" takot na takot pakiusap ni Cristine

Dahan dahan itong tinabi ni boss ang sasakyan sa may posti at ng...

"Hala!! Sir! Ano nangyari? Bakit namatay ang makina sasakyan nyo po sir?? Gulat na gulat ang matabang Cristine

Biglang nagrigundo't namatay kasi ang sasakayng bago ni boss..

"Anyari?? Kabago bago nito boss" dagdag ko

Tahimik lang at wala pa rin kibo si sir habang nakadiritsto lang ito ng tingin sa labas sa nasasakop ng ilaw ng kanyang kotse...

Busted, namatay na lang ang sasakyan ni boss at sabay namatay din ang headlight nito.. Sobrang dilim ng paligid kahit sa loob ng sasakyan ay wala kami makita.

Sandali lang..

Hindi na kami kumibo at mabilis na paghinga ni Cristine na lang maririnig ko halatang takot na takot ito sinuaubukan na tawagan ang asawa.. Si boss nakayuko lang ito sa manubela nya at wala pa rin itong kibo o talagang nabadtrip lang talaga sa nangyari sa bagong kotse nya, ni hindi man lang nagreklamo.

Hinayaan lang namin ito ni cristine at binalikan namin ang nangyari habang pinipilit na kinokontak ang asawa nya...

"Tin kitang kita mo yun di ba? Di lang ikaw at ako, tatlo tayo nakakita bakit bumabalik tayo ng dinaanan natin, tingnan mo yun lang waitingshed oh" pagtataka ko..

Nanginig ang buo kung katawan at nanlamig at sabay tumayo mga balahibo ng marinig namin ang malalim na boses  mula sa kinauupuan ni boss

Tanda tanda ko kung ano klaseng boses narinig ko noon.. Parang latin o na kung ano..

"...." Isang boses matanda mula sa boses ni sir ng biglang mahigpit na hinahawanan si  Cristine..

Mabilis na binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at kahit liwanag lang ng langit ang umiilaw sa madilim na kalsada ay pinilit ko makalayo sa lugar na kng saan huminto ang kotse ng boss ko.. Dagdag pa nito ang kwento ni Cristine sa nakita nilang mag asawa ng dumaan ulit ako sa waiting shed.. Kahit madilim ay klarong klaro sa dalawa kung mata nakita ko dalawang tao nakatayo't nakaharap sa akin kaya lalong pinapaspasan ko ang takbo palayo at tumigil ako dahan dahan sa aking pagtakbo na nakatalikod habang dinig ko nagmamakaawang sinisigaw ang aking pangalan  ni Cristine.

"Ano... Ano ang gagawin ko?? " ang tanong sa isip ko sa oras na yon..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa SakayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon