Chapter 6

8 0 0
                                    

Tuwing napapadpad ako sa sulok kung saan nakapwesto si landon, ay todo ngiti ko dito at maingat ko siyang kinakausap. Ayaw kong galitin ito, baka matulad ako sa mga lalaking nabugbog.

Alasdose na ng umaga at buti na lang at lango na siya sa alak, kaya ang himbing ng tulog niya.

Nagasikaso pa ako ng ibang mga costumer, pagdating ng alasdos ng umaga. Nagpatuloy yun hanggang sa closing time. Binalikan ko si landon dun sa usual spot niya, syempre kasama ko si kuyang bouncer para maawat niya kung may gawin itong di kanais-nais.

Hinayaan ko si kuyang bouncer mag gising sa kanya, nagising naman ito. Kinukusot-kusot pa nito ang mata niya na parang bata. Hindi ko namamalayan na napangiti ako sa ganoong gesture niya.

Kahit pala nakakatakot yung si landon ay may cute side din pala ito. Nung nakita kong nakatingin na ito sa akin ay umiwas ako ng tingin, kasi baka mahalata niya na tinatawanan ko siya.

Inalalayan siya ni kuyang bouncer na lumabas at nagpara ng taxi sa kanya, bago pa man ito makasakay ay nagiwan ito ng masamang tingin sa akin.

Nanginig ang balahibo ko sa tingin niya, yung tingin niya kasi ay para siyang papatay ng tao. Nakakatakot, nung nakasakay na ito ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Nagsimula na ako maglinis at magligpit ng kalat sa sahig, lamesa at sa counter. Afternon ay nagpaalam na ako na uuwi na, maglalakad na ako nang kausapin ako ng boss ko.

“ Kamusta ang pag-aaral?“ Tanong nito.

“ Okay naman po, hindi ko naman siya napapabayaan.“ Magalang kong sagot.

Naglabas ito ng dalawang sobre, at iniabot niya ito sa akin.

“ Yung sa sobre na isa ay yung sweldo mo, at yung isa naman ay allowance mo.“ Sabi nito.

Kuminang ang mata ko, madadag-dagan nanaman yung savings ko. Kinuha ko ang sweldo ko at ibinulsa ko na iyon. Hindi ko man inaasahan ay nagpapasalamat ako, kahit na maliit na halaga lang laman nung sobre nayon ay malaking bagay nayon sa akon bilang isang working student.

“ Galingan mo sa pag-aaral, alam kong mahirap maging working student. Ilang taon na lang naman kailangan mong bunuin at makakatapos ka na sa pag-aaral.“ Sabi nito.

“ Salamat po, sure po na ilalaban ko po na makapagtapos.“ Masaya kong sagot.

“ Oh siya, lumalalim na ang gabi. Umuwi ka na, ingat sa paguwi.“ Pagtataboy niya.

Nagpaalam ako sa kanya na lalabas na, lumabas na ako at kinawayan ko rin si kuyang bouncer, hanggang sa nakatawid na ako.

Malapit na ang bayaran, buti na lang inaagahan si boss ibigay yung sweldo ko. Ginagalingan ko naman sa trabaho ko, hindi naman ako nagpapabaya.

Pagkapasok ng bahay ay nagpalit na ako ng damet pambahay at naglatag nadin ng foam. Sinapinan ko yun ng kumot at humiga na.

Dumako ang tingin ko sa kisame ng apartment, habang nagpapaantok ay kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Hindi ko namalayan na napindot ko yung gallery at nakita ko doon ang picture ng mga taong minahal ko na itinakwil din ako nung sinabi ko sa kanila ang nararamdaman ko, ang tunay na pagkatao ko.

Sobrang saya kasi ng pamilya namen, para bang walang problema. Pero nung isang araw, nung sinabi ko iyon sa kanila na bakla ako. Nakita kong lumukot ang mukha nila, bumabakas sa mukha nila ang pandidiri sa nalaman nila.

Nakita ko din ang pagkadismaya sa mukha ng mga kapatid ko nung nalaman nila. Bago pa man ako makaalis sa bahay nayon ay napakarameng insulto muna ang natanggap ko mula sa kanila. Kinuha nila lahat ng binigay nila sa akin, lahat ng bagay na ginastusan nila ng per. Bago pa man ako makaalis ay nasuntok pa ako ng tatay sa mukha at tuluyang pinalayas.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon affected parin ako sa mga pangyayaring iyon. Siguro, yung ganong sugat ay hindi kaagad-agad na gagaling.

*****

Pagkadating ko sa classroom ay umupo na ako kaagad sa upuan ko, napagod ako dahil dumaan muna ako sa bangko para ideposit yung pera ko para maidagdag sa ipon ko, after non ay naglakad na ako papasok sa school.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ko ang oras, 11:30 AM na pala. Malapit na magumpisa ang klase, 30 minutes na lang ang kailangan kong hintayin.

Habang nagbobrowse sa cellphone ay tinitignan ko ang mga lectures na sinend sa GC. Nang may maramdaman akong mainit sa leeg ko, pagtingin ko ay si Darryl pala yon. Uminit ang pisnge ko sa naganap, dahil muntik na maglapat ang labi namen nung tinurn ko yung ulo ko patalikod.

“ Masyado ka namang kabado, tristan.“ Biro ni darryl.

“ Wala kasing ganyanan!“ mahinang usal ko dito.

“ Sorry na, busy ka sa pagbabasa eh. Kaya nakitingin na lang ako sa binabasa mo.“ Paliwanag nito.

“ Sa susunod, magsabe ka kung makikibasa ka. Okay lang naman, wag yung tinatakot mo ako ng ganon.“ Wika ko sa kanya.

“ Sorry na.“ Sabi nito na aakmang yayakapin ako.

Kaya bahagyang naitulak ko siya, habang siya naman ay tumatawa. Naiinis ako sa kalokohan niya pero nawawala din naman kasi mabait siya at higit sa lahat ay napaoagalante niya. Isang matinay na ebidensiya ay yung panlilibre niya sameng tatlo nila natalia at george.

Kung magkakagirlfriend aiya, napakaswerte non dahil gwapo na nga at mapera pa. Siguro pag valentines maypa bouquet of flower pa ito at chocolates.

“ Wala pa ba sila natalia?“ Tabong ko dito.

“ Wala pa sila, siguro nabalitaan nila na wala yung first subject teacher kaya nagpasya muna magpalate ng gising.“ Wika nito.

“ Absent si Sir?“ Tanong ko.

“ Absent daw eh, balita ko naospital daw anak niya kaya napaabsent.“ Sabi ni darryl.

“ Tara, cafeteria muna tayo. Chat ko na lang sila na kitain na lang tayo sa cafeteria.“ Aya nito, na hindi ko naman tinanggihan.

*****

“ Pwede nyo nang sabihin kung ano ang balita nyo sa apo ko.“ Maikling tugon ng isang matanda.

“ Maayus po siyang namumuhay sa maynila, ayon sa mga tao naten ay nagpasiya itong mag working student. Kaya nga lang po laki ng ipinayat niya. “ Paguulat ng isang lalaki.

Nagisip ang matanda, hindi niya aakalain na paninindigan ng apo niya ang pagpapalayas nila sa dito.

Akala kasi ng matanda na magmamakaawa ito sa kanila after ng ilang buwan na pagpapalayas nila dito pero hinde iyon nangyare.

Nagisip muli ang matanda, siguro nga mali siya ng iniisip sa kanyang apo.

“ Pagpatuloy nyo lang ang pagsubay-bay sa kanya at ireport nyo sakin kung may mahalaga kayong impormasyon na nakalap sa kanya.“ Utos nito.

“ Masusunod po.“ Sabi ng lalaki at naglakad na ito palabas ng kwarto.

*****

Sorry late update, naging busy lang this days. Gagalingan ko na lang sa susunod na mga araw! Sana makapagsulat ako ng dalawang chapter!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bad boy Always BadWhere stories live. Discover now