Sa Wakas

7 3 0
                                    

Ito na ako sa wakas,

nasa tamang daan na ako.

Unti-unti ng humahakbang ang mga paa ko,

walang lingon-lingon magpapatuloy hanggang dulo.


Ito na ako sa wakas,

wala ng sakit pa ang mararamdaman,

wala ng luha ang tutulo sa matang nasasaktan,

wala ng hapdi sa pusong sugatan.


Ito na ako sa wakas,

makakapagpahinga na ako sa mundong magulo,

makakapagpahinga na ako sa mga taong mapang-abuso,

makakapagpahinga na ako sa mga salitang kutsilyo,

na pauli-ulit na sumasaksak sa pagkatao ko.


Ito na ako sa wakas,

Ito na ako,

Sa wakas.

Alone but not BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon