Chapter 6: Getting Over the Dark Days

0 0 0
                                    

Kesha's POV:
Ilang buwan na ang nakalipas, 'di pa rin ako maka-let go sa nangyari. I still miss my Dad. Tumugtog sa radyo ko paboritong kanta ng dad ko, napapaiyak pa rin ako habang nangungulila sa kaniya dahil doon. Kaso wala na akong magagawa roon, kinuha na siya eh, nagawa na niya ang misyon niya sa buhay, ang gabayan ako hanggang sa puntong buhay pa siya. Naisipan kong tawagan si Travis at si Cassandra para gumala sa mall, para kumain dun at mag-arcade.

Cassandra's POV:
Pupuntahan na namin sana ni Travis si Kesha at kakamustahin namin siya. Habang nasa tapat na kami ng gate ng bahay nila ay tumawag si Kesha sa cellphone ko, gagala daw kaming tatlo sa mall para kumain roon at mag-laro sa arcade, sinabi ko na nasa tapat kami ng bahay nila, binuksan niya ang pintuan para makita kami, naka-pantulog lang siya kaya pinaghintay kaming dalawa sa living room ng bahay niya habang naliligo siya at nagbibihis. Ta's ayun nagpunta na kami sa mall at ginawa ang lahat ng gusto niyang gawin dun, manood ng sine, kumain sa restaurant, mag-laro ng mga laro at kumanta sa videoke sa arcade ng mall. Naisipan rin niya na mag-grocery kami, namili na rin kami dun sa grocery sa mall, nang may sinabi si Travis sa'min.

Travis' POV:
Bago kami mag-grocery ay nasabi ko kay Kesha na doon sa bahay na lang namin siya muna titira, at nasabi ko rin na bibili kami ni Kesha ng groceries para sa aming dalawa for three months, same goes rin kay Cassandra, sinagot ko na ang mga bayarin sa groceries. Naalala ko rin na may concert mamaya sa concert area ng mall kaya nilagay namin ang mga groceries namin sa trunk ng kotse ko. At dahil free concert yun at need lang mag-spend ng at least 1,500 kada tao, sakto mga 5,000+ worth ng groceries naming tatlo kaya naka-panood kami sa concert sa VIP section and napaka-angas ng vibes ng mga bandang nagperform. Matapos nun ay sumakay na kaming tatlo sa kotse ko, kinamusta namin ni Cassandra ang minamahal ko, naging maayos na ulit ang pakiramdam niya. Mga ilang oras ang nakalipas ay nasa tapat ng bahay muna kami ni Cassandra para ihatid siya sa bahay niya, at nagpunta na kami sa bahay namin at inayos ang mga groceries at natulog na nga kami.

Kesha's POV:
Nagising na ako nang maaga para makapagprepare ng almusal namin, dun ko na ginamit ang mga ilang pagkain sa groceries namin,  nakapagluto na ako at kumain na kami, nanood na lang kami ng sine sa Home Theater. Ang ganda pala ng set-up niya rito kaya tinanong ko siya kung pwede akong mag-tugtog ng mga kanta rito, pinayagan naman ako at tinuro niya sakin ang mga bagay-bagay sa home theater niya. At yun na nga, nag-tugtog ako ng mga kanta na paborito ko doon habang ginagawa ang mga trabaho ko digitally habang naglalaro naman siya ulit sa PS5 niya. Kinabukasan ay inaya niya ako para mag-church, pumayag ako at nagbihis kami at pumunta na. Ang topic ba naman ng pastor dun ay tungkol sa pag-let go sa mga pasanin sa buhay at gumaan pa lalo ang pakiramdam ko pagkatapos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Everything Between UsWhere stories live. Discover now