Prologue

9 0 0
                                    

"Congratulations Ms. Khorienne you've been promoted as the accounting manager! I am so impressed with the great work you've shown us." abot tengang sambit ng head manager namin.

Pinatawag niya talaga ako dito sa office niya personally. Kinabahan pa ako kasi akala ko kung ano na. Akala ko matatanggal na ako sa trabaho which is hindi maaaring mangyari. Kabang kaba ako at nakayuko lang na nakasunod sa kanya hanggang sa office niya kaso ang akala kong sasabihin niya na "You're fired!" turns out na iyon ang sinabi niya. Syempre ay shock na shock ako. Literal na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari ngunit 'di ko rin mapigilang magsaya sa kaloob-looban ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki paglabas ko ng office ng head manager namin pagkatapos kong magpasalamat. Sinalubong naman ako ng mga ka-workmates ko ng maraming mga tanong ngunit sinabi ko nalang sa kanila na wala lang. I don't want to brag sa harapan nila baka isipin pa nilang hambog ako. Excited na excited akong umuwi para ibalita kina mama ang promotion ko kaya after ng work ko ay diretso na agad akong umuwi. Dumaan muna ako sa grocery store para bumili ng mga ingredients ng lulutuin ko kasi plano kong magheld ng mini celebration sa bahay.

Naglalakad ako ngayon sa sidewalk papuntang sakayan ng mini bus. Kailangan ko pa din munang tumawid. Binilisan ko ang paglalakad dahil nakita kong tumatawid na ang mga tao. Nagmadali akong tumawid dahil malapit nang mag go signal.

I was about to reach the other side of the road already when I noticed a car approaching me. Ilang hakbang nalang ngunit tila hindi ko mai-hakbang ang aking mga paa. I stood there still, eyes wide, and knees trembling. Biglang naging blanko ang aking isip.  Tila nawala ang lahat sa paligid at tanging ang papalapit na sasakyan lang ang aking nakikita. Kung 'yong iba ay tumitigil ang paligid nila kapag nakikita nila ang taong gusto nila iba itong sa'kin.

Papalapit. Ilang hakbang nalang ang pagitan. Papalapit ng papalapit.

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang malakas na pwersang tumama sa'kin at ang pagtalsik ng aking katawan sa kung saan. Bumagsak ang katawan ko sa mainit na kalsada. Nanghihina ang katawan ko at parang binibiyak ang ulo ko ngunit ginamit ko ang natitira kong lakas at pilit na tumingin sa langit na ngayon ay may namumuong makapal na mga ulap.

Anong nangyari? Bakit nangyari sa akin ito? Ang dapat na masayang araw sa akin ay naging isang bangungot. Paano na ang promotion ko? Si mama? Ang mga kapatid ko? Paano na sila? Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras, sana di ko nalang pinilit na tumawid.

Nangyari na ang dapat mangyari at wala na akong magagawa pa.

Ano ang mangyayari sa akin? Mamamatay na ba ako? 'yon ang hindi ko alam. Unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko. Ramdam na ramdam ko rin ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso ko. Sa pagdaan ng mga segundo ay mas nahihirapan akong huminga. Naririnig ko ang siren ng ambulansiya sa malayo at mga nagkakagulong mga tao. Pinilit kong magsalita ngunit 'di ko na maibuka ang aking bibig. Hinang hina na ang katawan ko't hindi ko na maramdaman ang ang katawan ko.

Ipinikit ko ang aking mata at umagos ang mainit na likido galing dito. Bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman ay naramdaman ko ang pagpatak ng isang butil ng ulan kasabay ng pag angat ng aking katawan.

Biglang may tumunog, isang nakakabinging tunog na alam kong ako lang ang nakakarinig. Mamamatay na yata siguro ako.

...............................

𓇼𓏲*ੈ✩‧₊˚

If you liked this chapter let me know in the comments! ఇ ◝‿◜ ఇ

Strangers by the seaWhere stories live. Discover now