Chapter 2
Marigold
Abot langit ang ngiti ko nang pumasok ako no'n pabalik sa bahay. Halos mapilas ang labi ko sa mukha habang patuloy na nagre-replay sa utak ko 'yong senaryo kanina. Ni hindi ko man lang napansin kaagad sina Tita Alice at Melody na uhaw malaman ang nangyari at gustong maki-usyoso. Nalusaw ang ngiti ko kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko.
Kumaripas palapit sa akin si Melody at umangkla sa braso ko na parang walang nangyari sa 'min kanina. Sinamaan ko siya ng tingin at iwinasiwas ang kaniyang braso mula sa 'kin.
"Sino 'yon, ha? Ang gu-guwapo! Dala-dalawa pa talaga, Mari, ha?" Namamangha niyang tanong saka bahagya pa akong siniko.
"Ano ba, Melody? Lumayo ka nga!"
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Tita Alice sa harap namin kaya't nilingon ko siya. Agad akong pinamulahan sa hiya dahil nasaksihan niya pa 'yong kanina. Alam kong may alam na siya ngayon at nagtataka kung bakit may mga lalaking... kumatok sa bahay namin.
"Uh, T-Tita..." I glanced at Tita Alice awkwardly. Ngumiti naman siya.
"Sino ang mga 'yon, hija? Mga kaibigan mo ba?" Sambit niya sa malamyos na boses.
Wala sa sariling nahigop ko paloob ang aking ibabang labi at nakagat ito. Tila bigla akong napako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba. I'm too embarrassed.
Pero naglaho rin 'yon nang may sumingit sa utak ko. What's there to be embarrassed? It's not like ako ang naka-agrabyado. Tama. What's wrong with me? And why on earth am I acting like this?!
"Ah... Kakasabi ko lang po kanina na may dalawang mokong ang nang-disgrasya sa 'kin kaninang hapon? Sila po 'yon..."
"Iyong mga batang 'yon? Sila ang nakasira ng bisekleta mo?" Takang tanong ni Tita. "Aba'y mukhang matitino naman, bakit..."
I let out a funny, offensive snort. What?
"Tita naman... Porket nagagwapuhan kayo ay matino na? Tsk. Looks can really be deceiving," komento ko at umiling.
"Andami mong alam! Kung ganiyan lang rin mangloloko sa 'kin ay ayos lang. Sulit naman," proud pang saad ni Melody.
Lumukot ang mukha ko sa narinig habang nandidiring tingin ang ipinukol ko sa bruhildang makati. Basta talaga gwapo ang usapan ay buhay na buhay ang dugo niya! Hindi na ako maso-sorpresa pa kapag isang araw ay malaman kong nilalandi na niya ang isa doon sa dalawa.
Uh-uh. Not very much impossible. Sooner or later. Baka nga 'yong pareho pang dalawa, e.
"Uhaw ka talaga sa lalaki, 'no? May kinikita ka ba riyan?"
She immediately shot me daggers. "Sinasabi mo bang pokpok ako?!"
Mahina akong tumawa ang nagkibit-balikat. May sinabi ba ako?
"Ikaw nagsabi niyan..." Nanunuyang sagot ko.
Nanlisik ang mga mata niya sa akin. Kulang na lang ay umapoy na ako. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisian. Mabuti at self-aware siya. Wala pa akong sinasabi at nangunguna na siya. Natawa tuloy ako.
"Hoy, Marigold, bumalik ka dito! Gaga kang bruhilda ka, kakalbuhin kita!" Sigaw niya pag-talikod ko.
"Yeah, yeah, whatever..."
Padapa akong sumampa sa ibabaw ng kama ko nang makapasok sa kwarto. Binuhay ko ang aking phone na kalkulado kong pinagdaanan na ng tatlong taon. Tinatapik-tapik ko pa ang madilim na screen nito habang hinihintay na mag-restart. I pursed my lips and sighed. Agad na tumambad sa akin ang mga tadtad na notifications mula sa mga socials ko pati na rin sa cellphone number ko.
ESTÁS LEYENDO
When Our Stars Fallen
Ficción GeneralIf the sparks of your stars have fallen, will you still choose to hold on? Ten long year relationship is no joke. Despite the challenging trials, and fading spark of their relationship, Marigold strongly believes it is the hurdles of the commitment...