V. KOMPLEKADONG PAHAYAG

0 0 0
                                    

"Komplekadong Pahayag"

by eirenichera 

Ang sabi niya'y "Gusto kita."

Ngunit iba naman ang kaniyang ipinapakita

Ibang-iba sa mga sinasabi ng kaniyang dila,

Kung kaya't sa mga kilos niya, ako'y naghihinala.

Totoo bang gusto niya ako?

Totoo ba ang mga binibigay niyang motibo?

Ako ay subra nang nalilito,

Dahil pakiramdam ko ay napakalabo.

Alam kong mahal mo pa ang iyong dating kasintahan,

At nasasabik ka lamang sa naudlot niyong pagmamahalan.

Ano naman ang aking magiging laban?

Kung 'di pa natin kilala ang isa't-isa nang lubusan.

Baka naman ginusto mo lang ako para siya'y iyong makalimutan,

O baka sa mga panahong 'to, ako lang ang iyong malalapitan.

Alam ko naman na sa kaniya'y, labis kang nasaktan,

Pero sana nama'y inisip mo rin ang aking mararamdaman.

Umasa ako sa katagang iyong binitawan,

Kahit ako'y nagdududa'y, akin pa rin itong pinanghawakan

Ang puso ko'y maingat kong prinotektahan,

Kaya sana nama'y huwag mo itong paglaruan.

Sayo, ako'y nagpaubaya

Dahil sa pagpaparamdam mo ng kakaibang pag-alaga,

Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, ako ay nanghina,

Mga kislap sa mga mata mo'y unti-unting nawawala.

Ito na ba ang wakas sa ating kuwentong hindi pa nasisimulan?

O ito ang simula ng kuwento kung saan ikaw lang ay napadaan,

Bakit kung kailan ako napalapit sayo ay saka ka rin lilisan?

Siguro nga'y, hindi sapat ang nararamdaman mo para ako'y iyong ipaglaban.

Sa huling pagkakataon ay sinambit niya ang mga kataga,

Kung saan lahat ng ito ay nagsimula,

"Gusto kita." iyan ang sabi niya,

"Gusto kita." subali't may karugtong na.

"Gusto kita, ngunit ipagpaumanhin mo sana,

Gusto kita, ngunit sa ngayon ay komplikado pa."

———

by eirenichera ❤︎

Rhymes and Reasons [Poetic Ponderings Compilation]Where stories live. Discover now