Isa, Dalawa, Tatlo... Sino ang isa?
Hinto. Lingon. Sigaw. Takbo!
Nakaputing bestida na babae. Mahaba ang buhok. Nakayapak at may nakatusok na krus sa dibdib.
“Sino ang isa?”***
Clarice, Jannah, Efryl at Fionna; sila ang apat na magkakabigan sa Sitio Kuliglig, grade 10 student at lahat sila’y magkakaklase. Inanunsiyo ng kanilang guro na sila ay magkakaroon ng long weekend sa kadahilanang papalapit na ang ‘UNDAS’ Bakas sa kani-kanilang mukha ang kasiyahan sapagkat mapapahinga sila sa loob ng dalawang linggo.
Kaya nagpasya ang magkakaibigang gumala at pumasyal sa isang lugar. Si Fionna na nakahalumbaba at tila nag-iisip ng magandang pupuntahan.
“Convention!” nakangiting sabi ni Clarice.
Napakunot ang kilay nilang lahat sabay sabay na sinabi, “NANAMAN!”
“Nakailang punta na tayo riyan, tandang-tanda ng isip ko kung anong araw at oras sila magbubukas o magsasara,” tugon ni Efryl habang napairap ito sakanila.
Isang oras na ang nakalipas, hanggang ngayon ay wala pa rin silang naiisip na pupuntahan. Umikot-ikot si Fionna habang malalim ang iniisip.
“Can you please stop what you are doing? Nahihilo ako sa’yo,” naiinis na wika ni Efryl.
“Guys! Alam ko na! Why don’t we try sa Eco Park!!” mungkahi ni Clarice.
Nang sinabi iyon ni Clarice ay nanlaki ang mata ni Jannah at hindi mapakali, “NO!” sigaw nito.
“But wait, wait... Let’s make it more terrifying, 7 o’clock tayo pumunta!” she gave a half smile.
“Huwag! Mamaya kung ano pa mangyari sa’tin or what if may multo roon... No way!” tugon ni Jannah.
“Ano ka ba! Kasama mo naman kami, so tara, let’s goo!!”
***
Alas tres ng hapon ay nagsimula na silang mag-ayos ng kani-kanilang gamit, pansamantala ay duon sila nagpalipas ng oras at tumuloy sa bahay ng kanilang kaibigan na si Efryl. Malaki at malawak ang bahay nito, galing siya sa mayamang angkan at ang ama nito ay isang Chemical Engineering.
Hindi gano’n kalayuan at hindi rin naman ganuon kalapit ang pupuntahan nilang “Eco Park” kung lalakarin ito ay aabot ng 30 minuto bago ka makarating. Pagdating naman duon sigurado namang mapapawi ang pagod kapag natanaw at tumambad sayo ang maganda, maaliwalas, masarap na simoy ng hangin, at maririnig mo ang galaw ng mga puno roon maging ang palamuti na tunay ngang nakakapukaw ng atensyon.
Ngunit, sabi-sabi ng nakatira roon ay madaraanan mo ang isang nakatayong bahay sa Sitio Mapayapa; abandona ang bahay na iyon at tuwing sasapit ang takipsilim ay may mararanasan kang ikatataas ng iyong balahibo. Sinasabing may buhay na kaluluwa roon at madalas magpakita’t magparamdam.
***
Pagsapit ng alas sais ng gabi nagsimula na silang lumarga. Napagkasunduan nilang mamasahe na lang dahil nga sa may kalayuan ito, subalit...
“Kuyang driver, sa ECO PARK po sana... Magkano po?”
“ECO PARK?!” gulat nitong pagkakasabi at bigla siyang umiling na ‘di malaman kung bakit.
Marami ang nakaparadang tricycle ngunit kahit isa sa kanila ay hindi tumatanggap ng pasahero papuntang Eco Park. Kaya napagpasiyahan nilang lakarin ito...
“Hay nako! Maglalakad pa tuloy tayo,” inis na pagkakasabi ni Efryl.
“Yamo na, para exciting hindi pa naman gaanong madilim at saka marami namang tao doon, kaya no fear,” wika ni Fionna.
YOU ARE READING
Chamber of Secrets
Short StoryThe words of the Heart: Unheard thoughts Compilation of hidden short stories untold. written by: Akdanicess @MissJavier © All Rights Reserved