Hindi maalis sa isip ni Yali ang nangyari sa buhay niya, dalawang buwan na ang nakalipas parang kailan lang naging magulo at masalimuot ang kanyang buhay.
Hindi makapaniwala si Yali sa pagbabagong nangyari sa kaniyang buhay. Kung noon nakikitira lamang siya sa kanyang tita at tito ngayon nakatira na sya sa isang condominium, may sarili na rin siyang sasakyan at may business na pinapatakbo. Isa iyong malaking pagbabago sa buhay niya na pinapasalamatan niya sa Panginoon.
Malinaw pa sa kaniya ang nangyari kung saan una niyang nakilala si Alecsia ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso ngayon.
Kadarating lang ni Yali mula hospital na pinag tatrabahoan nito bilang isang nurse nang mapansin niya sa labas ng bahay na tinitirhan niya ang isang black audi na sasakyan.
Mukhang may bisita ang mga sina Tita at Tito. Aniya sa sarili niya nang papasok na siya ng gate kung saan naka park ang sasakyan. Sa pamilya Lopez nakatira si Yali simula ng mamatay ang kaniyang ina, pinsang buo ito ng kaniyang ina. Bata pa lang si Yali ng pumanaw ito sa sasakit na cancer. Ang kaniyang tita Edang at Titi Juancho na ang nagpaaral sa kaniya mabuti na lang at mabait ang mag asawa di tulad ng ibang mga tiyahin at tiyuhin na minamaltrato ang kanilang pamangkin. May isang anak ang mag asawa si Benj kasing edad rin ni Yali at tulad ni Yali isa rin iyong nurse sa hospital na pinag tatrabahoan niya.
Bago pa man marating ni Yali ang pinto ng kanilang bahay, nahila na siya sa braso ng pinsan niyang si Benj.
"May problema ka ba? Are you in some kind of trouble?" pabulong na tanong niyo na parang kinakabahan.
"W-wala naman," naguguluhang sagot niya. "Bakit?"
"Magtapat ka sa akin, tayo-tayo lang naman ang nandito," Patuloy nito. "May na agrabyado ka ba?Nabuntis?"
"W-what?" gulat na tanong ni Yali. "Anong klaseng tanong ba yan? Wala pa sa isip ko ang mga bagay na yanalam mo iyan, insan."
"Oo nga ano." anito sabay kamot sa ulo nito. "Kung ganun sino ang babaeng kausap ngano nina Mommy at Daddy? Kanina ka pa niya hinihintay." nagugulohan na ring sabi nito kay Yali.
"B-bakit daw?" kinakabahang tanong niya rito.
"Malay ko," pakli nito. "Kaya nga tinatanong kita kung may napasukan kang gulo. Sabi mo naman wala di ba, eh di wala."
"Ano kaya ang kailangan niya sa akin?"
"Mabuti pa pumasok na lang tayo sa loob at ng malaman natin." yaya ni Benj sa pinsan.
"Yali, hijo andito ka na pala," sabi ni Manang Guding ang matandang kasambahay ng mga Lopez. "Kabilin-bilinan ng Tita Edang mo sa akin na papuntahin ka sa office ng Tito Juancho mo pagdating na pagdating mo." she informed him.
"Ganun ho ba?" sagot niya kunwari.
"Dalian mo na, kanina ka pa hinihintay ng mga yon."
Habang naglalakad papasok ng bahay kung anu-ano ang naglalaro sa kanyang isipan. Pero wala talaga siyang maisip na naagrabiyadong tao na maaaring nagrereklamo lanan sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mondragon Empire: The Long Lost Heir
AksiWhen private detective Alecsia Sanchez summoned Yali Soriano to accept his inheritance, Yali had apprehensions. Unang-una, hindi niya alam kung sino ang nagbigay sa kanya ng mana. Pangalawa, agad na pinagbantaan ang buhay niya. Kinakailangan niyang...