PROLOGO

25 0 0
                                    

"tatakbo ka na lang  ba?" bigla akong napatigil  sa paghakbang ng marinig ko  siyang  nagsalita.

Napakalapit na niya pero bakit pakiramdam ko  ang layo niya pa rin? kilala ko siya, ang buong pagkatao niya pero tila isang estranghero ang ngayon ay nasa aking harapan.

"Bakit ba napaka hina mo? bakit ba hindi mo magawang ipaglaban ang gusto mo? bakit lagi na lang yung masasabi ng ibang tao ang iniisip mo? bakit ba lagi mo na lang tinatakasan lahat?, tuwing pakiramdam mo hindi umaayon sayo ang mga bagay bagay  tinatakbuhan mo  tinataguan mo,hindi ka ba napapagod?. kahit isang beses lang matuto ka namang maging matapang"  sinubukan ko din naman maging matapang kaso huli na.

" napakaraming tanong ang tumatakbo ngayon sa isip ko, napakaraming bakit, bakit mo ako iniwan" Para akong sinaksak ng paulit ulit  sa mga salitang binitawan niya, ganun na ba talaga ako ka duwag?

mas lalo akong nadurog ng makita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha, alam kong  mas higit na nasasaktan siya ngayon.Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako,masyado lang talaga akong natakot.

Gusto ko siyang yakapin, gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kalaki ang  pagsisisi ko  kung bakit di ko siya binalikan agad.Gusto kong sabihin sa kanya na minahal ko naman talaga siya.Pero alam kong  di nun kayang ibsan lahat ng pasakit na alam kong ako ang  may dulot.

"Sabihin mo lang na mahal mo ako,hihintayin ko kung kailan kaya mo na akong ipaglaban kahit gaano pa katagal yan, mauubos lang ako at mapapagod pero hindi ako susuko.

wag mo lang ulit akong iwan" .

SHATTEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon