"Have you already seen your face in the mirror dude?" ni hindi man lang magawang tapunan ng tingin ni Juaquin ang kapatid niyang nagsasalita, Hawak hawak ang litrato ni therene ay unti unti na namang dumaloy ang kanyang luha, tila ba hindi ito nauubos.
"Hindi nga siya karapat dapat sa luha mo , that woman how dare- " hindi na nito natapos ang sasabihin pa sana ng biglang suntukin ni juaquin ang lamesa
"What the hell rianah! ngayon mo pa talaga naisipang sabihin ang mga yan? alam kong di mo gusto si therene, pero patay na yung tao, sana kahit ngayon lang respetuhin mo naman siya kahit konti"
"How can i respect her when she doesn't even deserve it, oo nga't wala na siya pero hindi ibig sabihin nun abswelto na siya sa lahat ng ginawa niya"
" what do you mean?" nalilitong tanong ni juaquin sa kapatid niya.
"Rianah, stop it!" siyang pagdating naman ni senyora Jaslyn at senior dymetrio na nagpatigil sa dalawa
"Oh there you are, my perfect grandparents! I'm surprise, so you guys haven't told kuya pa?" pabaling baling naman ang tingin niya sa tatlong taong kanina pa nagsusukatan ng tingin.
"This is insane ! sa harapan pa talaga ng burol ni therene ? lola may hindi ba kayo sinasabi sa akin?"
"wala! come on iho,papaniwalaan mo talaga tong babaeng toh? baka nakalimutan mong siya ang dahilan kung bakit muntik na kayong magkahiwalay ni therene dati! at ikaw babae ka anong ginagawa mo dito? ang kapal ng mukha mong magpakita dito,hindi ba't Tinakwil na kita?" akmang sasampalin ng matanda ang kapatid niya na mabilis naman na hinarangan ni juaquin.
"Ah kaya naman pala, pinapalabas niyo kay kuya na ako ang may kasalanan? sabagay okay lang naman sa inyo kahit masira ang buhay ng mga nakapaligid sa inyo basta lang masunod ang gusto niyo hindi ba lola? I mean senyora Jaslyn, senior dymetrio?"
"And by the way, andito lang ako para sunduin si kuya since wala naman ng rason para mag stay siya dito,it's time for him to go back. As for you kuya, you can stay hanggang sa mailibing si therene pero pagkatapos kailangan mo ng harapin ang katotohanan".
"What truth rianah?, please tell me kasi litong lito na ako! nagluluksa pa ako sa pagkawala ni therene, panibagong problema na naman" Tiningnan niya ang kanyang kapatid na para bang nagsusumamo na sabihin niya dito ang totoo.
" It's for you to find out kuya, if you wanna know the truth, then come with me after her wake. Isa lang ang masasabi ko, sigurado akong kamumuhian mo ang mga taong inakala mong mahal ka pag nalaman mo ang katotohanan. I'll be back kuya,sana pagbalik ko nakapag desisyon ka na".
"goodbye abwelo, abwela A DIOS!"
sinundan ng dalawang matanda ng matalim na tingin ang dalagang papalayo, habang si Juaquin naman ay naiwang tulala at litong lito.
"Are po ba ay itatapon ko na naman ma'am eirene?" napalingon siya sa kasambahay nilang kakarating lang.Ang tinutukoy nito ay ang bulaklak na pinadala sa kanya.
"kanino po galing ang bulaklak manang lilia?"
"kay sir Jacob ho are galing, ewan ko ba sa batang yun, araw araw kung magpadala ng bulaklak aba'y balak pa atang gawing garden itong bahay".
"kayo na po ang bahala kung anong gusto nyung gawin sa bulaklak"
"hala sige kung yan ang gusto mo, siya at ako naman ay mag aasikaso ng pananghalian may gusto ka bang ipaluto?"
"kung ano lang po ang lulutuin nyu yun na lang po"
"siya iwanan na muna kita"
naiwang tulala si eirene, isa sa gumugulo sa kanyang isipan si Jacob ang dati niyang kasintahan. Walang lingon likod si jacob nung iniwan siya nito hindi man lang siya pinakinggan nito. Awang awa siya sa sarili niya nung mga panahong yun na halos kwestiyunin niya kung may kulang ba sa kanya, ngayon gusto nitong bumalik kung kailan wala na siyang nararamdaman para dito.
Tunog ng kanyang cellphone ang nagpatigil sa kanyang malalim na pag iisip.
"Hi did you like the flowers? Those are your favorites" masiglang bungad nito
" Jacob, I appreciate your efforts pero pwede bang itigil mo na to?"
"Wala na ba talagang pag asa, eirene? Alam kong nagkamali ako dati pero nagbago na ako, hindi pa ba sapat ang mahigit tatlong taon kung paghihintay? I love you eirene, please comeback to me".
"you're too late jacob! i don't love you anymore, pag nakikita kita ang naalala ko lang ay puro sakit.Minahal kita ng buong buo pero nagawa mo pa din akong saktan, kaya please tigilan mo na to!" tuluyan na niyang binabaan ng tawag si jacob, pakiramdam niya nabunutan na siya ng isang tinik. Kung alam lang niya na gagaan ang kanyang pakiramdam kapag nasabi na niya ang gusto niyang sabihin, sana ay matagal na niya itong ginawa.
"siguro nga tama si keisha, masyado ko nang kinukulong ang sarili ko.kailangan ko ng lumabas at harapin ang reyalidad".
" you cannot make me stop Eirene! not until you're mine again, akin ka lang!"
BINABASA MO ANG
SHATTERED
Fanfictionsa kagustuhan king buohin ka, ako naman ang unti unting nauubos at nawawasak..