MMI: 1

7 0 0
                                    

Alas dos na ng madaling araw ng matulog ako , meron kasi akong binabasang bagong labas na libro na binili ko kanina sa book shop malapit dito sa bahay, kanina kasi sa school nakita kong halos lahat ng kaibigan ko ay meron ito maganda at bago daw na labas at sikat ang nagsulat yun ang kwento nila sa akin kayat wala na akong alinlangan pang bumili nito, ng maalimpungatan ako sa ingay ng alarm clock kaya kinapa ko ito sa may ulunan ko kasi kanina pangtunog ng tunog, at nung nakapa ko ito ay agad ko namang pinindot ang off button nito

"Denver"  sigaw na tawag sa akin ni mama

"anong oras na may plano ka bang pumasok" sermon nito sa akin

"pumunta kana sa hapag at nandun na ang makakain ipapahanda ko lang kay manang yung dadalhin mo papunta sa school" dagdag pa nito

" opo" sagot ko sa kanya agad naman akong bumangon at pumasok sa banyo at naghilamos at nagsipilyo at naligo narin at chaca ako bumaba sa dinning area at umupo, pagkaupo ko ay nakita kong inaayos ng katulong namin ang mga kakainin sa hapag napansin ko naman na may mga plato na ng nagamit sa lamesa kaya nagtanong ako sa katulong namin

"manang asan si mama si papa at si mae"  tanong ko sa yaya namin dito sa bahay bali sampu silang ditong nagtratrabaho sa bahay kasi hindi naman kaya ni mama magisa kasi may work siya pati rin si papa kaya madalang lang sila umuwi,  oo nga palagi silang outoff town pero puro work naman kaya kami ni Mae kapatid ko at mga yaya namin ang naiiwan dito sa mansion kaya boring kung minsan kaya pagbabasa at paglalaro ng vedio game ang libangan ko

sikat at may track record of success ang kompanaya nila mama at papa na wedding gift ng mga magulang nila sa kanila na kilala rin sa pagiging negosyante at kilala sa buong mundo at mas lalo dito sa pinas kilala ang aking pamilya sa pagiging mabait, matulungin at easy to approach kayat di maikakaila na every success na natatamo ng kompanya ay nagbibigay sila ng mga hygiene things, school supplies and cash assistance sa mga charity dito sa maynila at isa sa mga ito ang tulong tulong tayo orphan na palaging tinutulunangan namin

kaya eveytime na magsasalo-salo kami sa hapag ay palaging sinasabi ni papa na "Denver anak iho pagigihan mo ang pag-aaral mo ha kasi kung matanda na kami ng mommy mo ay ikaw naman ang mamahala ng ating kompanya" malumanay at may sinseridad na sabi nito na alam naman nila na I like boys more than a girl kaya alam nilang hindi masasayang ang kanilang pinag hirapang company in other way walang babaeng magpupukaw ng aking atensyon upang ibaling ko ito at ituon sa babae ang atensyon kaysa sa company kaya na kakasiguro sila

"at ikaw naman mae itigalan mo yang kakacellphone mo yang pag-aaral mo ang atupagid mo cellphone ng cellphone nak iha ikaw at kuya mo ang magtutuloy ng kompanyang nasimulan namin ng mommy mo kaya kain na hindi yang cellphone" sabi nito sa aking kapatid apaka hilig kasing magcellphone habang nasa hapag eh ayaw ni papa nun kaya sinabi ko sa sarili kona I will do my best to finish my study and be a CEO of our company

"Ayy ser nauna na ang papa niyo ser kasi meron daw siyang appointment ngayong umaga kaya sumabay na rin si maam mae papasok ng school" paliwanag nito

"maraming salamat po" tugon ko sa kanya, ngumiti naman ito at umalis na

"nak kain kana at ihahatid pa kita sa school" sabi ni mama na may ngiti sa labi kaya numiti rin ako kukuha na sana ako ng kanin ng nagsalita si mama na akmang hihigop na sana ng kape ng makita niya kong kukuha ng pagkain kaya binaba niya ang hawak niyang kape at nagsalita

"ako na nak" at kinuha ang aking plato at nilagyan niya ng kanin at ulam ng matapos ay inilapag niya ito sa aking harapan at muling nagsalita

"nak kain kana at ihahatid pa kita sa school niyo" sabi nito kaya nung na inom na niya ang kape niya ay inayos na niya ang kanyang sarili at kinuha na ang kanyang bag at sinabing

"nak bilisan mo diyan at tanghali na malelate kana hintayin kita sa car" sabi nito " opo" sagot ko naman

apaka palad kong meron akong maalala at mabait na mama sabi ko sa aking sarili ng mapatingin ako sa digital wall clock ay six o'clock na pala kaya ng matapos na ako ay agad konang kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay lakad takbo ang ginawa ko kasi kanina pa naghihitay si mama sa kotse

"antagal naman ng batang yon" rinig kong sabi nito ng buksan ko ang pinto ng kotse

"ma let's go late na ako" sabi ko

"sige let's go" tugon naman nito kaya nung nakaupo na ako at sinara na ang pinto ng sasakyan ay pinaandar na niya ang makina at umalis na kami

nasa kalgitnaan na kami ng biyahe ng nagsalita si mama "nak anong oras ka ng natulog kagabi kasi kita ko yung ilalim ng pinto mo buksas pa yung ilaw mo" tanong nito sa akin

"wala ma nag babasa lang ako yung binili ko kahapon sa book shop malapit sa bahay natin nagandahan kasi ako kaya hindi kona namalayan ang oras alas dos na poako natulog" sagot ko sa tanong niya ng hindi ko namalayan na andito na pala kami sa harap ng gate ng school ko kaya bumaba na ako at nagpaalam na ako ng saktong naka baba na ako at papasok na ako ng gate ay binaba niya ang bintana ng sasakyan at nagsalita kaya lumingon ako sa kanya

"nak baka hindi na kita maya masundo kaya tawagan mona lang si mang kamo para sunduin ka" paliwanag nito

"opo, ma no probs" sagot ko kaya ngumiti naman siya kaya ngumiti naman ako sa kanya ng naka alis na ito ay pumasok na ako ng gate ng school











-----------------
please like, comment and vote to share you're opinions and I'm willing to appreciate it and  improve my writing skills. please don't be hursh on me I'm just starting thankies 😁

Meeting My idoL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon