Habang binabaybay namin ang daan ay inopen ko ang aking phone at ikinonect ang earphods sa phone at inilagay sa tainga at sa aking pagsasasound trip ay nakapagisip isip ako "having a hard day like this, I'm so tired" sabi ko sa aking utak kaya diko namalayang naka tulog na pala ako
naalimpungatan lang ako nung nagsalita si Mang Kamo "ser gising na po kayo andito na po tayo" malumanay na sabi nito
"salamat po Mang Kamo" pagsasalamat ko na ikinangiti naman niya ito sa ngumiti rin ako sa kanya
Pilit kong inaalala ang mga nang yari ngayong araw pero hindi parin ako makapaniwala na yung idol ko nag aaral sa school kung saan ako nagaaral at kaklase kopa tapos niyaya niya ako maging assistant niya sa exhibit this week diba hindi kapanipaniwala in just one day sabi ng utak ko habang nakahiga at nakatingin sa kisame ng kwarto sa aking pagiisip ay diko na malayang naka tulog na pala ako
A few days past at eto na nga ang araw ng exhibit ewan koba kanina pa ako kinakabahan kanina pang pagpasok ko ng school andito ako ngayon sa loob ng room at hinihintay ang tawag ni Adam dahil sabi niya kanina sa akin tawagin niya na lang ng biglang may kumaripas ng takbo sa corridor na rinig sa room kaya napatingin naman ako sa pintuan at yun nga, nagtagpo ang aming mga mata at napagmasdan ng lalo ang mukha nito na napakgwapo na para bang siya lang yung nakikita ko na nagpatulala sa akin
"huwag masyado ang tingin baka matunaw" sabi ni David sa akin
"beh yan na siya" sabi naman ni Ica na ikinatango ko naman
Lumapit siya sa akin na hinahabol ang hininga niya ngumiti muna ito bago nagsalita "Denver tara na" anyaya niya sa akin na ikinatingin nina Ica Dara at David sa akin na nasa tabi ko na kanina pang nagchichikahan
"huy teh tinatanong ka" sabi ni Dara sabay kinalbit nito sa akin na nagbabalik sa aking huwisyo
"ahh" tanong kong sabi
"hala bingi bingihan ang anti niyo" dugtong pani Dara na ikinatuwa naman ni Adam
"sabi ko po, tara na po" sabi ni Adam na inilapit pa ang mukha niya sa akin kaya
"ahaahha oo tara na" sabi kong ganon at inilipat ang tingin sa iba at lumayo na ito saka ako tumayo
"Hala siya" rinig kong sabi nilang tatlo na may patakip takip pa ng bibig
bago kami makalabas sa room rinig sa tinig nilang kinikilig sila
habang binabaybay ang daan patungo sa pagdadarausan ng exhibit dito sa school
"Denver" panimula nito
"bakit" tanong ko naman sa kanya
"para sayo" sabi nito saka abot sa akin ng bottle juice
"thank you" pagsasalamat ko sa kanya ngumiti naman siya bilang tugon saka ininom ng binigay niya
Nasa pwesto na kami kung saan siya assign dito sa exhibit hall at ang sabi lang niya lang sa akin ay umupo lang daw ako dito kaya pumayag na ako at sya naman ay nasa harap ko nakatayo at nagoottograpgh ng mga libro niya na galing sa mga fans niya na naka linya ngayon sa harap niya
minsan minsan naman ay may nagpapapicture sa kanya at ako pang ginawang photographer nila kaya tawa tawa naman siya kaya tumawag ako ng ibang magpipicture sa kanila at umupo na ako sa kinauupuan ko kanina
Pagkatapos ng otograph at picture taking ng mga fans niya ay tumabi siya sa akin at nagsalita "okay ka lang" tanong niya sa akin sabay abot ng milkshake
"uyy salamat Nako ikaw ha nakakarami kana" tuksong pagsasalamat ko sa kanya
"naku wala yun.......basta ikaw" sabi nito na medyo may kahinaan ang boses sa bandang dulo pagkasambit niya
"anong sabi mo" tanong ko sa kanya at simipsip sa milkshake na binili niya para sa akin
"wala" tugon nito
"ano" sunod kong tanong
"sabi ko wala yun" sagot niya
"di yung last na sinabi mo" tanong ko ulit sa kanya
"ahh" parang gulat na sabi nito
"anong ahh" tanong ko ulit sa kanya
"wala kako sabi ko inumin mona yan bago pa mawala yung lamig niyang milkshake" mahabang sabi nito kaya tumango na lang ako na ikinangiti niya ng biglang tumawa siya out of no where kaya napatingin ako sa kanya
"baliw" mahina kong sabi
"cute" rinig kong sabi niya
At nang matapos na nga at naligpit na ang lahat ay tinignan ko ang oras sa phone ko at nilibot ang paningin sa paligid na mag gagabi na kaya agad naman akong tumakbo papunta sa room at kinuha ang bag at tinawagan si mama
"oh nak anong oras na hindi ka ba uuwi" alalang sabi niya sa kabilang linya
"nak pupunta na gan si manong kamo para sunduin ka hintayin mona lang" dugtong niyang sabi sa kabilang linya
"opo ma sorry" sabi ko sa kanya
"ok lang basta huwag ng mauulit" sabi nito sa kabilang linya
"opo" sagot ko naman
Kaya agad naman akong pumunta sa waiting shed at hinihintay si Mang Kamo at wala pang ilang minimuto ay dumating na siya kaya sumakay na ako sa pagsara ko ng pinto ay may narinig akong sumisigaw
"Denver wait Denver sandali lang" humahangos niyang tawag pero hulina nung umandar na ang kotse at humarurot paalis
-----------------
please like, comment and vote to share you're opinions and I'm willing to appreciate it and improve my writing skills. please don't be hursh on me I'm just starting thankies 😁
BINABASA MO ANG
Meeting My idoL
General FictionA guy named Denver Renior Friedrich, named after a painter because his family loves painting abstract and a boy who loves reading novels, but one day her life change because her one time big time idol named Adam Timothy Sandler a novelist come and e...