9

1.3K 33 1
                                        

Umuwi si Kael mula sa condo ni Aisha, puno ng saya. Pagpasok niya sa bahay, sinalubong siya ni Nanay Silya na papalabas mula sa kwarto ni Aishka.

"Kael! Nakauwi ka na pala!" masiglang bati ni Nanay Silya.

"Ah, opo Nay. Mano po," sagot ni Kael, yumuko bilang paggalang.

"Tulog na po ba?" tanong niya.

"Oo, anak, kanina pa," sagot ni Nanay Silya, may ngiti sa kanyang mukha.

"Kumain ka na ba? Halika sa baba, baka nagugutom ka," alok ni Nanay Silya, nagtuturo patungo sa dining area.

"Kumain na po ako kanina, Nay. Ikaw po, bakit hindi ka pa nagpapahinga? Anong oras na?" tanong ni Kael, nag-aalala.

"Hinihintay kita, anak," sagot ni Nanay Silya, tumingin sa kanya ng may pagmamalasakit.

"Ho? Eh, bakit po?" nagtatakang tanong ni Kael.

"Ah, basta," sabi ni Nanay Silya, tumawa ng bahagya.

"Masaya ka ba, anak?" tanong ni Nanay Silya, habang umuupo sila sa dining table.

"Subrang saya po," sagot ni Kael, nakangiti.

"Sino ba 'yang swerteng babaeng nagpapatibok ulit ng puso mo?" tanong niya.

"S-si Aisha po," sabi ni Kael, may halong kaba.

Nanlaki ang mga mata ni Nanay Silya. "Ano? Segurado ka ba, anak? Alam mo namang may asawa na siya, hindi ba?" sabi niya, halatang nag-aalala.

"Opo, Nay. Mahal ko pa rin po siya hanggang ngayon," sagot ni Kael, seryoso ang tono. "Sabi ko naman, siya ang una at huli kong mamahalin."

"Pero Kael," seryosong tanong ni Nanay Silya, "bakit si Aisha pa rin? May asawa na siya. Hindi ba dapat kalimutan mo na siya? Paano ang magiging buhay niyo?"

Tumingin si Kael pababa, malalim ang iniisip. "Nay, hindi ko kayang kalimutan si Aisha. Hindi ito dahil naaawa lang ako sa kanya, pero dahil mahal ko pa rin siya. Mula noon hanggang ngayon, siya ang una kong minahal. Wala silang anak, at alam kong nasasaktan siya sa piling ng asawa niya. Gusto ko siyang tulungan. Ayokong pabayaan siya."

"Baka naman naaawa ka lang dahil sinasaktan siya ng asawa niya?" tanong ni Nanay Silya.

"Hindi po, Nay. Oo, naaawa ako dahil alam kong nahihirapan siya, pero hindi yun ang dahilan kung bakit gusto ko siyang tulungan. Mahal ko pa rin siya, at hindi nagbago 'yon kahit kailan. Kaya gusto ko siyang iligtas sa sitwasyon niya."

Tahimik si Nanay Silya saglit, tumingin kay Kael ng may malalim na pag-aalala. "Hayss, ikaw talagang bata ka," sabi ni Nanay Silya, nangingiti pero puno ng alalahanin. "Sige na nga, anak. Kung saan ka masaya, susuportahan kita. Pero isipin mo, hindi ito magiging madali. May asawa si Aisha, at kahit walang anak, maraming responsibilidad ang kailangan mong harapin. Mahirap ang sitwasyon, kaya kailangan mong pag-isipan nang mabuti ang lahat ng hakbang mo."

"Alam ko po, Nay. Pero handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Hindi ko siya kayang pabayaan," sagot ni Kael, puno ng determinasyon.

"Basta, anak," sabi ni Nanay Silya, hinahawakan ang kamay ni Kael. "Mag-ingat ka. Hindi simple ang sitwasyong ito, pero kung talagang mahal mo si Aisha, sana magawa mo ang tama para sa inyong dalawa."

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now