"BRO-mantic Disaster"
TAPalacio"Pareng Mike, todo pormahan natin ha?" bati ni Dave sa kadorm-mate.
"Syempre, pogi ako e."
"Psh! Lakas ng ulan sa labas e, dito ka na lang sa dorm. Tara, shot." sabay abot ng tagay. Isang lagukan lang ito kay Mike.
"Sa'n ba kasi punta mo?" tanong ni Dave.
"Dun sa malayo." tugon nito na may pekeng ngiti "Hahanapin ko lang ang sarili ko."
"Baliw! Walang taong broken-hearted ang naghahanap sa sarili."
"Marunong ka pa sa 'kin!"
"I-acknowledge mo kasing nasaktan ka. Basted ka, so what?"
"Tapos? Iiyak ako sa harap mo, gano'n?"
"Bakit hindi? Gusto mo ipaheram ko pa 'tong balikat ko e, dito ka umiyak."
Bigla na lang nanikluhod si Mike, umaagos ang luha niya, pati uhog.
"Bakit gano'n pre? Ginawa ko na'ng lahat para kay Trixie... kaso sa de-kotse pa rin sya sumama."
Niyakap ni Dave ang nagdadalamhating kaibigan saka hinimas ang likod nito.
"'Yaan mo na pre. Balang araw, darating din yung babaeng handa kang sabayan sa paglalakad."
CTTO of the photo:
https://pin.it/6vaQN45JC
YOU ARE READING
Whispers In The Rain
RandomWhispers in the rain lingered by the wind and each drop held unspoken words. The world around us is drenched, yet in the quiet between the storm, it's our whispers that fill the space-soft, fleeting, but unforgettable. The rain may wash everything a...