22 | Underground

1 0 0
                                    

- √× Warning

Alphabet Letter Z Number Sixteen's Point of View

" It's time everyone. " tayo ko at agaw sa atensyon nila, " It's Sunday in the afternoon?~ " ngiting palakpak ko na ikinasimangot ng karamihan at nagreklamo.

" All done on their tasks? " lapit ni Zetsu sa akin at tanong sa kanila, na agad nilang sinagot ng pagtayo.

Nang makita namin na lahat sila ay tapos na, pinitik ko ng isang beses ang daliri ko sa ere kasunod nang biglang pagsara ng lahat ng bintana at pintuan.

Umakbay sa akin si Zetsu at nauna kaming pumunta sa hagdan, siya ang pumihit ng isang frame doon at hinyaang tumiklop mag-isa ang hagdan para lumitaw ang isang hagdan pababa, kasabay nito ang pag-ilaw ng sulok ng kwarto para makita namin ng maayos ang bawat hagdan.

Nang makababa ng tuluyan at pinundot ko ang lahat ng switch dahilan para magbukas ang lahat ng ilaw. Sunod-sunod na rin silang bumaba nang hindi katagalan ay mag-ingay ang alarm sa underground at naging pula ang kulay ng ilaw.

" Huh? " nagkatinginan kami ni Zetsu nang ang nasa hagdan ay si Zero at ang karga niyang pusa niya, na ngayon ay natigil habang nakatingin ang lahat sa kaniya.

" Zest... " naguguluhang aniya, hindi pa rin umaalis sa pwesto niya.

" Akyat ka muna ulit, paunahin mo ang iba. " tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni Zetsu sa akin at hinayaan silang bumaba, sa pagkakataong ito ay tumigil ang alarm, ngunit tumunog ulit nang si Dos na ang bumaba.

Tumigil ito at kinuha ang lahat ng laman ng bulsa niya at hinagis ang mga ito sa taas, cellphone at susi. Nagpatuloy siya nang mawala ang tunog, nagpatuloy ang lahat hanggang si Zero na lang ang natira.

" Come. " abot ko ng kamay ko sa kaniya, nang marating niya ang gitnang bahagi ng hagdan ay muli na namang tumunog ang alarm.

" Ano bang meron sa alarm niyo? "

Natigil ako at naestatwa habang nakatingin sa kaniya, " Give me my gun, Zetsu! " mabilis na inabot niya sa akin ang baril na agad kong ikinasa at itinutok sa kaniya, " It's a device that can detect unknown devices. And a higher technology. The system cannot analyze what kind of system it was, so it triggers the alarm. " the alarm doesn't triggered anything when Reagan comes since the system already have a record of hers.

Tahimik ang lahat na nakamasid sa amin. Kinapkap niya ang bulsa at nang walang makapa ay nilingon niya ang pusa na nakatingin rin sa kaniya. Napakurap ako ng bahagya ng biglang magbago ang reaksyon sa kaniyang mukha, bago siya muling umakyat at iwan ang pusa, " Xanji, sit. " hinalikan niya ang ulo nito at muling bumaba, nang hindi tumutunog ang alarm.

" I'm glad I didn't have to use it for you. " ngiti ko at ipinutok iyon kay Dos, pangkuryente lang naman 'to, pero nanlaki ang mata ko nang tapikin niya lang iyon palayo sa kaniya at muling inilagay ang kamay sa loob ng bulsa, " What the?! " nginisian niya ako at binalingan muli si Zero.

" Fuck them... " mahinang bulong niya habang tumatawa, " No please, Ji. No... " umiiyak na aniya habang umaakyat, niyapos niya ito at kinaba ang benda na nasa kanang bahagi ng dulong paw nito, " Ji... " bahagyang nanginginig ang magkaparehas na kamay niya habang mabilis na tinatanggal ang benda.

" Let me do it. " kinuha ko sa kaniya si Xanji at pinagpatuloy ang pagtanggal ng benda sa paa niya, nang makapa ang matigas at maliit na bagay doon ay kinuha ko ang kutsilyo na inihagis sa akin ni Zetsu, marahan kong hinimas ang ulo niya bago siya makatulog sa ginamit kong teknolohiya. Agad kong binuksan ang sugat niya at kinuha ang kanina ko pang hinala, " We're fucking tracked. " agad na dinurog ko iyon at mabilis na pinahilom ang sugat nito, " Get your guns! " mabilis na kilos namin nang biglang mag-ingay ang alarm ng buong bahay.

Love Warning ( Anres Flocient School Series #1 )Where stories live. Discover now