Chapter 1

154 20 7
                                    

Sera

Sera can be compared to a mannequin. No feelings, no life. Sera merely complied with everything they told her to do. Nakatulala lang siya sa kawalan, walang partikular na tinititigan. Ang mga mata'y tila walang mababakas na buhay. Walang sigla. Mga matang tila sumuko na sa laban ng kapalaran.

Today is her wedding day. She wears a beautiful white, long-sleeved, turtleneck dress adorned with Swarovski stones. It's elegant and conservative. But behind the modest design, she knew the dress was chosen by her father to hide the wounds and bruises on her body.

Alam kaya ni Mr. Cardenas na ang nabili niyang asawa ay nababalot ng mga sugat ang buong katawan sa ilalim ng isang napakagandang damit pangkasal? Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

Ah, hindi na niya marahil nais pang malaman. Makakaalis man siya sa bahay na ito, makakalayo sa malupit niyang pamilya. She'll only be transferred to another hellish place. Nevertheless, wouldn't it be less painful to be hurt by someone who isn't her blood? Because she wouldn't need to ask why they had to hurt her.

Why they had to be so cruel...

"We're done," pukaw sa kanya ng make-up artist. She looked at herself in the mirror. Aside sa malulungkot niyang mga mata, mukhang buhay na buhay ang kanyang mukha dahil sa make-up. Hindi siya sinasaktan ng ama sa mukha, marahil nag-aalala itong mahalata ng iba ang kalupitan niya.

May isa pang kawaksi ang lumapit sa kanya at iginigiya siya palabas ng silid na kinaroroonan nila. Bahagya siyang napapiksi nang maramdaman ang kirot sa mga sugat niya. Kumikiskis sa balat niya ang tela habang lumalakad siya. She felt like her wounds were reopening, and she wanted to collapse.

Pero hindi siya maaaring tumigil o mahimatay. Gaano man kalupit ang lugar na mapupuntahan ay mas tatanggapin niya na iyon kaysa manatili sa lugar na ito.

Sa sala niya nakita ang ama at ang kapatid. Bakas ang pagkainip nito habang humihitit ng tabaco. Si Maribelle naman ay prenteng nakaupo sa sofa habang abala sa iphone nito. Parehong nakabihis na ang mga ito. Si Maribelle ang tatayong brides maid niya dahil wala namang ibang inimbitahan sa kasal niya. Tanging siya, ang ama at si Maribelle lang ang dadalo sa partido nila. Hindi niya lang sigurado sa partido ng groom.

"Punyeta! Napakatagal nin'yo!" galit na mura ng daddy niya.

"Dad, relax. Baka ma-stress si Sera at mas lalong pumangit. Kasal niya ngayon remember?" nang-iinsultong sabi ni Mirabelle, ni hindi ito nagtaas ng tingin mula sa cellphone nito.

Agad na umaliwalas ang mukha ng daddy nila. "Once you're married to that son of a bastard Cardenas, he'll send me the money he promised for your marriage to him."

Akala niya sa sakit ng katawan na nararamdaman niya hindi na siya makakaramdam ng kahit anong sakit pa mula sa mga sinasabi ng daddy niya. Pero hindi napigilan ng pamamanhid ang sakit ng mga salita nito. Para iyong kutsilyong humihiwa sa kanyang puso.

Why couldn't they find it in themselves to love her? Why did they have to blame her for the death of her mother? Namatay ang mommy niya bago pa man niya ito makilala. Namatay kasi ito sa panganganak sa kanya. Hindi nita ginusto ang nangyari, ang mawala ito. She, too, longed for her mother. She yearned to feel a mother's embrace. She wanted to confront them, but not a single word came out of her mouth. Yumuko na lamang siya para itago ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

"Let's go!" utos ng kanyang ama na nauna ng lumabas kasunod si Mirabelle. Sumakay sila sa puting bridal car. Katabi niya ang daddy niya sa back seat. Kagat-kagat niya ang pang ibabang labi. Nararamdaman niya ang lagkit sa kanyang mga hita. Dumudugo na yata ang mga sugat niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bound by Shadows: A Dangerous VowWhere stories live. Discover now