CHAPTER 52 - Wish or Hope

9.6K 281 41
                                        

MIKAELA'S POV

Nakauwi na kami ni Jaz at kasalukuyang nandito kami sa condo ko, nakaupo ako at tulala habang naiisip yung mga bagay na nangyayari ngayon

Galit at sakit ang aking nararamdaman..

"T*ngina sana hindi ko na lang pala naalala"

Padabog akong nagaayos ng gamit hanggang sa hinawakan ako ni Jaz sa braso ko at napatingin sakanya.

"Miks calm down" mahinahong sabi ni Jaz kaya napahinto ako sa ginagawa ko tapos napaupo na sa kama.

"Nagsisisi ka na ba ngayon dahil naalala mo?" Pagtatanong niya kaya napatingin ako sakanya

Napagtanto ko na nagsasabi pala talaga ng totoo si Jaz, at tama siya na aksidente ako dahil kay Addison... At sobra akong nasaktan ni Addison.

Kaya siguro hiniling kong makalimutan ko na siya para makalimutan itong galit at sakit na nararamdaman ko ngayon..

Lumapit si Jaz sakin at hinawakan niya sa pisngi..

"Miks kumalma ka muna okey?" She said tapos naglakad siya papuntang kitchen at kumuha ng tubig at inabot sakin..

"Inom ka muna ng tubig" sabi niya at kinuha ko naman at ininom ito..

"Dapat pala naniwala na ko sayo, naniwala na ko sa sinabi mo.. sana nga hindi ko na lang naalala" sabi ko na may halong inis at galit sa boses..

Hinawakan niya ako sa kamay at umupo siya sa gilid ko..

"Nandito lang ako Miks hindi kita iiwan at pababayaan magisa" malambing niyang sabi..

Medyo kumalma ako dahil sa sinabi niya at super thankful ako dahil sinama ko si Jaz sa vacation na yun, baka kung hindi ko siya kasama hindi ko na alam ang gagawin ko..

Niyakap ko si Jaz at bumulong ng "Thank you"

Yumakap siya pabalik sakin at hindi naman nagtagal agad din kaming umalis sapagkayakap..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
3 month later
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Wala na akong narinig mula kay Addison at sa mga kapatid ko, wala rin akong balita sa kasal ni Addison at tingin ko ngayon ay masaya na siyang kasama si Justin at bumubuo na ng pamilya..

At mas lalong iniiwasan ko yung topic about kay Addison dahil ayoko ng marinig siya or matopic yung about samin dahil na triggered lng ako at naiinis kapag naalala ko.

Masakit pa rin sakin hanggang ngayon lalo na kapag naalala ko na sana ay may anak na kami..

Nagfocus ako ngayon sa work ko at hindi ko na inatupag pa yung mga bagay na yon pero hindi pa rin naman nawala sa isip ko yon at minsan naiisip ko pa din..

Kung hindi lang niya sana yun pinalaglag sana may maganda kaming pamilya ni Addi.

I love Addison at hindi na yon mawawala sakin, pero it's too much na din, tama na din siguro kasi sobrang hirap at sakit na..

Matagal na taon niya na kong itinago, matagal na panahon na kong naghintay para makabuo ng pamilya sakanya pero pati yon ay inalis niya..

And tignan mo naman now diba pinili niya pa rin yung lalaking yon halos parang hindi na nga niya ko napili umpisa palang..

Hindi naman ako pantago lang at sobrang tanga ko pala nung mga panahon na yon, nagpakatanga ako sakanya, at hinayaan ko lang siyang gawin niya yun sakin..

Grabe na pala yung kabulagan ko sakanya na halos hindi ko maisip kung paano ko nakayanan ng ganon katagal sakanya..

Napasandal ako sa upuan ko, nandito pala ako ngayon sa office ko at kakatapos ko lang gawin ying reports ko for funds ng bagong project ko.

AROUSES 🔞 (UNDER MAJOR EDITING)Stories to obsess over. Discover now