MIKHAELA DE VALOIS
ADDISON SMITH POTENZA
[intersex]
A pleasure that can destroy your peaceful world?
🚨Content warning🚨: This story contains depictions of violence, hateful speech and sexual explicit content that may be upsetting for some readers...
Sa dumaan na buwan ay sobrang daming naganap, at muntik pa kong makunan dahil sobra akong na stress sa kaganapan.
Yung umuwi ako ng Manila agad kong sinabi yon kay Justin na baka hindi siya yung ama ng pinagbubuntis ko, nagalit siya sakin at pinipilit niyang siya yung ama, pero may part sakin na nararamdaman kong si Mika, dahil before we did it mas naunang may nangyari samin ni Mika.
Sinabi ko yon kay Justin at galit na galit siya sakin at ayaw niyang I postpone yung kasal..
Pero nung kinaumagahan na nung araw ng kasal namin ay dinugo ako kaya sinugod ako sa hospital at ang sabi ng doctor dahil sa stress ko at possible na makunan ako kung magtuloy tuloy kaya ang advice ng doctor na ilayo muna ako sa ikakastress ko.
Kaya ngayon nandito ako sa bahay nila Max at lumayo muna ako kala Mom at Justin dahil sa totoo lang sila lng yung stress sa buhay ko eh..
Inaalagaan ako ni Max pati ni tita Ivy dahil ayaw ni Celine na pabayaan ako ng ganun ganun lang at nararamdaman daw niya na magiging tita na siya at naniniwala siyang kay Mika itong dinadala ko..
Nagkaroon kami ng kasunduan ni Justin na kapag lumabas na siya yung ama ng dinadala ko, magpapakasal ako sakanya, pero kapag hindi... Ititigil na namin kung ano man ang matagal ng napagkasunduan..
Hanggang ngayon ay hindi ko na nakakausap si Miks nakablock ako sakanya sa lahat at sabi nila Celine at Max galit na galit pa rin daw si Miks sakin..
Kaya hinayaan ko na lang muna, naiisip ko na din yung possible kong gawin kung hindi nga kay Justin ito..
Baka ituloy ko na lang magisa yung sa England, at doon na lang kami mamuhay ng anak ko at marami naman na kong savings para magsimula magisa.
Tomorrow ay may check up ako dahil may schedule ako na magpacheck up 2 times a month.
May nagnotif sa phone ko at agad ko naman itong tinignan at laking gulat ko na galing kay Mika..
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Napagtanto na ata ni Miks na baka sakaling saknaya itong dinadala ko kaya siguro napachat na siya at sa wakas makakausap ko na din siya..
Pero mukhang para lang sa dinadala ko at hindi na para maayos yung samin... . . . . . . . ----ff---- . . . . . Hinihintay ko na lang si Miks dahil ang sabi niya ay susundin niya ko upang samahan magpacheck up...
Maya maya rin naman ay dumating na siya at she guided me pa papunta sa kotse niya pero hindi ko inaasahan na kasama niya si Jaz..
"Akala ko kaming dalawa lang, kasama pala yung linta"
Bigla ako nakaramdaman ng kirot sa puso ko pero pinilit kong wag na lang pansinin, sinabihan ko si Tita at sila Max na si Miks ang kasama ko ngayon
Actually nagulat sila nung sinabi ko yon, hinayaan naman nila ako at sinabi rin nila na baka ito yung pagkakataon para sabihin ko na lahat kay Mika pero paano ko kung may epal na kasama?
Nakarating na kami sa hospital, at nakapagpacheck up naman na ko, pero alam niyo kung alin ang nakakainis?
Kasi imbis na ko yung alalayan niya yung babae pa niya inaalalayan niya..
Nagiinit yung dugo ko parang sana hindi na lang ako nagpasama sakanya kung may kasama siya..
Natapos na yung check up at nakatingin lang ako sakanila na naguusap, masakit sakin na nakikita ko si Mika naganinto na ka okey kasama si Jaz
Gusto ko pa rin naman na maayos samin, pero mukhang hindi na..
Inaya nila akong maglunch pumayag naman ako dahil naghahanap pa rin ako ng tyempo para makausap ko si Mika..
Pero depunggal na linta ito.....hindi magawang umalis sa tabi ni Mika nakakainis hindi ko makakausap si Mika kung ganinto..
Nakatingin lang ako sakanila habang naguusap sila about ata sa project ni Mika..
Tahimik lang akong kumakain habang sila busy magusap, nakatingin lang ako sakanila habang may kirot sa puso ko..
"Kung sasabihin ko ba lahat may magbabago ba?"
Dahil kita ko sa mga mata ni Mika kung gaano siya kaokey na kasama si Jaz, kung gaano na sila kalapit ngayon sa isa't isa at masakit...ang sakit makita sa harap ko, na yung dating taong sakin ngumingiti ngayon ay sa iba na..
"Miks tingin ko talaga mas bagay sayo, ito yung susuotin mo ang ganda kaya" Jaz said
"Ahh yeah hahaha tapos ito suotin mo para partner tayo" sabi naman ni Mika..
Parang wala ako sa harapan nila, naisip ko bigla na baka mastress ako kaya nagkipit balikat ako at tumayo..
"Mauuna na kong umuwi, magttaxi na lang ako di mo na ko need Ihatid" I said at inaayos ko na yung gamit ko.
"Hatid ka namin" Sabi ni Jaz tapos napatingin ako
Nakatingin ako sakanilang dalawa...
Parang may desisyon nanamang nabuo sa isip ko, whenever kung sino man ang ama ng dinadala ko, gusto ko na lang magpakalayo at magisa ko na lang buhayin ito at wala na kong pakealam sakanila..
Pagod na talaga ako sa laban na ito, sobrang dami ko ng ginugol na panahon para dito, sobrang tagal na ko nakikipaglaban para sa relationship namin
At ngayon parang binibigyan na ko ng sign ulit na itigil ko na...
"Jaz mag commute ka na lang ihahatid ko si Addi may paguusapan din kami" Mika said tapos tumayo siya at kinuha niya yung gamit niya at lumapit sakin at kinuha yung kamay ko..
Naglakad na kami patungo sa kotse ni Mika at pinagbuksan niya pa ko ng pinto ng kotse, umupo naman na ko at ganon din siya.
Nagstart na siyang nagdrive...
"Miks hindi mo naman kailangan gawin ito kaya ko naman mag commute magisa" Sabi ko habang nakatingin sa window
"Paano kung may mangyari nanaman sa baby? Sakin masisisi dahil alam nila tita at ate max na kasama kita" sabi niya kaya napatingin ako sakanya
"Because of the baby kaya ka ganyan?" I said
"Yeah for the baby, kaya ginagawa ko ito Addison" sabi niya walang pagdadalawang isip
Tumingin ako muli sa window at hindi na umimik
Mukhang dahil sa bata na lang pala kaya niya ko muling kinausap at hindi na para ayusin yung amin, so tingin ko kung anak niya itong dinadala ko mukhang balak niyang kunin.
Nakarating na kami sa bahay nila Max, but this time ako na kusang nagopen ng pinto at nagulat siya dahil hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako..
"Hindi mo na kailangan magpakita sakin, sasabihan na lang kita kung anak mo ito o hindi" sabi ko na may inis at nilagpasapan ko lang siya na medyo may kabilisan sa paglalakad
"Addi..." Pagtawag niya na kinahinto at lingon ko sakanya
"Hayaan mo lang akong samahan ka sa check ups mo" sabi niya na may malungkot sa kanyang mukha na parang nagpapaawa..
"Please, para sa bata Addi" dagdag pa niya
"Papayag lang ako kung wala kang kasama na iba" sabi ko at tuluyan na kong pumasok sa loob.
Nakatingin ako sa bintana at nakita kong umalis na din siya kaagad..
Para sa bata na lang siguro kaya hahayaan ko siya... . . . . . . . . . . . . . . To br continue