DALAWANG luha ang sabay na pumatak
Mula sa mga mata mo na aking pinaiyak.
Iniwan ka sa alapaap
Na parang minsa'y hindi ka pinangarap.Naalala ko mula nang maging kaklase sa sekondarya.
Mula nang makatabi ka sa silya,
Naging partner pa sa Sibika
At sa harap ng klase ay magkasabay na nagpresinta.Nahulog ako sa iyo nang hindi inaasahan.
Ilang gawain din kasi ang ating pinagsamahan
Na madalas sa bahay ninyo tinatapos
Tuwing sa eskwelahan ang oras ay kinakaposBakit ngayon ko lang napagtanto?
Sana noon ay nakinig pala ako.
Ngayon tuloy, isa na lang alaala
Ang nakaraan nating pagsasama.
BINABASA MO ANG
Sintesis (Koleksyon ng mga tuláng bumubuo ng isang kuwento)
PoetrySa pamamagitan ng tatlumpu't isang tula'y isinalaysay, Kuwento ng dáting magkasintahang naghiwalay, Kung saan susubukan ng isa sa kanila Na muling maibalik ang pag-ibig na dati'y binalewala.