CHAPTER 10

536 15 3
                                    

Maagang-maaga, tahimik pa ang paligid nang magising si Aishka. Hindi siya mapakali dahil excited siya—weekend na! Kadalasan, weekends ang bonding time nila ni Kael, pero nitong mga nakaraang linggo, parang nalimutan na ni Kael ang kanilang weekend routine.

Habang tulog pa si Kael sa kabilang kwarto, pumasok si Aishka nang tahimik. May dala siyang maliit na unan at marahang ginising si Kael

“Gising na, Papa,” bulong ni Aishka.

Hindi gumalaw si Kael. Tumalikod pa ito at mas lalong nagbalot ng kumot. Hindi ito nakaligtas kay Aishka, kaya sinubukan niyang pukpukin si Kael ng unan habang natatawa.

“Paaaa! Weekend na! Bonding na tayo!”

Nagising si Kael na halatang groggy pa. Napakamot siya ng ulo at tuingin kay Aishka na nakangiti, tuwang-tuwa sa panggugulo niya.

“Aishka, ang aga-aga pa. ‘Di ba puwedeng mamaya na lang?” sabi ni Kael na halatang gusto pang matulog.

Pero hindi nagpatinag si Aishka. Hinila niya si Kael palabas  kama.

“Sabi mo ‘pag weekends, bonding tayo! Baka makalimutan mo na naman. Porket may nililigawan ka na, hay...” sabi ni Aishka, kunwari’y nagtatmpo.

Natawa na lang si Kael habang nakatingin sa determined na mukha ng anak. Alam niyang wala siyang kawala, kaya bumangon na rin siya, napapangiti.

“Okay, okay! Ano bang gusto mong gawin ngayon? Movies? Park? O kakain tayo ng paborito mong pancake?”

“Lahat, Pa! Lahat!” sagot ni Aishka, excited na excited.

Matapos ang kanilang paghahanda, mabilis na sumakay sila sa kotse, si Kael ang nagmamaneho habang si Aishka naman ay abala sa pakikinig ng music gamit ang kanyang earphones.

Habang nasa sasakyan sila, tahimik na pinagmamasdan ni Aishka ang mga dumadaang tanawin mula sa bintana. Hindi nagtagal, binitawan niya ang earphones at tumingin kay Kael na nagmamaneho.

“Bakit kaya ayaw sumama ni Nanay Slya?” tanong ni Aishka, halatang nagtataka.

Sumulyap si Kael kay Aishka bago siya sumagot, binabalanse ang tono ng kanyang boses. "Alam mo naman si Nanay Silya, gusto niya ng konting pahinga ngayon. Minsan, mas gusto niyang mag-relax sa bahay kaysa lumabas."

“Kaso sabi niya dati, miss na niya mag-park kasama natin,” sabi ni Aishka, hindi pa rin lubos na natatanggap ang sagot.

Ngumiti si Kael, sinusubukang ipaliwanag nang hindi masyadong seryoso. "Siguro, gusto niyang bigyan tayo ng time na mag-bonding tayong dalawa lang. Gusto rin niyang magpahinga paminsan-minsan. Huwag kang mag-alala, baka sa susunod, sumama na siya ulit."

Tumango si Aishka, medyo napangiti. "Sana nga, Pa. Para mas masaya."

Ngumiti si Kael, binigyan si Aishka ng tingin na puno ng pagmamahal. “Huwag kang mag-alala, masaya rin tayo kahit tayong dalawa lang ngayon. Gagawin nating special ang araw na 'to.”


____


Nagising si Jerome dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata, laking gulat niya nang makita ang isang babae na nakaupo lamang sa gilid ng kama, nakatingin sa kanya. Naka-bathrobe ito, at ang buhok ay basa pa, halatang bagong ligo. Pagbangon niya, mas lalo siyang naguluhan nang mapagtantong wala siyang kahit isang damit na suot.

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now