SECTION ONE

15 2 3
                                    

AKI'S POV

NAGUGUTOM NA AKOOOOOO!!!


Ayan, ayang kataga na 'yan ang sumisigaw sa utak ko. Gutom na kasi talaga ako, gusto ko kumain sa Mcdo.


"Kain tayo sa Mcdo pagkadating ni Joan, pero kkb. Ano, g kayo?" Pagyaya ko sa kanila kumain.


"Ihh, gusto ko libre mo ako. Wala na akong pera, bakla ka." Pag-iinarte ni Thea.


"Sige, libre kita. Libreng sipa nga lang." Tumawa ako pagkatapos ko sabihin 'yon, sumimangot naman siya kaya nagsitawanan kaming lahat.


"HWJAHAHAHAHAHA!"


Nandito kami sa harap ng school, hinihintay si Thea. Sabay sabay kasi kaming magkakaibigan uuwi ngayon. Kaso si Jona naglilinis pa sa room nila since cleaners siya ngayon, kaya hinihintay muna namin siya matapos.


Punyeta naman kasi kung sa harap kami ng room nila maghihintay, napaka init. Akala mo impyerno na sa sobrang init eh.


"Hi mga baby ko!" Sigaw ni Joan na tagaktak ang pawis sa mukha habang papalapit siya sa'min.


"Bagal ha, gutom na kaya ako."
Pagrereklamo ni Kevin ng makalapit na siya sa'min.


Tumawa lang siya sa sinabi ni Kevin at tumayo na rin kami mula sa pagkakaupo namin.


Binigyan ko siya ng panyo pagkatabi niya sa'kin. Puta kasi, tagaktak ba naman 'yong pawis niya.


"Tanginang 'yan kasi, para kang nilublob sa tubig sa sobrang tagaktak ng pawis mo." Pinuna ko na talaga siya, nakakabother kasi 'yong tagaktak na pawis niya. Eh sa hindi ko na napigilan bibig ko eh.


"Ang init kaya sa room! Ayaw nila buksan 'yong aircon, parang mga gago eh." Umikot pa mata niya kaya nagsitawanan kami


"Oo, halata nga eh. HAHAHAHAHA." Sabat naman ni Bea.


"Kain tayo ha, Mcdo. Gutom na talaga ako isabay mo pa 'yong init. Punyeta talaga." Pagpapaalala ko sa kanila.


"Oo na, papunta na nga tayo sa Mcdo eh. WHAJAHAHAHAHA!"


Pagpasok palang namin ay humampas na agad sa'min 'yong lamig ng aircon. Shutangina, sarap.

MirrorWhere stories live. Discover now