SECTION TWO

9 2 3
                                    

DISCLAIMER: This chapter has many curse word that might not be appropriate for some readers.


AKI'S POV


"Daddy! Bakit ngayon ka lang? Miss na miss kita!" Sigaw ko habang papalapit.

"Namiss din kita, anak!" I saw  the corner of my dad's lips lift up kaya mas lalo akong natuwa at napangiti na rin ng napakalawak. 

Labis ang saya ko ngayon dahil nakita ko na ulit si dad after so many long years. Nasa ibang bansa kasi siya ng ilang years dahil sa trabaho niya. Hindi ko naman alam na ngayon pala ang uwi niya, noong tumawag kasi siya sa amin ang sabi niya ay baka next year pa siya makakauwi.

"Nakakatampo ka na dad, alam mo ba 'yon? Tsaka ka lang uuwi kung kailan umaabot ka na ng ilang years sa ibang bansa. Hindi ka nga nakapunta noong birthday ko...." Nakasimangot ako habang sinasambit ang mga hinanakit ko dahil sa ilang taon na hindi siya umuwi rito sa amin, sa Pilipinas.

Tumawa si dad kahit na nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Pasensya ka na, anak. Alam mo naman na busy ang dad mo sa trabaho. Hanggat hindi ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral at hindi pa kita nakikitang kayang tumayo sa sariling mong mga paa ay talagang magsisikap ako. Kahit na magkahiwalay pa man tayo, kung mabibigyan kita ng maayos na kinabukasan ay ayos lang sa akin. Makita lang kita na  masaya at nag-eenjoy sa buhay mo ay ayos na ayos na ako."

Nakangiting sambit ni dad kaya kahit gusto kong umapila ay hindi ko na ginawa at niyakap ko na siya. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang mga halik na dumadampi sa aking buhok. Miss na miss ko na talaga ang presensya ni dad, sana rito na lang siya palagi.


Kumalas na ako sa yakap at nakangiting tumingin kay dad.

"Kain na tayo, dad!"

Kumain lang kami at pagkatapos ay natulog na rin dahil maaga pa ako bukas.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga and when I say maaga means SOBRANG AGA. 3:30 nang nagising ako. Nag-ayos na muna ako at pagkatapos ay nakita ko nang gising na si dad kaya sabay na kaming kumain.

 I'm still a student; 9th grade, our schedule is very early. 5:00 ang simula ng klase namin kaya dapat mga 4:30 pa lang ay nasa byahe na ako, may pagkamalayo kasi ang school namin.

Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay dad na aalis na ako. Sa pagkakaalam ko ay sa November pa ang balik ni dad sa ibang bansa. I don't know why  though. Ang bilis nga eh, since August na ngayon.

"Sige, mag-ingat ka ha! Ang baon mo nasa wallet mo na, inilagay ko kagabi." Sigaw ni dad since nasa gate na ako at nasa loob siya ng bahay nang sinabi niya iyon.

"Opo!"

Habang naghihintay ako sa trycicle ay nilabas ko ang cellphone ko para magreview. I need to review kasi may recitation kami later sa Ekonomiks at Science. Hindi naman masyadong mahirap, sakto lang.

I have my reviewer sa app na InkaPro that really helps me when I'm in need. Basically, this app is just a flashcard thingy. But it really helps me a lot kaya lagi kong nagagamit. 

Habang nags-swipe ako sa mga flashcards ay may dumating na tricy kaya sumakay na ako. Nagbayad na ako kaagad pagkaupo ko palang para naman hindi ako magmadali magbayad kapag bababa na ako.

"Manong, para po." Bumaba na ako pagkapara ko. Nakarating ako sa school ng mga four fifty kaya dinalian ko na ang paglakad ko para hindi ako malate.

"AY, TANGINA!" Napasigaw at napamura ako. Paano ba naman kasi may nakabanggaan ako. Ang sakit pa ng pagkakabangga niya sa'kin. Napatingala ako para makita kung sino ba 'yong lapuk na nakabanggaan ko.


SHUTANGINA, BAKLA! ANG POGI!

Napansin ko kaagad ang mukha niyang mala anghel; malagintong mga mata, manipis na mga kilay, manipis na labi, matangos na ilong at lalong lalo na ang kaniyang napaka kinis na balat. Shuta, dinaig pa ako na babae. Ano kaya skincare nito? 

"Sorry, miss. Hindi kita nakita, okay ka lang ba?"

KINGINA, BAKLA!!! ANG LALIM NG BOSES!

"A-ano, oo, ayos lang ako. Thank you sa concern! Sige, una na ako kasi baka malate pa a-ako!" Shuta talaga, Aki! Utal-utal ka pa, parang ang bobo mo naman ngayon.

Tumakbo na ako kahit na nakita kong umamba siyang magsalita. Mal-late na kasi ako kung hindi pa ako tatakbo. 

Pagkarating ko sa room namin ay halos hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo ko. Kinakabahan pa ako kasi akala ko nandoon na si Ma'am Roque. But thankfully ay wala pa si ma'am. Umupo na ako sa upuan ko nang makita ko si ma'am na papasok na.

                                                                           -------------

Hi, babies! Ito lang muna since need ko na matulog kasi may quiz pa kami tom WHAJAHAHAHAHA. Wish me luck mga bakz!!! Sorry if maikili masyado, babawi nalang ako next chapter! 

Thank you for reading! Please; vote, follow, comment, and share!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MirrorWhere stories live. Discover now