18

3.8K 156 47
                                    


"Marcus, mabigat ba ako?" Mahina kong tanong

Hindi ko maiwasang itanong sa kaniya ito. Kanina pa niya ako karga sa likuran niya.

Sabi niya kasi ay doon na sa tapat ng West Central Elementary School kami maghihintay sa kotse nila. May pinuntahan yata muna iyong driver, pakiramdam ko naiwan siya dahil hinantay pa niya ako.

"Medyo...pero kaya ko." honest niyang sagot

Naka-piggy back ako sa kaniya. Mabagal at marahan ang paglalakad niya. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang nakayakap ang braso ko sa may leeg niya, sapat lang para makakapit ako.

"Puwede mo naman akong ibaba. Kakayanin kong maglakad." mahinang usal ko

Bahagya niya akong inangat para mas maging komportable ako.

"Natatakot ka bang mahulog?" sabi niya na may halong pabirong tawa

Pinagmasdan ko siya mula sa likuran.

"Hmmm..." mahina kong sabi bilang pag-sang ayon.

Nakakatakot, Marcus. Nakakatakot ang mahulog sa taong hindi mo alam kung kaya ka bang saluhin.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman mahuhulog."

Paano? kung alam kong nahulog na nga ako. Sa ilang beses na pu-puwede akong umahon pero hindi ko iyon sinubukang gawin dahil gusto ko ang pakiramdam na minamahal ka Marcus.

Kasabay ng katahimikan ng paligid, ang kulay kahel na langit. Ang pailang estudyante at sasakyang nagdadaan ay malamlam kong tinawag ang pangalan niya.

"Marcus..."

Kita ko ang paglingon ng ulo niya sa akin, at kaagad na binalik iyon sa daan.

"Hmmm?" alu niya

"Saan ka mag-college?" tanong ko, hindi sa dahil curious ako. Gusto kong itanong para alam ko kung hanggang kailan na lang ang oras ko kasama siya.

Sabi nila ay uuwi siya bansa nila at doon na mag-aaral. Matagal ko nang hinanda ang sarili ko para doon.

"I don't know. I'm still.... thinking." seryoso niyang ani

"Magaling ka at Matalino. Alam kong kahit saan ka pumasok ay kaya mo." hindi ko naitago ang himig ng sobrang pagka proud, malaki ang tiwala ko na kahit saan siya mag-aral ay makikita ng lahat ang galing niya.

"You always said that. Bakit ang taas ng tiwala mo sa'kin? you know. I once failed our chemistry activity." pagkasabi niya ay rinig ko ang mahinang pagtawa niya, na para bang ngayon niya lang ito nasabi sa iba

"Once lang naman. Ako nga twice, thrice. Ilang beses nag failed sa mga activities namin. Hindi naman mabubura ng isang failure ang napakaraming achievements. Tandaan mo 'yan, Marcus." taos puso kong sabi sa kaniya

"But, people will only remember your mistake. It doesn't matter if you make a mistake once or twice.. Pag nag failed ka... failure ka na para sa kanila."

"Eh ano naman. Hindi naman sila ang mahalaga. Lahat naman tayo nagkakamali, normal naman iyon. Sabi nga 'di ba, hindi ka dapat nagpapa apekto sa iisipin at sasabihin ng iba dahil hindi naman nila alam lahat ng pinagdaanan mo bago ka nag failed at paano mo nakuha lahat ng achievements mo. All they do is make judgments without understanding our situation." mahaba kong lintanya, wow english iyon ah. Nakuha ko sa english teacher namin.

Mabagal ang lakad niya kaya malayo- layo pa kami.

Abot ng mata ko ang dahan dahang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

"Ang lalim mo rin pala mag-isip. Ang akala ko puro ka lang kalokohan." at tanging nasambit niya, may halong tawa

Kumunot naman noo ko kahit alam kong hindi niya kita iyon.

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1)Where stories live. Discover now