Chapter 4: The Duke's Mansion

1.5K 57 3
                                    

Chapter 4: The Duke’s Mansion

SUMILAY ang malawak na ngiti sa mga labi ni Selene nang titigan niya ang sariling repleksyon sa harap ng salamin.

“Thank you as always for your help, especially on my hair, Ruby.”

Her hair has now been styled into a tousled bohemian goddess. The fishtail braid makes the style stand out, and Ruby even put a light purple ribbon around it. Selene is also wearing a white long-sleeve princess-style dress.

Mula sa salamin ay hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang bumalatay na gulat sa mukha ni Ruby. Marahil ay hindi pa rin ito sanay sa maayos na pakikitungo niya rito.

“It’s my pleasure to help, Lady Selene. Paniguradong mabibighani ng husto sa inyo ang Duke sa oras na masilayan ka niya,” excited na wika nito.

Pinigilan ni Selene ang mapasimangot. There’s no way that the Duke will praise or appreciate her look. Isa pa ay hindi naman dahil dito kaya siya nag-ayos ng husto.

Since she grew up to train and to be an assassin in her past life, she wasn’t able to have a chance to wear girly stuff, style her hair, or even put on some make-up. That’s why now that she’s been given a second chance to live, Selene wants to enjoy being a woman at all.

Natigilan lang sila nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto.

“Selene.” It was her mother’s voice.

“Come in.”

“Labas lang po muna ako, Lady Selene. Tawagin n’yo na lang po ako kapag kailangan n’yo po ng tulong.”

Nginitian niya lang si Ruby. Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa kaniya ang ama at ina.

Nang makalabas na si Ruby ay umupo ang mga magulang niya sa dulo ng kaniyang kama. Pumihit naman ng upo si Selene paharap sa mga ito.

“May problema po ba?” kunot noo niyang tanong. Tila ba malungkot kasi ang mga ito.

Napasulyap naman ang ina niya sa dalawang maleta na nakatabi malapit sa pinto. “Ayan na ba ang lahat ng mga dadalhin mo?”

Napanguso naman siya. “Opo. Sabi ni Duke Apollo ay may ihahanda rin naman daw siyang mga gamit ko roon kaya hindi ko naman kailangan magdala ng marami.”

Napatango ito. Pero gano’n na lang ang gulat niya nang biglang abutin ng kaniyang ina ang mga kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng hita niya bago marahang pinisil ang mga ito.

“Hija, marahil ay iniisip mo na kaya ka lang namin pinagpipilitan sa Duke ay para magampanan ang obligasyon mo sa pamilya na ito. Pero gusto lang din namin na malaman mo na kung ang Duke ang makakatuluyan mo ay mas mapapanatag ang kalooban namin ng ama mo,” malumanay na wika ng kaniyang ina.

“Your mother and I know that you will be protected and secured by the Duke no matter what happens. Malaki ang tiwala namin sa kaniya. Kung sa iba ka namin ipagkakasundo ay paniguradong magkakaroon kami ng agam-agam sa loob namin. Since you have been admired by many, we’re afraid that you will be taken advantage of,” her father added.

“There’s nothing to worry about us. What’s more important is you. All you need to think about now is you and your future. We just want the best for you.” Her mother said those words with utmost sincerity.

Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ni Selene. Sunod-sunod naman siyang napakurap para pigilan sa pagtulo ang namumuong luha mula roon.

She didn’t know that her parents had this side of them. Hindi kasi masyadong natalakay ang mga ito sa nobela.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon